Chapter 22

148 50 1
                                    

(Tabee Kyline Point of View)

Nasasanay na ako na pinapakilig ni Zayn araw-araw. Sana nga wag na matapos eh.

Isang araw nalang bago ang valentines day at parang may iba akong nararamdaman. Kinakabahan ako. Hindi ko maintindihan.

"Hey! "
Napalingon ako ron sa nagsalita.

"Bakit? Anong ginagawa niyo rito?" Tanong ko sa kanila. Nakakainis!
Alam naman nilang nag-de-daydream ako eh.

"Daydreaming again?" Tanong ni Ahlia.

Tama ang nabasa niyo. Si Ahlia ang nagtanong at paano?

FLASHBACK

Habang nanunuod ako ng tv sa bahay. Biglang may kumatok.

" Nakakainis naman. Istorbo," bulong ko sa sarili.
Imposible naman kasing pumunta dito si Zayn.  Ang busy kaya nila.

Pagbukas ko ng pinto.

Nagulat ako sa bumungad sa akin sa may gate. Ang lakas lang ng tibok ng puso ko.

Anong ginagawa niya rito?
Babalik na sana ako sa loob nang pigilan niya ako.

"Wait!" Pigil niya sa akin.

" Bakit ba? Anong kaylangan mo? Sasaktan mo na naman ako ulit, ha? Gusto mo bang ipakulong na kita?"
Imbes na sumagot ay umiyak lang siya.
Ang kapal niyang umiyak na parang siya ang biktima rito.

Nabigla pa ako nang makita ko siyang lumuhod sa harapan ng gate.

" Hoy! Tumayo ka nga. Ano bang ginagawa mo? " Agad-agad kong binuksab ang gate at saka ko siya pinilit na tumayo.

"Tabee patawarin mo na ako. Sising- sisi na ako sa ginawa ko. Yes, I meant it, na saktan ka that time pero hindi ko sinasadyang maitulak ka." Sabi niya habang umiiyak.

"Binalak mong saktan ako pero hindi mo sinasadya? Hindi mo ba alam na muntikan na akong mamatay? Hindi mo yun naisip?" Matigas kong sabi. Bigla nalang kumukulo na yung dugo ko.

"Kaya tumawag agad ako ng ambulansya. Gulong-gulo ako." Iyak niya lang.

"At gusto mo pang pasalamatan kita kasi tumawag ka ng ambulansya? Tingin mo ba sapat parin yun?" Ito yung ayaw ko sa lahat. Ang babaw ng mga luha ko.

"Hindi kita minamadali Tabee. Send me to jail if you want. Kick me off in the school if you please. Gagawin ko lahat mapatawad mo lang ako Tabee."

Iyak lang siya ng iyak.
Tinitigan ko lang siya.
Hindi ko alam ang iniisip ng babaeng 'to.

"Fine! Gagawin ko talaga. Kaya kung ako sayo ihanda mo na yung sarili mo."  Galit kong sabi sa kanya.

"Tatanggapin ko , sa ikakagaan ng loob mo."  Bakit nararamdaman at naririnig ko yung sincerity sa kanya.

"Minahal ko lang naman ni Zayn. Ito yung pinakalaking pagkakamali  na ginawa ko. Kinalaban kita na mas nauna pa sa akin kay Zayn. Sa tao na mas mahal niya. " Sabi niya ulit.

Oo. Nagmahal siya ng tao na minahal ko rin. Nauunawan ko siya. Pareho kaming nagmamahal sa isang taong manhid ang puso.
Hindi na ako nakapagsalita pagkatapos. Pinapakalma ko ang sarili ko at pilit siyang iniintindi.

When I Chase Him   [Under Editing]Where stories live. Discover now