.......
[KINABUKASAN]
Maaga akong umalis para magpunta ng L.T.O
pra sa pag paparehistro ng aking motor. Pagkatapos ay dumeretso sa mall upang bumili ng bagong piano sapagkat luma na ang pianong ginagamit kong libangan sa bahay.
Nang nakabili na ako ng piano ay sabay tawag kay jon2..RUSIAN: tol sunod ka naman dito sa mall..bumili kasi ako ng piano..nakalimutan ko naka motor lang pala ako..
JONJON: huh?..dipa ako naliligo..baka mainip ka..pati sakit ng ulo ko..
RUSIAN: ok lang mag iikot-ikot muna ako habang hinihintay ka..
JONJON: lakas naman talaga ng trip mo!..
RUSIAN: sayang naman..may nakita pa naman kong bagong labas na sapatos sa nike at mukang bagay panaman syo!..tsk..tsk..
JONJON: aba!..teka ipakuha mo na agad size ko para pag dating ko e' kukunin ko nalang..
RUSIAN: hahaha..text ka pag andito ka na..
JONJON: on the way na ako!..hahaha!Habang nasa ikatlong palapag ay nakita ko na inaayos ang stage at may mga tao sa ground level at mga nakapila. Kaya naisipan kong bumaba at baka sakaling may mapapanuod upang hindi mainip sa paghihintay ko kay jon2.
May nakita akong lalaki na tila may sinusulat sa papel..(idol anung meron)..ang aking tanong..LALAKE: huh?..audition sir para po sa singing competition sa t.v..
RUSIAN: ganun ba..kala ko naman may kakanta na artista.
LALAKE: bakit di ka ba mag a-audition?..may dala kang instrumento ahh..
RUSIAN: haha..hindi idol..kakabili ko lang..
LALAKE: sayang pogi kapa naman!..at mukang musikero..lam mo ba na bago na ang hurado kasi ung buntis na hurado kabuwanan na kaya pinalitan ni sophia mendez..haha.. makikita ko narin sya sa personal!..papapicture agad ako.."Habang patuloy sa salita ang lalake ay napa isip ako sa pagkakasabi nya sa pangalan ni sophia"..
At...
RUSIAN: idol san nakakakuha ng form?
LALAKE: oh kala ko dika sasali?..dun sa may table sa gilid hingi ka sa babaeng andun..Agad kong binitbit ang aking piano at agad nagtungo kung saan tinuro ng lalake..
Wala akong ibang inisip kundi si sophia at eto lang ang tanging paraan para makita sya ulit bahala na kung pansinin ako o hindi..mahalaga nakita ko sya at magkita kaming muli..
Pagkakuha ng form ay diretso sulat na at binalik sa babaeng nasa lamesa at sabay bigay sakin ng aking number at pina upo ako kasama ang mga iba pang contestant..
Nagkaroon ako ng pag asa ng mga araw na yun..(makikita ko na ulit si sophia)..ang sabi sa sarili..
Dalawang tao nalang ay ako na ang susunod hindi ako kinakabahan katulad ng mga katabi ko na mga nag-uusap na bakas sa kanila ang kaba..kaya ako sumali ay para magkita kaming muli ni sophia..(RING..RING..)..tawag mula kay jon2..
JONJON: oh asan na sapatos ko..este asan kana??.hehe
RUSIAN: dito ako groundflr. Asan kana ba?
JONJON: dito sa groundflr rin..san kaba banda at ako pupunta sayo?!..
RUSIAN: dito ako nakaupo sa mga contestant..Nakita kong sinesenyasan na ako ng babae hudyat para ako na ang susunod..
RUSIAN: sige na mamaya na.. ako na!
JONJON: huuy anung ikaw na..Sabay baba ng tawag ni jon2 at nagtungo ako sa stage para ayusin ang aking piano
Habang nag aayos..(kailangan kong galingan para kay sophia eto lang ang paraan).. ang sabi ko sa sarili
Nang okey na ang lahat ay tinanggal ko na ang aking cap at bahagyang nag ayos ng buhok. Nginitian ang mga pipili kung sino ang pasok sa audition..(kaylangan kong mag pa cute)..ang sabi ko sa isip..
Nagsimula na akong kumanta at ang kinanta ko ay "kahit kailan" ng southborder dahil alam kong kuhang kuha ko kahit isa lang ang singer..
Habang kumakanta ay tinititigan ang hurado na babae at todo sa pag papa cute at magagandang ngiti para tumatak ang pangalan ko sa kanyang isipan. At si jon2 ay nakikita kong kumakamot sa ulo..habang patuloy sa pag gala ng aking paningin sa mga manunuod at tinititigan ang mga babae para medyo kiligin at tumili ng konte sa aking pag papacute.
At nagawa ko nga ang lahat ng maayos marami ang tumitili at sumisigaw na babae at pati ang hurado ay patuloy na nakatingin sa akin at naka ngiti..
Pagkatapos ng lahat ay agad tinawag na ang mga nakapasok. Pagkatawag sa number ko ay napangiti ako..hindi dahil sa napili ako kundi magkikita na kaming muli ni sophia. At sa susunod na salang ay andun na si sophia at ang dalawa nya pang kasama na hurado yun ang pagkakasabi sa amin ng babae na organizer........
Pagkaraan ay dumating na ang aking pinakahihintay ang aming muling pagtatagpo ni sophia. Simple lang ang suot ko di katulad ng ibang kasali na todo bihis dahil alam nila na ipapalabas sa t.v. ..t-shirt na puti at jeans lang ang aking suot dahil wala naman talaga akong planong manalo makapasok lang ako ngayong round yun ang mahalaga sa akin para magkita lang kami ni sophia at tapos na ang pag papanggap.
Pang huli ako sa mga kakanta at ang aming kakantahin ay kung anu ang aming kinanta nung una. At sigurado akong di malalaman ni sophia na kasali ako kung hindi sya pipindot upang umikot ang kanyang upuan..
Nang malapit na ako'y pinagmamasdan ko ang mga kasali na talaga namang mababakas sa mukha nila ang kaba..(ganito pala pag sumali ka)..sabi ko sa aking isip..(si sophia kaya nung sumali sa ganito parehas kya sya nila)..sabi sa sarili at bahagyang napapangiti..
Natigil ako sa aking iniisip ng tawagin na ako ng babae hudyat ng aking pagkanta. Pagkapasok ko ay napansin ko na medyo marami rin pala ang tao at sobrang lamig sa loob ng studio.
At sinimulan ko na ang aking kanta at naghihintay na umikot ang upuan ni sophia para muling makita ang kanyang mga mata at ngiti
Nasa kalahati na ako ng aking kanta ay tsaka umikot ang upuan ng dalawang hurado at nanatiling nakatalikod ang kay sophia."Kasabay ng mabilis ng pag kabog ng aking dibdib at tanong sa isip..(pano kung hindi sya umikot?"....
.......
BINABASA MO ANG
santorini (greece)
RomanceAno nga ba ang buhay??'..sabi ng iba dapat "magseryoso sa buhay"..ang iba naman "mag enjoy habang nabubuhay pa"..mai kwekwento mo kaya sa iba ang lahat kung sakaling binawi na ang hiram mong buhay??'.. ..