.......Sabay-sabay kaming nagpunta sa place kung saan kami tutugtog Sumabay kami ni sophia ke paul. Habang nakaupo sa loob ng sasakyan ay palihim akong sumusulyap kay sophia at sigurado kong napapansin nya yun dahil ilang ulit ng nagkasalubong ang aming tingin..
Mababakas sa mukha ni sophia ang lalim ng kanyang iniisip. Di ko naman magawang magtanong dahil personal ng usapan yun kaya mag hihintay nalang ako na sya ang mag kwento.
Habang nasa sasakyan🚘 ay nagbibiruan kami nila paul at amiel asaran at tawanan😅😃😛. Na minsan ko ring nahuhuli si sophia na natatawa rin kahit papano. 30minutes🕑 din ang byahe kung saan kami tutugtog pero para sakin ay gusto kong pahabain ang oras ng aming byahe para lang makita ko si sophia na tumatawa.
Nang marating namin ang place ay dumeretso kami sa isang table kung saan malapit ang instrument. ( upo ka' )..ang alok ko ke sophia.. ( thanks! )..ang mahinang sagot ni sophia.. inayos ko na agad ang aking gitara para mamaya ay tugtog nalang. Pakatapos ay tumungo ako sa aking bag upang kunin ang aking sigarilyo..
( dito ka lang muna..mag yoyosi lang ako sa labas )..ang paalam ko ke sophia..sabay dumeretso na palabas..
Napaka ganda ng lugar kung saan kami tutugtog.. tabing dagat. (Siguro dito nag kakilala ang ikakasal kaya eto ang pinili nila.) Ang sabi ko sa aking sarili habang humihithit ng sigarilyo at naka upo sa buhangin. Napatingin ako sa malayo at bahagyang na alala ang aking nakaraan.. sa aking bayan. Muling bumalik sa akin ang lahat.. ..ang lahat na pangit na nang yari sa aking buhay.. ..muling bumalik sa akin ang takot na mag mahal muli..at takot na maranasang muli ang lahat..( buntong hininga )..
( RUSIAN!!..RUSIAN!!..)..sigaw na narinig ko. Dahilan upang maputol nanaman ang aking pag muni-muni..( RUSIAN!!..bilisan mo aba!,..! Hinihintay kana ng brides!.. )..pabirong sigaw ni amiel.. ( sira ulo! )..ang aking pabirong sagot..
Nang akoy naglalakad papalapit ay nakita ko na magkatabi si sophia at si leo na nag uusap.
Di ko alam kung ano mararamdaman ko kilala ko si leo na playboy. Pero wala naman akong karapatan para maramdaman kung anu man yun😁😁..
Hindi ko na nagawang umupo. Pagkalagay ko ng aking sigarilyo sa bag ay sabay kuha narin ng aking damit.
Pagka bihis ay dumeretso na sa aking gitara upang ayusin at mag handa. Pag ka tanggal ko ng aking suot na cap ay sabay ang pag abot ni paul ng maliit na papel kung saan nakasulat ang listahan ng aming kakantahin.
Habang nag babasa ng songlist ay di ko sadyang mapatingin ke sophia at nagulat ako ng makita ko syang nakangiti. Bigla akong napalingon sa aking likuran upang makasigurado na sa akin sya nakangiti..at ang magandang ngiting yun ay para sa akin talaga!.. gusto ko ang mga ngiting yun dahilan upang hindi ko ialis ang aking pagkakatitig sa kanya. (Game)..ang salitang narinig ko galing kay paul hudyat upang sa aming simula. Dun lang nahinto ang aking pagkakatitig ke sophia.
Una kong kinanta ang "this i promise you" na acoustic version ni richard marx. Habang kumakanta ay tinitignan ko ang buong paligid. Mga nasa 40 lang ang tao halos lahat ay seryosong nakikinig sa amin iilan lang ang hinde ung mga tipong nagkwekwentuhan lang. At hindi maiwasan na mapunta ang tingin ko ke sophia at nakikita ko syang seryosong nanunuod at nakikinig ng aking kanta.
Pagkatapos ng aming set ay inayos ko muna ang aking gitara at sabay tayo upang mag punta ng table.
Pagkatayo koy nakita ko na agad umupo si leo sa tabi ni sophia at kinakausap sya.. (kainan na!)..ang sabi ni amielPAUL: kain muna tayo
LEO: tara sophia kuha na tayong food..
SOPHIA: huh'..wala pa akong ganang kumain..
LEO: wag ka ng mag diet para sumeksi!..your too hot na!..
SOPHIA: hindi ako nag papaseksi noh!..wag kayong mag alala makapal ang mukha ko pag gutom kaya kukuha nalang ako pag gusto ko ng kumain..
AMIEL: rusian tara na!..wag mong sabihin na wala ka ring ganang kumain??!
RUSIAN: anung walang gana?!..lamon ang gagawin ko..(sabay tawa)..tara na sophia mas masaya kumain pag maraming kasabay..
SOPHIA: ge na mauna ka na..wala pa talaga akong ganang kumain promise..
RUSIAN: ok..basta sabihin mo lang if gutom ka na para kukuha nalang kita ng food..(sabay ngiti)Sabay sabay na nga kaming nagpunta kung saan nakalagay ang mga pagkain. Habang kumukuha ng pagkain ay biglang may lumapit sa akin..(hi!..im carol)..ang bati ng babae..
RUSIAN: hi..im rusian..(sabay abot ng kamay)
CAROL: so.. you are filipino right?..
RUSIAN: yes!..you.. where you from?
CAROL: from itally..my friends wedding that's why i'm here..and this my firstime here..
RUSIAN: wow!..really..so hows greece?
CAROL: beautiful..i love this place!..Habang nag uusap ay nakita kong nakatingin sakin si sophia. Habang katabi nya si leo na patuloy na nagsasalita. Pagkatapos naming mag usap ni carol ay dumeretso na ako sa lamesa at sa may tabi lang ni amiel ang may bakanteng upuan.
Pagkaupoy deretso kain. Habang kumakain ay di ko maiwasan tignan si sophia habang si leo naman ay bakas ang patuloy na pag bibida. At sa tuwing magkakabangaan ang aming tingin ni sophia ay ngiti lang sa bawat isa.
Pagkaraan ng aming isang oras na pahinga ay..(set!).........
BINABASA MO ANG
santorini (greece)
RomanceAno nga ba ang buhay??'..sabi ng iba dapat "magseryoso sa buhay"..ang iba naman "mag enjoy habang nabubuhay pa"..mai kwekwento mo kaya sa iba ang lahat kung sakaling binawi na ang hiram mong buhay??'.. ..