Chapter Six

1.3K 25 0
                                    

"Ang dami namang tao dito?" Tanong ni Dom, habang parang medyo nakunot ang kaniyang noo. Ayaw kasi niyang pumipila ng mahaba. "Ganyan ba talaga dito?"

"Oo ganun talaga dito, minsan nga 30 minutes ka pang pipila para lang makabili dito eh, pero wag kang mag-alala, kilala ako ng owner ng store." Sabay kindat kay Dom, "Hindi na natin kailangan pumila." Sabi ni Niks.

Lumapit si Niks sa isang matanda na nakatayo sa tabi ng tindahan, kinalabit niya ito at nginitian.

"Oh! Nikita ikaw pala yan." Wika ng matanda, na medyo may pagkagulat.

"Tatay, baka naman po pwedeng hindi na kami pumila sa tindahan nyo?" Tanong ni Niks na may halong paglalambing sa matanda. "Gutom na gutom na kasi talaga ako eh." Habang hinihimas niya ang kaniyang tiyan.

"Oo naman, kayo pa ba? Tara sa loob ako na bahala sa inyo, ise-serve ko na lang para di naman nakakahiya doon sa ibang nakapila." wika ng matanda. "Tara, tara!"

"Sige po, salamat po..." Sabi naman ni Niks, na masayang nagpapasalamat.

Pumasok na nga ang dalawa sa tindahan at naupo sa isang sulok na may bakanteng mesa na kasyang-kasya lamang ang dalawa. Medyo mainit pero, ok lang, gutom na gutom na si Niks eh, tsaka ganun naman talaga sa lugar na ito, maliit na puwesto lang at pang street food lang talaga.

Habang nakaupo ang dalawa at naghihintay sa kanilang pagkain na hinahanda ng matanda, bigla na lang nagtanong si Niks kay Dom.

"Dom, may gf ka na ba?" Tanong ni Niks.

"Wala..." Sagot ni Dom, na para bang may tinatago. "D-dati meron, ngayon wala na... Kasi-- dito nako sa Maynila nag-aaral." Sabay hinga ng malalim. "Bakit mo naman natanong yan?"

"Wala lang... Sa gwapo mong yan?" Sabi ni Niks, na may kaunting pagtataka. "Pero wag mo lagyan ng meaning tanong ko ah! Babatukan kita hahaha, natanong ko lang. Bessy tayo eh, syempre dapat alam ko yung mga ganyang bagay." Medyo off.

"Ok sige hehe, ayaw ko mabatukan eh!" Sabi ni Dom, habang napapakamot sa ulo. "Balita ko kasi nagboboxing ka sa gym sa tapat ng school. Mahirap na, masakit mambatok ang mga boxer!"

Habang patuloy na nag-uusap ang dalawa at nagtatawanan, lumapit na ang matanda at ihinain na nito ang mga pagkaing paborito ni Niks sa kanyang tindahan. Dahan dahan nitong nilagay ang mga pagkain at tumingin siya kay Niks na para bang may gustong sabihin.

"Oy tatay, wag kang ganyan, bessy ko yang si Dom, kung makatingin ka tay ha." Biglang sabi ni Niks.

"Bakit? Wala naman akong sinasabi ah?" Sabi ng matanda nang nakangiti, sabay kindat.

Pagkatapos maihain lahat ng pagkain, ay bumanat pa ulit ng biro ang matanda. "Sige nga... kung wala lang, subuan mo nga ng fish ball yan?" Sabi ng matanda na may paghahamon, sabay tawa ng palihim.

"Sige!"Sabi naman ni Niks, lakas loob na tinanggap ang challenge ng matanda.

"Oi Dom, subuan daw kita ng fish ball, para maniwala siya na walang something sating dalawa" Sabi ni Niks kay Dom.

"Oi! Ano ba nakakahiya ang daming tao, mamaya makita tayo ng bf mo mayari ako." Sagot ni Dom.

"Unang una! Bessy kita" Nanlalaking mga mata. "Pangalawa! Wala akong bf!" Nagkagat ng mga ngipin. "Pangatlo! Walang nakakahiya dyan." Kwinelyuhan si Dom. "Patunayan lang natin na wala talagang something! at pang apat! Babanatan kita kapag hindi ka pa pumayag." Sabi ni Niks, na halos magdikit na ang muka nilang dalawa sa kaniyang unti-unting paglapit kay Dom.

"Sige na nga..." Sabi ni Dom na kunyaring napipilitan.

Binuka niya ang kanyang bibig at kinain na ang pagkaing nais isubo sa kanya ni Niks. "Anu ba yan bes, ang baho, nag-toothbrush ka ba?" Tanong ni Niks ng pabiro at tumatawa, habang nakatakip sa ilong.

"Oo naman noh! Palagay mo sakin?" Sabi ni Dom.

Kumukulimlim na at mukang nagbabadya ang malakas na ulan, kayat dali-dali nang inubos ng dalawa ang kanilang pagkain at nagbayad na sa matanda.

Lumabas na ang dalawa at nagmadali na silang pumunta sa dorm nila Niks. Sa kasamaang palad, inabutan na sila ng isang malakas na ulan. Walang nagawa ang dalawa kung hindi ang maligo sa ulan at ituloy ang kanilang paglalakad, tutal naman basa na din sila.

"Anu ba yan..." habang pinupunasan ang tubig sa muka "Ang lakas ng ulan, basang basa na tayo." Sabi ni Dom.

"Ok lang yan anu ba?" Habang itinatali ang buhok. "Bonding na din nating dalawa to hahaha." Sabi naman ni Niks.

Tuloy pa din sa paglakad ang dalawa hanggang marating nila ang nasabing dormitoryo.

"Eto na pala tayo eh, O ayan, alam mo na dorm ko, kapag wala kang magawa sa dorm mo tambay ka dito, madalas andito sila Art at Mon naglalaro ng Dota. Ikaw ba nagdodota ka?" Wika ni Niks.

"Oo medyo, pero hindi madalas kasi iba yung mga trip ko hehe." Sagot naman ni Dom.

"Tara pasok na tayo para makapagpahinga at makapagpalit na nang damit, papahiramin na lang kita ng ibang damit ni Art, tutal magkaparehas naman kayo ng size ng katawan." Sabi ni Niks.

p

False PerceptionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon