Chapter 13

141 54 1
                                    


One week!
One week na walang pansinan.
So, what?
Kahit ngayon lang pairalin ko muna yung pride ko. Hayaan ko munang ma-miss niya ako.

Pero bigo ako. Nakakalungkot. Ako lang yata yung nakakamiss sa kanya eh.

"Zayn!" Tawag ko sa kanya habang nagsusulat kami.
Lumapit ako sa kanya.
So what? Wala namang teacher e.

"Uy, yush." Ulit ko.

"Yush~~~~Zayn." Pangungulit ko. Kinalabit-kalabit ko na rin.

"Ano?" Mahina niyang sabi habang patuloy parin siya sa pagsusulat.

"Yush." Sabi ko ulit.

"Ano nga!" Medyo lumakas na yung boses niya. Napakagat labi naman ako.

"Eh, yush."

"Ano ba Pabee! Ang daldal mo. Pwede bang manahimik ka naman. Nakakairita ka na." Medyo nagliliwanag na yung awra ko ngayon. Alam ko na yung mga ganyang galawan ni Zayn eh. Bibigay din to maya- maya.

Sasadyain ko pang inisin siya. Isa pa Kyline~~~~isa pa.

"Eh kasi yush~~~~~~"

"Oo na! Bati na tayo kaya tumahimik ka na, okay?" Malakas niyang sabi kaya naman dinig ng buong seksyon.

Napangiti nalang din ako at kasabay nun ay ang kantyawan sa buong klase. Hindi narin bago sa akin ang ganitong mga eksena.

Tumingin lang ako sa kinaroroonan ni Vestre.
Tuloy-tuloy lang siya sa pagsusulat.
Iba talaga pag sobrang talino. Parang walang nag-e-exist na iba sa mundo niya.

Pero, ano to? I feel something blahblahblah~~~~I can't. I just can't~~~~~I don't know! Hindi ko alam kung ano yung gustong sabihin ng isip ko.

Mali!
Mali!

Sinampal-sampal ko ng mahina yung sarili ko para kumalma.
Buti nalang dumating si Sir John at bumalik na ako sa realidad.

"Good morning class!" Bati ni sir.

"Good morning,sir!" Balik naman namin sa kanya.

"Ayoko na magpaligoy-ligoy pa. On january 19, kaawaran ng president ng school kaya naman may party na magaganap at ang tema ay mask party. So, everyone is invited."

Wala ngang paligoy-ligoy niyang sabi. Walang ka suspense-suspense. Ang baduy naman.

"Sir!" Nabaling yung tingin namin dun sa nagtaas ng kamay. Si maureen, isa sa mga kaklase namin.

"Required po ba sir na umattend lahat?" Tanong niya. Good question Maureen.

"No! It's optional. But how can you resist your enjoyment? It's up to you if you really want to enjoy your high school life. And besides,it's your last year here in school."
Kunsabagay may point rin naman si sir. Sayang din naman yung memory na mabubuo sa gabing yun.

"Sir! Pwede ba yung mga outsider?" Tanong ulit nung isa naming kaklase na lalaki.

"No! That's out of the rules! No more questions? Class dismiss!"
Saka dali-daling lumabas si sir ng classroom.

Ang iingay na naman nila.

"Yush." Kinalabit ko si Zayn pero busy talaga.

"Yush, hello." Pangungulit ko ulit.

Wala na! Ang sungit na naman ulit. Mas mabuti pa sigurong tumahimik nalang ako.

Tasheleen's storyline

(ZAYN POINT OF VIEW)

O teka, bakit parang tumahimik?
Tiningnan ko siya gamit ang reflection ng cellphone ko.

Naktingin siya sa blackboard, tulala. Mukhang malalim ang iniisip.

Pabayaan ko nalang muna para naman may katahimikan din yung tenga ko.

Hanggang sa matapos ang klase ay nakatahimik lang din siya.

May practice kami ngayon dito sa Auditorium.
May game kami out of campus sa February kaya kaylangan na muna naming mag ensayo.

Kaylangan naming manalo, dahil last game nato namin dito sa school. Iba parin kapag naglaro kayo sa school niyo at bonus nalang kapag nanalo kayo.

Saturday ngayon.
Ang boring!
Nasaan na kasi ang dalawa kung kaibigan. Pupunta na sana ako sa kusina nang may biglang kumatok sa pinto.

"Ano? Tara na?" Sabi agad ni Lance.

"Tara." Sagot ko naman. Kung hindi lang ako naiinip dito sa bahay, hinding- hindi ako sasama sa kanila gumala.

Dahil kasama ko tong dalawang to, tiyak na kasama rin nila yung tatlong babae. At hindi nga ako nagkamali. Nauna na sila sa destinasyon namin.

Mall ulit? Mall?
Mga babae talaga. Sabihin niyo nga. Ganyan ba talaga kayo? Wala nang iba pang mapagtambayan kung hindi mall?

May magagawa pa ba ako?

Magagalit mga girlfriends nila e, pag hindi sila sumunod.
Loyal? Hindi nga lang halata.

Ayon, bumili lang sila ng costume para dun sa costume party malamang.
Masyado silang excited.

Pauwi na kami nang may lumapit samin.

"Oh! Hello guys. Nandito pala kayo. Hay,Zayn."
Sabi nito at kumapit na naman sa braso ko.

"Okay lang ba na sumabay na ako sa inyo pauwi? Nauna na kasi yung mga kasama ko eh."

Walang sumagot, tiningnan ko si Pabee, wala lang.
Naka earphones siya.
Hindi siya nag-reklamo. Tahimik lang din siyang nakatingin sa amin.
Nag-commute lang pala kami.Sayang yata ang gas.

Nasa jeep na kami.
Pwesto namin.
*Lance~~~Trixiah~~~Feliss~~~Kip~~~Ako at Ahlia.
Si Pabee naman nasa kabilang upuan sa may pinakadulo at katabi niya ay isang lalaking estudyante yata. Mukha namang desinte yung mukha. Tipong mapagkakatiwalaan.
Nagpahuli kasi siyang umakyat kanina sa jeep. Ang tahimik niya simula kanina eh.

Ang lungkot ng mukha niya. Okay lang kaya siya?
Pero dati sa ganitong pagkakataon, hindi naman siya nagpapatalo e.
Napansin ko rin kanina, hindi rin siya bumili ng damit para sa party.
Hindi ba siya pupunta? Pero imposible. Gustong-gusto niya yatang pumunta ron at siya pa nga yung pilit nang pilit sakin eh.

Nakita kong nilingon niya yung katabi niya at nag shake-hands sila. Hindi ko rin marinig kung ano yung pinag-uusapan nila.

Maya-maya nagtawanan sila. Ano naman kaya pinag-uusapan nila.

"Kilala ba ni Tabee yan?" Rinig kong tanong ni Kip kay Feliss.

"I don't think so, ngayon ko lang din naman nakita yang lalaking yan." Sagot ni Feliss.

"Parang ang close naman yata nila." Sabi ulit ni Kip.

"Tatanong ko nalang mamaya."

Naunang bumaba si Ahlia. Tumingin ako sa kinaroroonan ni Pabee, nakapikit ito at naka earphones lang. Nandun parin yung lalaking katabi niya.

Sunod na kaming bumabang tatlong lalaki. Ayoko pa sanang bumaba kaso pinipilit na nila akong dalawa.

Nakita ko lang na nag-wave sakin si Pabee.

When I Chase Him   [Under Editing]Where stories live. Discover now