Chapter 7

169 54 1
                                    

ZAYN POINT OF VIEW

  Pagkagising ko kaninang umaga.
Ang daming text at missed call.

At kay Pabee lahat nanggaling ang mga iyon.
May problema ba siya? O baka naman mangungulit ulit. Ewan ko ba pero sanay na sanay na ako sa pinanggagawa niya sakin. Hindi nako kumikibo kasi kakaiba siya. Isa siyang wierdong babae. Siya lang ang kakilala kong ganoon.

Lunes na muli at may pasok na. Maaga akong pumunta ng school dahil madami akong gagawin.
Sana walang istorbo lalo na si Ahlia.

Si Ahlia, ang cheerleader ng basketball team namin.

Gusto ko lang linawin. Wala akong gusto sa kanya. Ilang beses ko na siyang tinataboy pero hindi pa rin umiiwas. Hanggang sa wala na akong nagawa.

Dito ako ngayon sa may computer room, nagreresearch.

Mag se-seven na kaya lumabas na ako
at magsisimula  na ang flag ceremony.
Bawat lunes kami nagkakaroon ng flag ceremony.

Papunta na ako roon sa pila namin nang may humawak bigla sa braso ko.

Buti nalang hindi si Ahlia.
At alam niyo na kung sino siya.

Si Pabee.

"Tapos na ba research mo? Hindi na ako pumunta ro'n kasi alam kung ayaw mo ng istorbo. So, ano? Tapos na ba?"
Kilalang kilala na niya yata ako.

"Hindi pa." Medyo cold kung sagot.

"Sige yush, punta muna ako ro'n sa linya namin. Good morning pala." Sabi niya lang at umalis na siya.

Tapos na ang flag ceremony at lumapit ulit si Pabee sakin.

Sabay kaming pumasok ng classroom at may sampung minuto pa kami para sa vacant.

Nag kukwentuhan lang kami at si Pabee ang tahimik niya, hindi niya yata pinapansin ang mga kaibigan niya.
Alam ko na kung bakit. Siguro ang tungkol doon sa nakaraang araw.

Dumating na rin ang adviser namin na si Mr. Evans.
Math subject at Mapeh teacher namin.

At coach din namin siya sa basketball team.

Bumalik na sila sa kani-kanilang mga upuan.

Hanggang sa matapos ang buong klase at break time na.

Hindi katulad dati ay hindi nag-alok na siya ang kukuha ng pagkain ko.

Hindi rin siya bumili ng sarili niyang pagkain. Nakaupo lang siya roon sa upuan niya.

"Hindi ka ba kakain?" Tanong ko sa kanya.

"Hindi naman ako gutom eh." Sagot niya habang nakayuko lang.
Nagtinginan naman kaming lima sa inaasal ni Pabee ngayon.


Inusog ko ang pagkain ko sa kanya na hindi ko pa rin nakakain.  Konsensiya ko pa kapag nalipasan siya ng gutom.

"Teka, saan ka pupunta?" Pigil niya sakin.

"Kukuha ng pagkain, kainin mo 'yan ha?" Sabi ko sa kanya. Wala naman sigurong masama na kahit minsan lang maging mabait ako sa kanya.

Pagbalik ko sa table namin. Laking gulat ko nalang nang makita kong malapit nang maubos ang pagkain ni Pabee.

"Akala ko ba hindi ka gutom?" Tanong ko habang papaupo ako.

"Akala ko nga rin eh. Pero nagutom ako bigla nang makita at maamoy ko yung pagkain." Sabi niya at pagkatapos ay ngumiti na tila nahihiya.

When I Chase Him   [Under Editing]Where stories live. Discover now