"IKA- ONSENG YUGTO"

52 1 0
                                    

.......
      
       Nakita ko sya may kasamang ibang lalake at abala sila sa ginagawa nila. Saglit akong natulala at napagmasdan sila sa kanilang ginagawa.
       Hanggang napalikon ang asawa ko sa bintana kung nasan ako nakapwesto. Nakita ko sa kanyang mukha ang pagkagulat. At nanatili akong nakatulala at diko napansin na patuloy pala sa pagpatak ang aking mga luha.
       Lumabas sya at tinungo ako. Hindi ako makagalaw ng mga oras na yun wala akong ibang nasabi kundi.. saan sya nakalibing.. ang tanong ko sa kanya habang nakayuko ang aking ulo dahil hindi ko sya kayang tignan..pagkasabi nya ng lugar ay agad akong umalis para puntahan ang anak ko..
       Pagpunta ko sa anak ko dala ko ang mga pasalubong ko para sa kanya.
       Ang mga pinangako kong bibilhin ko para sa kanya nung asa tiyan pa sya ng mama nya..dun ako natulog ng araw na yun para samahan ang aking anak. Kinausap at kinwentuhan..na para akong sira ulong nag sasalitang mag isa.
       Araw araw akong nagpupunta dun at dun kumakain duon ko binuhos ang isang buwan kong bakasyon sa pinas.(hingang malalim)..at nagbalik na ulit ako sa saudi para tapusin ang contrata ko..
       Simula nun hindi na ako nag mahal ulit siguro dahil may pobia na ako or takot na mangyari ulit ang lahat..

SOPHIA: grabe nman pala..(habang nagpupunas ng luha)..teka asan mga magulang mo?..
RUSIAN: wala akong magulang..lumaki ako sa bahay ampunan..kahit ang mga nag alaga sakin dun ay hindi alam kung sino magulang ko..
SOPHIA: pano ka napunta dito sa greece..?
RUSIAN: ke amiel..kasama ko syang lumaki sa bahay ampunan..may umampon sa kanya kaya napunta sya dito..tapos nagkita kami sa pinas..yun nagka yayaan na..
SOPHIA: grabe naman pala ang nangyari syo kaya ganun mo nalang isuka ang pinas..kung sakaling umuwi na ako ng pinas.. ..at babalik dito magkikita pa ba tayo?..

Saglit akong natahimik sa tanong ni sophia..at napatingin sa kanya habang nakatingin rin sya sa aking mga mata..

RUSIAN: promise..makikita mo pa ako dito..at andito lang ako maghihintay..(habang nakatitig sa mga mata ni sophia)
SOPHIA: pangako mo yan huh!..
RUSIAN: promise yan..(sabay hawak sa kamay ni sophia)..ngayon pa na close na tayo!..(pahabol kong biro)..haha

      Naramdaman ko ang pag sandal ng ulo ni sophia sa aking balikat..

SOPHIA: salamat nga pala..
RUSIAN: huh?..saan?..
SOPHIA: sa lahat..basta sa lahat lahat!..
RUSIAN: kung anu man yun..wala sakin yon..

      1:00am na ng umuwi kami ni sophia pagkahatid ko sa kanya'y dumeretso narin ako sa aking bahay. Ngunit di pa ako inaantok kaya dumeretso ako sa beranda upang mag yosi.
      Habang nag yoyosi ay naisip ko ulit si sophia. Pakiramdam koy mahal ko na si sophia kahit saglit palang kaming nagkakasama. Pero ayokong umasa dahil alam kong malabong manyari yun. Ayokong bigyang kahulugan ang mga pinakikita nya sakin. Malaki ang respeto ko kay sophia at ayokong sirain ang tiwala nya at tuluyan akong iwasan. Basta masaya na ako kung anu man kami ngayon at kung anu meron samin ngayon..bahala na!..(ang sabi ko sa sarili)
       Tumayo na akot nag bihis upang matulog. Hanggang sa di ko na namalayan na nakatulog na pala ako.. ..

.......

[KINABUKASAN]

       Maaga akong nagising sa tunog ng aking cellphone .📩📲..mga messge mula ke sophia. At binasa ko ang txt..upang replayan..

SOPHIA: [morning..nag b-fast nb?]
                  [Slip pa ata..alang reply]

RUSIAN: [haha..sorry kakagcng q lng]
                  [dp..ikw kumain nb?]

SOPHIA: [oo..maga kc aq ngcng 2mwg manger q]
                  [bnilhan n aq ng tiket pauwi ko 2mrw]

RUSIAN: [ganun b?..blis nmn uwi kn agd]
                   [mag isa nnman aq..huhu]

SOPHIA: [ayw mo nlng kc umwi ng pinas]
                  [Atlist dun lagi tyong magksma]

RUSIAN: [naku bk dmo n aq pancnin pg s pnas]

SOPHIA: [bliw..d aq gnun..lalo na im4tnte skin]
                  [ikw naging bestfrnd q d2 kaya!]

RUSIAN: [srp nmn nun!..hahaha]

SOPHIA: [anung lasa??..(jok)..hahaha]
                  [gs2 mo bng mgkita tyo mya im sure     mamimz mq]

RUSIAN: [kw na mayabng!..hehehe✌✌]
                  [dk b bz mya..f ok lng syo]

SOPHIA: [haha..yabng agd]
                  [san nmn aq mgging bz..ge mya dun ulit sa dating tagpuan!]..

RUSIAN: [cge inday pg alis ng amo q punta aq s dating tagpuan mag hhnty c dudung!]
                 [hahahaha!]

SOPHIA: [hahaha..baliw!..gena eat kn bk gu2m lng yan]

RUSIAN: [hahaha..ok..c u later]

SOPHIA: [c u later dudung!..wahahaha!]

      Natapos nanga ang aming pag uusap ni sophia sa text. Pagkalapag ko ng aking cellphone ay nakadama ako ng kalungkutan dahil babalik na ng pilipinas si sophia. At matatapos na ang lahat at mangyayari na nga ang aking kinakatakutan.
       Bumangon na ako para magkape at deretso sa beranda at duon ituloy ang pag muni-muni. Lumipas ang oras na walang laman ang isip ko kundi si sophia. Kinuha ang aking mp3 at humiga ulit sa aking kama.
       4:00pm ng tumwag si sophia upang kami ay magkita. At dun nga ulit kami nagkita kung saan kami unang nagkakilala.

SOPHIA: hello!..kamusta naman??
RUSIAN: haha..eto medyo malungkot kasi uuwi ka na..
SOPHIA: wow huh..drama..kain muna tayo..ako ang taya ngayon!..
RUSIAN: aba..despidida talaga huh!..hahaha
SOPHIA: haha..wag ka ng kumontra!..(sabay suot ng kanyang kamay sa aking braso)

       Kumain nga kami at sya ang pumili ng aming kakainan at ng natapos ay nagyaya' sa tabing dagat upang maupo sa buhangin..

SOPHIA: hatid mo ako bukas sa airport huh..
RUSIAN: oo ba..ikaw pa..
SOPHIA: lam mo sa totoo lang ayoko pang umuwi..masaya pa ako dito..at na realized ko na tama ka masaya dito..kahit paano naranasan ko ulit maging normal..
RUSIAN: bakit sa pinas ba abnormal ka??..hahaha
SOPHIA: baliw..(hampas sa aking braso).. syempre dito walang intriga walang camera walang sumusunod para mag pa authograph. Yung tipong ordinaryo ka kahit saan pwede ka mag punta anu mang oras pwede kang maglakad sa kalye..yung tipong ganung moment!..
RUSIAN: edi wag ka ng bumalik ng pinas!

Saglit natahimik si sophia sa sinabi ko at halatang napaisip.. ...

.......
      

     

santorini (greece)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon