.......
Bigla akong may naramdaman na biglaang umupo sa bench na aking inuupuan..
Dahilan upang iangat ko ng bahagya ang aking suot na cap at tangalin ang aking headset🎧..
Isang babae🙇.. ..isang babae ang nakayuko at umiiyak. Bigla akong umayos sa pagkakaupo at may halong taranta na di alam ang gagawin.
Napatingin ako bigla sa aking paligid na parang may hinahanap.
Hindi ko alam kung kakausapin ko sya o hahayaan na lang sa kanyang pag iyak. Di ko makita ang kabuuan ng kanyang mukha sapagkat natatakpan ng kanyang buhok ang kanyang mukha. Gusto ko sanang tumayo at mag patay malisya na lang.. ..
Ngunit diko sya maiwan na umiiyak. ( Saglit tumahimik ang mundo )..yun ang pakiramdam ko sa mga oras na yon.
Nang napansin ko na medyo humina ang pag galaw ng kanyang mga balikat. ( maam ok lang po ba kayo?. )..mahina kong sabi na may kasamang pag lunok ng aking mga laway na tila tuyong tuyo ang lalamunan ko sa mga oras na yun..
Wala akong panyo na ma ibigay kaya napilitan akong kuhanin ang t-shirt sa bag na isusuot ko sana mamaya sa aking pag uwi. (Wala maam ako panyo.. ..pero eto po [t-shirt] malinis po yan at hndi labahan ).. mahinahon kong sabi. At dahang-dahan inabot sa babae na tila nag aabot ako ng karne sa leon na anumang oras e pwede akong sakmalin.
Napahinga ako ng maluwag ng tangapin ng babae ang aking t-shirt.
Dahilan upang iangat ang kanyang ulo ng bahagya para mag pasalamat.. ..🎆🎇📯☀🌁🌒🌋💣💣
Nagulat ako sa aking nakita.. ..⌛⏳⏰🌠
Hindi nya man lubos na inangat ang kabuuan ng kanyang ulo para makita ng maayos ang kanyang mukha.. ..ay.. ..sigurado ako at di ako nagkakamali!!..
Sabay lingon ulit sa paligid na tila may hinahanap..Si SOPHIA MENDEZ👸.. si sophia mendez ang katabi ko ngayon sa aking kina uupuan. Mas lalong bumilis ang tibok ng aking dibdib na may kasamang konting pa nginginig.
Ngunit di ako nagpahalata na nakilala ko sya
( maam ok ka lang? )..muling tanong kong mahinahon..SOPHIA: may ok bang umiiyak!!??
RUSIAN: pasensya na po maam..ayoko lang po kasing nakakakita ng babaeng umiiyak..lalo na sa harap ko..pakira..( di pa natatapos ang aking salita e sinagot nya na agad )..
SOPHIA: Edi umalis ka dito!!..pede naman yun diba??Saglit tumahimik ang aking mundo sa pagkakasabi nyang yun.. ..
RUSIAN: sorry na po maam pasensya na po talaga..sa..sabihin nyo po lahat at gagawin ko para lang matigil kayo sa pag iyak..ayoko lang po talaga na may umiiyak sa harapan ko dahil pakiramdam ko ako ang dahilan ng inyong pagluha.. ( binilisan ko na ang aking paliwanag upang di na nya maputol ulit..
🕑🕑🕑🕑..⏳⌛..pakiramdam koy humupa ang bagyo sa mga sandaling yon..
Muling inangat ang kanyang ulo at isinabit sa tenga ang nakalugay nyang buhok.
Dun ko namasdan ang kabuuan ng kanyang mukha.. nagkatinginan kami sa aming mga mata..paraan upang matitigan ko sya ng matagal.
Gusto kong ihinto ang takbo ng oras na yun. Habang tumatagal ang pagkakatitig ko sa kanya ay lalong bumibilis ang tibok ng aking dibdib.. pakiramdam koy nagbalik ako sa bata na nag kaka crush..😁😁
Patuloy parin ako sa pag papangap na diko sya namumukaan at nakikilala.."Si SOPHIA ay isang recording artist sa pilipinas at actress..marami narin syang nagawang movies. Drama, romance na may halong comedy ng konte. Kaya kilala ko sya.. ay dahil napanood ko na ang isa sa mga movies nya. Sino bang mag aakala na ang isang artista ay makakatabi mo sa mga ganung eksena?"..
Nahinto ang aming eksena ng biglang
( 📱RING..RING..)..( hello )..sagot ko sa aking telepono..( bro!! Asan ka na ba?? )..sabi sa kabilang linya na alam kong narinig ni sophia dahil sa pasigaw at medyo galit na boses..( on the way na ako )..ang sagot ko habang nakangiti at kumakamot sa gilid ng aking kilay.. wala na ang kausap ko sa kabilang linya ngunit nanatili sa tenga ko ang hawak kong telepono at patuloy sa pagkakatitig ke sophia.
Sadyang napakaganda ng mata ni sophia. May mga tao na sa unang tingin maganda pero pag natitigan mo na ng matagal nakaka umay.
Iba ke sophia habang tinititigan mo ng matagal lalo kang ma aakit at di mag sasawa. Saglit kong binaling sa iba ang aking paningin at biglang na alala ang praktis nmin ng aking banda. Diko alam kung pano ako tatayo at mag papaalam ke sophia. ( gusto mong sumama? )..mahinahon kong alok. Diko alam kung bakit o pano ko nasabi ang mapangahas na salitang yun. Gusto kong kumamot sa aking batok sa sobrang pagkakahiya. Wala man akong narinig na salita mula kay sophia ngunit bakas sa kanyang mukha ang pagkakunot ng kanyang noo at pagtaas ng kanyang kilay. Na ang ibig sanihin ay. "Bakit ako sasama sayo..sino ka ba?".RUSIAN: baka lang sakaling malibang ka at mawala kahit saglit ang iyong pag iyak..kesa naman na maiwan ka dito mag isa na umiiyak..(sabay taas ng aking balikat)..
Ang habol kong salita na may halong pagka kaba sa maaring isagot ni sophia. Ilang minuto pa ang lumipas ay wala akong narinig na sagot.
Tumayo ako sa aking pagkaka upo at inayos ang aking gamit na dala. (Buntong hininga)..ng handa na ako sa aking paglalakad ay muli ko syang nilingon..( dont worry sakristan ako! ).. pabiro kong sabi..SOPHIA: saan ba punta mo?
RUSIAN: dun sa studio (sabay turo sa studio na matatanaw mula sa kanyang inuupuan )..Napahingang malalim lang si sophia ng mga sandaling yun. At akoy tumalikod na upang maglakad..
Psssst!..
........
BINABASA MO ANG
santorini (greece)
RomanceAno nga ba ang buhay??'..sabi ng iba dapat "magseryoso sa buhay"..ang iba naman "mag enjoy habang nabubuhay pa"..mai kwekwento mo kaya sa iba ang lahat kung sakaling binawi na ang hiram mong buhay??'.. ..