"IKA- DISI OTSONG YUGTO"

48 1 0
                                    


.......

TOK..TOK..TOK..

JONJON: tol si jon2 toh..

"Diretsong pumasok ng aking kwarto"..

JONJON: tol please naman itigil mo na yan..ako nahihirapan pag araw-araw kitang nakikitang ganyan. ..kung nakaya mo nung unang pagsubok na dumating syo.. i'm sure makakaya mo rin yan..hindi naman magbibigay ang dyos ng pagsubok kung alam nyang hindi natin to kaya..
RUSIAN: DYOS??!..ALAM MO BA SINASABI
MO??..ALAM MO BA MGA PINAG SASABI MO??..KUNG MAY DYOS BAKIT HINAYAAN NYANG MANGYARI SAKIN TO??..MANYARI SA BUHAY KO ANG LAHAT NG TO!!..LAHAT NG MAHAL KO KUNDI IIWAN AKO!!.., NAMAMATAY!!.. MAY NADIDISGRASYA!!..NGAYON SABIHIN MO NGA KUNG ASAN ANG DYOS DUN??!!..LUMAKI AKONG WALANG MAGULANG!!..TINANGGAP KO YUN!!..NAMATAY ANG ANAK KO!!..TINANGGAP KO YUN!!..PATI BA NAMAN KAY SOPHIA!..
JONJON: tama na tol..wala na tayong magagawa..aksidente ang lahat ng nangyari walang may gusto nun..tadhana ang tawag dun naka-plano ang lahat..kung sino man ang nakaka alam eh tanging dyos lang yun..kaya lakasan mo loob mo..magkikita pa naman kayo ni sophia may magagawa ka pa dahil buhay pa sya..pede mo syang alagaan hanggang pagtanda nya..marami pang pwedeng mangyari..

"Saglit akong kumalma sa pagkakasabi sakin ni jon2 nun..napaisip at sabay lagok ulit ng alak"..

JONJON: kaya kung ako syo tol..payong kapatid ..wag mong sirain buhay mo..kahit si sophia pag nalamang ginagawa mo sa sarili mo yan..tingin mo matutuwa ba sya?..itigil mo na yan..(akin na nga at ako uubos nyan!..pabirong sabi sabay agaw ng alak diretso lagok)..(kinginamo eh nag sosolo ka eh!..hehe)

Habang patuloy sa pag sasalita si jon2 ay napa isip ako sa kanyang mga sinabi..

"At biglang na alala ang adres ni sophia..dali-daling tumayo at diretso kuha ng jacket"..

RUSIAN: asan susi ng motor mo??
JONJON: huh..bakit.. ..teka san ka pupunta?..
RUSIAN: ASAN SUSI NG MOTOR MO?!!..
JONJON: teka saan ka nga pupunta?..dito nalang tayo sasamahan kitang mag inom.. ..biro ko lang ung mga sinabi ko kanina.. ..upo ka sasamahan kitang mag lasing.. (Habang sapilitan kong dinudukot ang susi sa bulsa ng pantalong suot ni jon2)
JONJON: huyy anu bang ginagawa mo..dito nalang tayo mag inom..jok lang ang lahat ng sinabi ko.. ..sige!..sige!..sasamahan kita ako mag magmamaneho..baka mamaya anu nanamang mangyari syo..

       At tuluyan na nga naming pinuntahan ang adres ng bahay nila sophia.
       Pagkarating ay pumarada kmi sa medyo kalayuan upang hindi kami makita kung sino man ang lalabas sa gate. ..

JONJON: ohh anung gagawin natin dito?
RUSIAN: maghintay lang tayo bka may lumabas para magtatanong ako..

       Habang nag aabang.. ilang saglit lang ay may nagbukas ng gate..at kasunod ng dahan-dahang paglabas ng sasakyan ni sophia..pagkalabas ng sasakyan ay..

RUSIAN: tara sundan natin..
JONJON: huh..bakit??..kausapin mo nalang ung katulong..
RUSIAN: basta!..halika na..sigurado akong pupuntang hospital yan kung nasaan si sophia..

       At patago nga naming sinundan ang sasakyan kung saan man ito magpunta..at maya-maya'y himinto na ito..ngunit hindi sa isang hospital..kundi sa isang clinic..clinic ng espesyalista sa mata..
       At naghintay pa kami ng ilang minuto ay nakita ko si sophia kasama ang mama nya na bumaba ng sasakyan at inaalalayan..biglang tumulo ang aking mga luha sa na saksihan kong yun habang patuloy na nakatingin kay sophia..
       Isang oras halos ang aming hinintay bago ulit lumabas sila sophia...at diretsong sakay ng sasakyan. Ilang minuto lang ay umalis na ang sasakyan.. at ng tuluyan ng makalayo sila sophia ay..

RUSIAN: dyan ka lang..
JONJON: san ka pupunta..?
RUSIAN: dun sa clinic
JONJON: teka sama ako!..

       At tinungo na nga namin ang clinic..pagka pasok sa clinic..(good afternoon po)..ang aking bati..

DOC: good afternoon naman..mag papa check-up ba kayo?
RUSIAN: ayy hindi po..friend po kami ni sophia..ehh. ..sabi nya kasi na dito ko sya puntahan dahil may check-up nga daw po sya dito..
DOC: naku!..kakalis lang.. sayang di kayo nag pang-abot..
RUSIAN: ganun po ba..sayang naman..e' doc kamusta nga po pala ang check-up ni sophia?..
DOC: ok naman..maayos naman ang takbo ng lahat?..
RUSIAN: anu pong ibig nyong sabihin?..makakakita pa ba ulit sya?..magbabalik ba mga paningin nya?..
DOC: sad to say..99% na hindi na magbabalik ang kanyang mga paningin..

"Biglang nanlambot ako at pinipigilan ang pag patak ng aking mga luha upang hindi makahalata ang doktor"..

RUSIAN: bakit po 99%?..(mahinahong tanong)
DOC: 99%..kasi kung may eyedonor sya..posibleng makakita ulit sya..pero dpat agad-agad habang sariwa pa ng mga sugat..pag nagtagal pa ehh..mahihirapan na..

       Pagkatapos kong maka usap ang doktor ay umalis na kami ni jon2 pauwi sa bahay.. ..(san kaya ako hahanap ng eyedonor..kailangan makakita agad ako para tuluyan ulit kaming magkita ni sophia..)... (kung kinakailangang pumatay ako ng tao para kunin ang mga mata nito gagawin ko para kay sophia para sa aming muling pagkikita..)..(pero saan..saan ako mag aabang o saan ako kukuha ng mga mata para kay sophia..)..

"mga katanungang naglalaro sa aking isipan"..

.......

[PAGKARAAN NG TATLONG BUWAN]

.......

santorini (greece)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon