"IKA- TRESENG YUGTO"

57 1 0
                                    

.......

       Ang tawag ay mula sa pinas!..biglang nag iba ang pakiramdam ko..pakiramdam ng pananabik!.. (hello!)..ang aking masiglang sagot sa tawag.. (hello rusian!)..nawala ang aking sigla ng marinig ko ang boses mula sa kabilang linya..
      Ang tawag ay mula sa pinas..pero hindi galing sa inaasahan kong tatawag.. kundi sa kaibigan kong si jon-jon!..

RUSIAN: bat ka napatawag?
JONJON: musta namn dyan!?..hehehe
RUSIAN: Ayus lang..ikaw?..bat ka biglang napatawag?..at bakit iba gamit mong number?
JONJON: anung biglaan??..nalimutan mo ata..ipaparehistro ko ba ang bigbike mo oh' didikitan ko nalang ng sticker ni jollibee ang plate number?..hehehe..na pincode kasi sim ko pinag laruan ng pamangkin ko cellphone ko.
RUSIAN: oo nga pala!..nawala sa isip ko..
JONJON: ngayon nasa isip mo na ba?..hahaha
RUSIAN: sira ulo!..sige..sige bukas papadala ako.. ..weyt lang.. ..
JONJON: bakit napano ka??..rusian!?..rusian!!?..waaaahh..oh my god raaasiaaan!!..wag mong gawin yan!!!
RUSIAN: tumigil ka nga dyan!!..para kang adik!!.. uuwi ako.. ..
JONJON: talaga??...
RUSIAN: oo..tama.. uuwi ako ng pinas!..
JONJON: ayus yan!!..wooh!..masasayaran na naman ng imported lalamunan ko!!
RUSIAN: hahaha..hintayin mo na lang ako..

      Biglang naputol ang aming pag uusap... (naubusan na ata ng load ang loko)..ang sabi ko sa sarili..
       Pagkatapos naming mag usap ni jon2 ay humiga ako sa kama habang nag iisip ng nakangiti..(tama para magkita ulit kami ni sophia!)..ang mga salitang naglalaro sa aking isipan.. ..biglang bangon sa kama at kinuha ang loptop para mag book ng tiket..
       Ang uwi ko sa makalawa..agad tinawagan ang aking mga kabanda upang sabihin ang aking pag uwi ng pinas..

.........

       Pagkaraan nga ng araw ay nag tungo na ako sa airport para sa aking pagbabalik sa pinas. Pagka upo sa loob ng eroplano ay nakadungaw sa bintana at nakatingin sa kawalan.. (magkikita kaya kami..pano ko ba sya pupuntahan..di ko alam adress nya..pansinin at kausapin nya pa kaya ako kagaya dati)..ang mga katanungan sa aking isip habang sabik sa muli naming pagkikita ni sophia..

.......

       Pagkalipas ng ilang oras ay narating ko na ang pinas..hindi na ako nag pasundo kay jon2 dahil wala nman akong masyadong dala at gusto ko syang sorpresahin sa aking pag uwi.
       Sumakay ako ng taxi pauwi ng antipolo kung saan ako nakatira.
       Sa tagal kong namalagi sa greece ay kahit papano'y nakapag pundar ako ng bahay di man kalakihan hindi naman mahalaga sakin yun..basta ang importante sa akin ay may beranda..
       Pagkadating ng antipolo ay deretso baba sa harap ng aking bahay..(aba rusian bakasyon ka pala ngayon.)..ang sabi ng babae na katapat lang ng aking bahay..(opo!..may aayusin lang po)..ang aking sagot..
       Kinuha ko ang aking susi sa bag at diretso na ngang pumasok sa loob ng bahay. At saglit naupo sa sala upang magpahinga habang tinitignan ang buong bahay. (Medyo napagod ako sa aking byahe kaya bukas nalang ako mag pupunta kay jon2)..ang sabi sa sarili..

[KINABUKASAN]

       Maaga akong gumising para magpunta sa bahay ni jon2 at dala ko ang alak na paborito nya.

JONJON: uuuyyy!..nakauwi ka na pala..bat dika nag pasundo!?..
RUSIAN: para saan?..
JONJON: para di kana mahirap dyan sa bit-bit mo..hehehe (sabay kuha ng alak)

       Pagkakuha ay diretso na sa pag ayos ng lamesa si jon2 para sa aming pag iinom na alam kong ayun lang ang hinihintay nya lage sa tuwing akoy uuwi ng pinas. At habang nag iinuman ay patuloy sa tawanan at kwentuhan hanggang mapunta ang usapan.. ..

RUSIAN: kilala mo ba si sophia?
JONJON: oo naman..dun ko nga binili yang pulutan natin eh!
RUSIAN: sira!..hindi si aling sophia..si sophia mendez ang sinasabi ko!
JONJON: e' linawin mo kasi..hehe..oh..napano naman yun at nabanggit mo?..wag mong sabihin na.. ..hahaha..pare!!..don't tell me na'..ayiii!..(tawang pang aasar)..wahahaha..pare habang tumatagal pabaduy ka ng pabaduy!!..pati ba naman si sophia mendez e nag co-colect ka narin ng album nya!??..
RUSIAN: hahaha..wala ba kong makakausap ditong matino??..ang kati mo sa anit!!..
JONJON: anu ba kasi yun??..dami mong pasakalye!!
RUSIAN: yun nga..kasi..nagkasama kami ni sophia sa santorini..mahabang kwento pero 3days din kami magkasama..gumala, kumain, at nagkwentuhan sa beach..
JONJON: oh' tapos?..dali anu ng nangyari??..
RUSIAN: yun nga ang problema..nung hinatid ko sya sa airport.. ..diko nakuha contact number nya dito..
JONJON: dimo nakuha o talagang di nya binigay?!..pare showbiz yan!..magagaling umarte yang mga yan mapa drama o action..kung talagang nag enjoy sya ng mga araw na kasama ka nya' ibibigay nya number nya para matawagan mo sya..naku..naku!!.. malaking imahinasyon yan!..anu yan barney na kagayang napapanuod sa t.v na nagkakatotoo ang imagination..

"Sa totoo lang kahit hindi nagsesryoso si jon2 ay saglit akong napaisip sa mga sinabi nya..may point naman sya kung parehas talaga kaming nararamdaman ni sophia dapat ibibigay nya kontak nya para matawagan ko sya at para patuloy ang aming comunication"..

RUSIAN: sabagay..kahit pala 500mb lang ang utak mo eh..maasahan rin pala..(sabay tawang malakas)
JONJON: hahaha!..anu plano mo ngyon nyan?
RUSIAN: edi pag rehistro ko balik na ako ng greece..
JONJON: huh!..pano si sophia??..pare kung talagang mahal mo si sophoa gagawa ka ng paraan para magkita ulit layo!..hehehe
RUSIAN: ang gulo mo ahh!..anu ba talaga??
JONJON: sasakyan ko yang trip mo!!.. puntahan mo sya sa studio para magkita kayo!..oh di kaya mag abang ka sa labas ng studio tapos pagkalabas nya isakay ntin agad sa van..ung kagaya ng napapanuod ko sa t.v..sakto may bonet ako dyan..anu??..hahanap na ba ako ng van??..hehehe
RUSIAN: sira ulo ka talaga!!..(sabay batok ke jonjon)
JONJON: aray!!..ang sakin lang naman!..

"Nalasing ako ng gabing yun..siguro ay nag enjoy ako at na miz ko ang kakulitan ni jon2"..

.......

santorini (greece)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon