Chapter 27

123 49 2
                                    

(Zayn Point of View)

"Ma, saan ba tayo pupunta? " Tanong ko kay mama.

"Sa isang taong kilalang-kilala mo."

Sa isang taong kilalang-kilala ko? Sino ba kasi yon at bakit kaylangan ko pang sumama.

" We're here! " Sabi ni papa sabay ang pagtigil ng sasakyan.

Bakit bigla nalang akong kinabahan?

Pagpasok namin sa loob ng bahay ay agad tumambad sa akin ang mukha ng isang taong matagal kong hinintay.
Isang tao na ayaw kong mawala sa buhay ko.

Bakit ngayon pa?

Dumiretso na sina mama at daddy pero ako ay nanatiling nakatayo lang dito sa bungad ng pintuan.

Napapikit nalang ako nang may biglang yumakap sa akin.
Pag mulat ko ng mata ko. Isang mukha ng isang magandang babae.
She looks very simple. Walang nagbago sa kanya.
Siyang-siya parin yung babaeng pinapangarap ko dati.

"Zayn, I missed you sa bad." Sabi niya habang nakangiti. Yan yung ngiti na gustong-gusto kong makita sa kanya.

" Brittany! " Sambit ko sa pangalan niya. Hanggang ngayon hindi parin ako makapaniwala na nakita ko na siya ulit.

Siya si Brittany. Siya lang yung minahal ko sa loob ng ilang taon.
Kaya ayoko magkaroon ng commitment sa iba kasi may hinihintay ako. Umaasa ako ron sa pangako namin dati sa isa't-isa.

Pangakong magiging kami na pagbalik niya galing Malaysia.

Hindi ako makapaniwala. Sobrang bilis na rin ng tibok ng puso ko.

Pero mali. Hindi tama ang mga nangyayari ngayon.

"Zayn, nandito na ako. Magkakasama na tayo." Masaya niyang sabi.
Hindi ko alam kung ano yung sasabihin ko kung kaya't niyakap ko nalang siya.

Bakit ngayon ka lang bumalik Brittany? Bakit ngayon pa?

Tasheleen's storyline.

Sabado ngayon  at hindi rin ako pumasok kahapon.
Dahil kaylangan ko pang samahan si Brittany.

Kakarating ko lang ng bahay at gusto munang mapag-isa.

Sa katunayan ay ayoko ng istorbo. Kahit ni sino pa yan. Gusto ko ring mag-isa at  makapagisip-isip.

Matutulog na sana ako ngunit nakita ko yung cellphone ko sa mesa. Kinuha ko iyon.

125 missed call
26 messages.

At pagbukas ko ay halos lahat galing kay Pabee.

Sh**t! Zayn.
Anong ginagawa mo? May pinapaasa kang tao. Ang sama ko.

Pabee! I'm sorry.




(Tabee Kyline Point of View)

Matutulog na sana ako nang biglang tumunog yung cellphone ko.
Si Zayn pala nagtext.

"Pabee, I'm sorry. Busy lang kasi talaga ako. Goodnight. "

Sa text niyang iyon ay naramdaman ko na naman ang maiinit na tubig na tumutulo mula sa mga mata ko.
Zayn bakit?
Bakit bigla-bigla ka na namang nagbago?

Ramdam kong may mali sa text niya. Sa mga sinabi niya.

Ngayong linggo ay  hindi na naman  ulit siya nagparamdam.

Panandalian lang ba lahat ng mga pinaramdam at pinakita mo sakin? Bakit mo pa pinaabot pa sa ganito ang lahat?
Sana sinabi mo nalang dati na hindi moko kayang mahalin pabalik.
Mas madali siguro ang lahat.
Pero kasi may label na tayo diba? Mas masakit to.

Tasheleen's storyline

(Feliss Point of View)

1 MESSAGE RECEIVED
FROM: Ffg Tabee.

"Pwede niyo ba akong samahan sa bahay nina Zayn? "

Pinabasa ko ito sa tatlo kong kasama.
Alam niyo naman kung sino-sino yon.

Nandito kami sa bahay nina Trixiah.
Kasi nga may problema, and this is all about Zabee loveteam.

Kinwento sa amin ni Kip ang nangyayari, which is tungkol daw doon sa Brittany at Zayn.

Wala nga raw closure between sa kanila at may promises pa raw.

Kawawa naman ang Ffg namin.

No choice na kami.

Alam naming anong oras man ngayon. Masasaktan at masasaktan ang kaibigan namin.

Sinundo namin si Tabee sa bahay nila at dumiretso na kami sa bahay nina Zayn.

Lumabas sa pinto ay ang katulong nila na si manang Andrea.

"Naku! Iha. Wala rito si Zayn. May pinuntahan," sabi ulit ni manang Andrea.

" Manang, alam niyo po ba kung saan siya pumunta? "tanong naman ni Tabee.

"Pasensya na Tabee, wala naman kasing sinabi si Zayn eh."

" Ahmm! Tawagan nalang natin. Baka importanteng lakad talaga. Salamat nalang po manang Andrea. Pakisabi nalang po sa kanya na pumunta kami rito, " sabi naman ni Trixiah.

Nasa loob na kami ng kotse ni Kip nang mangyaya si Trixiah na kumain daw muna kami.

"Uuwi nalang ako." Sagot ni Tabee.

"Sigurado ka ba Tabee? Ihahatid ka na namin? Ayaw mong sumama samin?" Tanong ko sa kanya.

"Hindi." Sagot niya agad. Dati naman kapag niyaya namin siya gustong- gusto niyang sumama kasi gusto niya raw sirain ang araw nina Kip at Lance kasama kami nina Trixiah.

Pagdating namin sa bahay nila. Hindi na siya nakapag paalam at dire-diretso lang sa pagpasok.

Bumuntong-hininga kaming lahat. Naaawa ako sa kalagayan niya.
Ganyan na siya kaagad ngayong hindi nagpaparamdam si Zayn. Paano nalang pala  kung malaman niya yung totoo.

"Guys! Ano na? Anong gagawin natin?" Nag-aalala kong tanong sa kanila.

"Tayo ba yung magsasabi sa kanya o si Zayn ?" Tanong naman ni Trixiah.

"Hindi ba si Zayn yung may mas karapatan na magsabi kay Tabee?" Sabi ni Lance.

"Pero paano kung huli na yung lahat? Paano kung nalaman na ni Tabee ang lahat nang walang nagsasabi sa kanya. Hindi lang siya kay Zayn magagalit kundi pati narin satin. May alam tayo pero hindi natin sinabi sa kanya." Sabi ko.

"Mahirap mag desisyon ngayon kung hindi natin alam kung ano yung nasa side  ni Zayn. What if, may plano na siya. Baka tayo pa yung makasira." Sagot naman ni Kip.

Marami akong panghihinayang na naiisip.

Bakit hindi nalang kasi sabihin agad ni Zayn yung totoo kay Tabee
Sabihin niya nang harap-harapan kung sino nga ba yung mas matimbang sa puso niya.

"Alalayan niyo nalang muna si Tabee. That's the best thing you can do to her." Sabi ni Lance.
Tama siya. Kaylangang kahit anong mangyari. Makita ni Tabee na nandito lang kami para sa kanya.

When I Chase Him   [Under Editing]Where stories live. Discover now