Chapter 2

321 61 11
                                    


"Yush tara na, di ka pa ba nagugutom?" Tanong ko sa kanya. Wala kasi yata siyang bala mag meryenda.
Naghihintay lang ako ng isasagot niya at siya naman 'tong parang bingi na nakaupo lang habang nagpipindot ng kanyang cellphone.

Pumunta ako sa likod ng kinauupuan niya tapos sinilip kung sino ang ka-text niya.
Naglalaro lang naman pala ng online game.Bigla ko kaya siyang tawagan sa cellphone para tumigil siya sa kakalaro. Magagalit kaya siya?

Lalo akong nainis nang pumasok bigla si cheerleader dito sa classroom namin at may dala- dala pang pagkain.
Sabunutan ko kaya 'tong dalawang ito.

Sana sinabi niya nalang na may kasabay siya kumain para hindi na ako nagpapagutom dito noh.

Bumalik nalang ako roon  sa upuan ko kasi nakakainis na.

Akala mo naman magpapagutom ako dahil sa'yo. Asa ka!

Kinuha ko ang pera ko sa bag saka tinungo ang canteen.

"O?  Nasaan  na ang yush mo? " Bungad ni Trixiah sa akin nang maupo ako sa tabi niya habang bitbit ang binili kong pagkain.

"Malay ko ro'n" Wala sa mood kong sagot.

"Ah---baka magkasama sila ni Ahlia." Singit naman ni Feliss.

"Tumahimik ka nga. " Wika ko at agad naman silang tumahimik. Ang dali lang naman pala nilang kausap eh.

Bumuntong-hininga na lang ako. Nakakasira naman ng araw.

Tapos na ang isang klase namin at naghihintay nalang kami ng kasunod naming guro.

Bago pa man ako makarating doon sa kinauupuan ni Zayn ay hinarangan agad ako ng dalawa kong mga kaibigan.

"Tumabi nga ka'yo. Ano ba? " Reklamo ko sa kanila habang pinipilit kong makawala sa pagkakahawak nila sa'kin.

Tumigil silang dalawa sa ginagawa nila at may pinakitang text sa akin.

Galing kay Zayn iyon.  Ang sabi huwag raw akong hayaang lumapit muna sa kanya.

Ang harsh naman!

"Paano ako maniniwalang galing 'yan sa kanya? " Bakit ako maniniwala 'di ba?  Alam kong pinagti-tripan na naman nila ako.

"Kung ayaw mong maniwala, bahala ka nga diyan. " Saka nila akong mahinang tinulak-tulak papunta kay Zayn.

"Hoy, yush ano 'yang ginagawa mo?" Tanong ko sa kanya habang nasa likuran ako ng upuan niya.

Hindi na naman siya sumasagot.

" Hoy, yush! Magsalita ka naman, para naman akong baliw dito,ako lang yung nagsasalita.
Uy,  siyanga pala. Ba't ba dito lagi ang cheerleader na 'yon ha? Sinisira niya nalang palagi araw ko."

Lumingon sa akin na medyo magkalapit na ang mga mukha namin.

"Pwede ba Pabee tumahimik ka na, ang daldal mo talaga, e noh?" Wika niya na halata sa boses ang pagka-irita.

Marahan lang akong nakatingin sa mga mata niya at sa pagkakataong 'yon ay ramdam ko ang mga kamay niyang mahinang sinampal ang noo ko. 

Bumalik siya sa kanyang ginagawa at tumayo naman ako ng maayos.  Nakita ko naman ang reaksiyon ng iba kong mga kaklase.

Nag thumbs-up lang si Jane sa akin saka ngumiti. Isa siya sa mga kaklase ko. Agad ko naman siyang nginitian.  Pasalamat din ako kasi napaka supportive ng mga kaklase ko.

When I Chase Him   [Under Editing]Where stories live. Discover now