Chapter 34

102 42 1
                                    

Hindi ako makasingit sa atensiyon ni Pabee dahil kay Vestre.

Ganito pala ang pakiramdam ng hindi pinapansin ng taong mahal mo. Natatakot kang baka mahulog siya sa puso ng iba.

Vestre pov

Palagi kaming magkasama ni Kyline. Hindi nila alam na kasama to sa plano namin lahat maliban kay Zayn.
Oo! Hindi niya alam na may plano kaming ginawa.

Ginagawa ko'to para kay Kyline, gusto kong sumaya ulit siya katulad ng unang beses na magkakilala kami.

Hindi man kami malapit dati dahil sobrang busy niya kay Zayn at hindi niya napapansin ang mga taong nakapaligid na gusto ring makapag kaibigan sa kanya.

Nag-uusap kaming dalawa ngayon.

"Kamusta kana Kyline? "

" Okay naman ako. " Saka siya ngumiti.

" Ang ibig kong sabihin, kay Zayn. "

Bigla siyang natahimik.

" Kyline, I know it's too fast but, I can't help myself from falling to you all over again.
Hindi ko na patatagalin pa'to.
I love you, will you accept it? "

Hindi siya agad nakasagot, nakatitig lang siya sa mukha ko.

" You still loved him? "
Hindi ulit siya nakasagot.

" Kyline, do you? "

Trixiah pov

Nandito kaming lima at nakikinig sa pinag-uusapan ng dalawa.

" Kyline, do you? "

Natatakot kami sa isasagot ni Tabee, paano nalang kung hindi ang sagot niya.

Dahan-dahan kaming lumingon sa katabi namin na umiiyak.

" Ahlia? Bakit a umiiyak? "

" Ha? Wala! "

Ang weird ng cheerleader na'to.

Balik ulit kami dun sa pakikinig sa dalawa.
Ang tagal niyang sumagot.

" I do! "

I do? Means, Oo.

She's still loved Zayn.

Naghawak kami ng kamay ni Feliss, sa pagkakataong ito gustong-gusto na naming tumalon at sumigaw sa saya.

Tumahimik naman na sa kakaiyak si Ahlia.
Bakit ba siya umiiyak?

Vestre pov

" I do! "

Okay! Success yung plano pero may konting kirot ang puso ko.

" Then, you need to talk to him. "

" Para saan pa Vestre? "

" Para sa kaligayahan niyo. "

" Paano? Si Tanya! "

" Nasa Malaysia na si tanya. The closure between them is cleared. Zayn, choose to be with you and your heart. "

Tabee pov

Pagkatapos ng pag-uusap namin ni Vestre. Parang mababaliw ako sa halo-halong nararamdaman ng puso ko.

Pinili ako ni Zayn?

Mahal ako ni Vestre? Pero nagparaya siya para kay Zayn.

Pagdating namin ni Vestre sa may swimming pool, nandun silang lahat.

Mukhang ang saya naman ata nila.

Si Zayn at Ahlia magkasama, nag-uusap, nagtatawanan.

"Jealous again? "tanong ni Vestre.

" No! "

" In denial. "

" TABEE! "sigaw ni Feliss at Trixiah habang papalapit sa amin ni Vestre.

" Kayo na ba? "tanong naman ni Trixiah.

" Ano bang sinasabi mo, Feliss. "

" Ha! Diba nag confess na si Vestre sayo at diba nga hindi mo na mahal si Zayn tapos sinagot mo siya pagkatapos kayo na and last march 15 ang monthsary niyo! "

Nagulat ako sa sinabi niya. Kadiri siya. Ano bang sinasabi nila? Ano ba naman yan?

Wait! Ibig sabihin, nakikinig sila samin kanina?

" Nakinig kayo kanina nu? "

" Ha? Hindi! " In denial din sila.

" Umamin nga kayo! "

" Tara Vestre, maligo nalang tayo! "

Tapos nun, hinila nila si Vestre at ako ang naiwan dito mag-isa.

Lumapit ako dun sa may pool.

I wish I could swim.

" Tabee, lika na, mababaw lang naman e, " yaya sakin ni Ahlia.

Bahala ka! Hinaharot mo na naman si Zayn tapos kakausapin kit? No, way!

Lumangoy papalapit sakin si Ahlia.
" Huwag kana ngang magselos dyan. Baka iniisip mo na naman nilalandi ko siya, well, pwede nadin baka sakaling maging akin siya diba nga wala na kayo. "

Nakakainis ka Ahlia.

" Nakakainis ka! " singhal ko sa kanya.

" So, 'wag ka nang maarte dyan. Patunayan niyong may forever. "

" Wala nga kasing forever! "

" Bahala kana nga, sige dyan kana. Pupuntahan ko na siya. "

Tapos lumangoy na siya papunta doon sa kinaroroonan ni Zayn.

Hindi ako papayag.

Tumakbo ako papunta dun sa kinaroroonan ni Zayn. Bahala na yung pride ko, may tide pa naman e.

Nang nasa harap na ako ni Zayn, napansin kong nasa ibang direksiyon nagpunta si Ahlia. Babaeng yun, niloko ako.

"Pabee! "

All right, andito na kami at magkaharap.

" Natatakot kapa rin ba na maagaw ako ni Ahlia sayo? "

Sinasabi niyang sobrang tumpak.

" Ang kapal ng mukha mo! Hindi. "

" Come on Pabee. I know you still loved me. "

" Sinong may sabi niyan? Napaka sinungaling niya ."

May kinuhang cellphone si Zayn at may pinakitang video sakin. Yung kanina?

"I do! "

Naiiyak ako! Nakakahiya! Gusto kong magpalunod dun sa swimming pool sa sobrang hiya.

" Don't be shy Pabee. I love you, too. "

Saka niya ako niyakap.
Wait!
Agad ko siyang tinulak.

" Pabee, bakit? "

Hindi ko siya pinansin at tumingin dun sa mga taong nagkakasiyahan sa swimming pool.

" Kayo! "

When I Chase Him   [Under Editing]Where stories live. Discover now