Simula nung gabing tumula nila si Dom sa k-cup zone, tila nagbago na ang takbo ng lahat. Isang linggo na din ang nakalipas simula noon ,at nakita nang magbabarkada na mas tumindi pa ang closeness ni Dom and Niks.
Isang magandang gising, para sa isang magandang araw. Maaliwalas ang paligid, halos hindi na kailangan gumamit pa ng ilaw para makita ang mga bagay sa loob ng silid. Magulong mga gamit, magulong damitan, nakatambak na pinagkainan, ang tatambad sa iyo, isang typical na kwarto ng isang binata. Ngunit mayroong kapansin-pansin sa kabila ng kalat ng kwarto ni DOm. Isang espasyo na walang kalat at ito ay nakalaan para sa isang napakaimportanteng larawan. Imahe ng dalawang magkaibigan, isang lalake at babae na magkahawak ang mga kamay na hindi mapantayan ang ligaya. Kung tutuusin, iisipin pa ba nating magkaibagan nga lang ba ang tratuhan nila sa isa't-isa?
Bumangon na si Dominic sa kanyang pagkakahiga, bumaling siya sa espesyal na espasyo at ngumiti.
"Makapasok na nga para makita ko na siya." Sambit ni Dom sa kaniyang sarili.
Kakaiba ang araw na ito, tila ata sinakluban ng langit ang puso at isipan ni Dom. Naglinis siya ng makalat na kwarto at inayos ng matino ang gamit na dadalahin niya sa eskwela. Nang matapos ni Dom ang palilinis ng kaniyang kwarto; katulad ng nakasanayang gawin bago pumasok, siya ay naligo na at nagsipilyo. May kakaiba nga lang ngayong araw, nagpapabango na siya at nag-aayos na ng kaniyang buhok. Dati kasi, hindi niya gawaaing gumamit ng pabango, at magsuklay man lang. Matapos ang lahat ng paghahanda, si Dom ay tuluyan ng pumasok sa eskwela.
Habang naglalakad papasok, biglang tumunog ang cellphone ni Dom. Isang mensahe galing sa isang napakaimportanteng kaibigan.
Ayon sa text message, "Bes, nasan ka na? Papasok ka na ba? Baka naman pwedeng sabay na tayo, daanan moko sa k-cup, ang dami ko kasing dala, magrereport kasi ako ngayon sa isang back subject ko."
Nagreply naman agad si Dom, "Sige." Sagot ni niya sa text ng walang pagaalinlangan.
Maganda ang panahon, ngunit mainit, tirik na tirik ang araw, kaya naman pawis na pawis si Dom sa paglalakad papuntang k-cup. Pagpasok niya ay nakita agad siya ni Niks.
"Oh? Bakit pawis na pawis ka?" Tanong ni Niks.
"Mainit kaya! naglakad lang ako hehehe." Sagot naman ni Dom.
"Maupo ka muna diyan." Sabi ni Niks kay Dom.
Naupo naman si Dom dahil nga napagod din siya sa paglalakad, isa pa, aircon sa loob ng k-cup, malamig at tamang-tama lang para matuyo muna ang kaniyang mga pawis. Binuksan ni Niks ang kaniyang bag at kumuha ng tissue. Nilapitan niya si Dom at pinunasan ang pawis nito.
"Anu ba yan?! ang dugyot mo... Bakit naman kasi naglakad pa, pwede ka naman sumakay ng tricycle." Sabi ni Niks, habang pinupunasan ang pawis ni Dom.
"Ehh... Sayang pamasahe, tsaka ok lang yun, para exercise na din." Sagot naman ni Dom.
Makalipas ang ilang minuto, nagdesisyon na ang dalawa na pumasok na sa loob ng school. Binuhat na ni Dom ang mga gagamiting materyales ni Niks sa kaniyang pagrereport, at nagsimula nang lumakad papalabas ng k-cup.
BINABASA MO ANG
False Perception
RomanceSi Dominic ay isang simpleng probinsyano na pumunta ng Maynila para mag-aral ng medisina. Sa hindi inaasahang pagkakataon, makakatagpo siya ng mga taong magpapabago ng kaniyang buhay. Isa sa mga ito ay ang isang babaeng magiging dahilan ng pagpapaki...