Chapter 28

120 49 2
                                    

(Tabee Kyline Point of View)

Lunes na at nasa lobby na ako nang makita ko ang isang pamilyar na mukha.

"Zayn." Sambit ko.
Agad akong tumakbo papalapit sa kanya pero agad akong natigilan nang makita kong may babae siyang kasama. Nakapulupot ang kamay nito sa braso ni Zayn.

"Zayn." Tawag ko sa pangalan niya at nakita ako ekspresyon ng mukha niya.

"Bakit parang nakakita ka ng multo?" Tanong ko sa kanya. Pero wala akong nahagip na sagot mula sa kanya.

"Is she's one of those girls Zayn?" Tanong ng babae sa kanya.
Anong 'one thos girls'?

"Zayn may problema ba? Bakit ka nagsasalita at sino siya?" Hindi sumasagot si Zayn at nakayuko lang ito.

"Lance?" Nilipat ko ang tingin ko kina Lance at Kip.

"Ah! Girlfriend mo siya Lance? Siya ba yun?" Sabi ulit nong babae.

"Hindi Brittany. Hindi siya yung girlfriend ko."

"Then, who she is?" Tanong niya ulit.

"Boyfriend ko si Zayn at ikaw sino ka?" Sabi ko. Umiinit na ang dugo at baka anumang oras ay baka sumabog na ang galit ko.

"Boyfriend ni Zayn? Is this a prank guys? Hindi siya nakakatuwa." Sabi ulit nong babae.

"Tanya halika ka na." Yun lang yung huling narinig ko kay Zayn at umalis na silang apat.


Nakaalis na silang apat pero nandito parin ako nanatiling nakatayo at sinusundan sila ng tingin papalayo sa akin.

Sino ang babaeng yon?


Tasheen's storyline

(Trixiah Point of View)

Papunta kaming apat ngayon sa bahay nina Tabee.
Sasabihin na namin sa kanya ang lahat ng mga nalalaman namin.
Ito na yung senyales para magsabi na kami sa kanya.

Hindi naman namin pinapangunahan si Zayn kaso nga lang mas masasaktan si Tabee kung hindi pa niya malalaman ngayon.

Hindi na kami kumatok sa pinto ng kwarto niya kasi bukas naman.

Kagaya ng inaasahan, umiiyak nga siya. Diretso kaming apat at niyakap siya.

"Tabee, tahan na. Huwag kanang umiyak. "Sabi ko pero mas lalo lang lumakas yung iyak niya.

" Tabee, please. Pakinggan mo muna kami. May sasabihin kami sa'yo. "

Pagsabi non ni Kip ay tumigil siya at hinintay yung sasabihin namin.

" Sabihin niyo na. "

Bumuntong-hininga muna si Kip at Lance.

" Tabee, tungkol kay Zayn (pagbanggit ni Lance sa pangalan ni Zayn. Wala kaming nakitang reaksiyon sa mukha ni Pabee).
Yung babae kanina, siya si Tanya. Siya yung babaeng matagal na~~~na hinihintay ni Zayn.
Siya yung childhood girlfriend niya. At may pangako sila sa isa't-isa na kapag nakabalik na si Tanya mula sa Malaysia.
Ipagpapatuloy nila yung pag - iibigan nila."

When I Chase Him   [Under Editing]Where stories live. Discover now