Habang nasa loob ng eroplano, ay abalang abala ang lahat sa pag-aayos ng kanilang mga gamit, pero si Dom; tulala, nangingilid ang luha at hinang hina. Nilapitan siya ng isang flight attendant.
"Sir, are you ok?" Tanong ng FA.
'Yes, I'm fine, namimiss ko lang mom ko." Sagot ni Dom.
"Sige po sir, kung may kailangan po kayo, just call us. Relax po and enjoy the flight sir." Sabi naman ng FA.
"Alam mo, ganyan talaga, ako din eh, nung mahiwalay ako sa mga mahal ko, nasa eroplano ako iyak din ako ng iyak." Sabi nung isang matanda na nakatabi sa kaniyang upuan sa eroplano.
"Napatingin si Dom sa matanda, at pinunasan niya ang kaniyang mga luha. Sabay ngiti sa matanda.
"Salamat po sir." Sabi ni Dom.
"Walang anuman, iho." Sagot naman ng matanda.
Mga ilang sandali pa ay lumipad na ang eroplano nila Dom, at sa paglipad ng eroplano, napaidlip na lamang muli si Dom kesa naman umiyak lang siya ng umiyak buong byahe. Kitang kita na napakalungkot din ni Dom, hindi naman kasi unrequited love ang sa kanilang dalawa ni Celine eh, totoo namang minahal niya din ito. Kaya lang, gulong gulo lang talaga siya ngayon.
Makalipas ang ilang oras ay nakarating din si Dom sa Manila. Katulad ng dati, bago makababa ang mga pasahero ay aayusin muna nila ang kanilang mga gamit. Isa isa silang palalabasin, para maayos at walang gulong mangyari sa kanilang pagbaba.
Nang makalabass ng eroplano ay nakita na ni Dom ang kaniyang mga kaibigan. Hindi maitatago sa mga mata niya ang excitement na makita silang muli. Pero, may isang tao na mas nagpabilis ng tibok ng kaniyang puso. At yon ay si Niks, nakita niya ulit sa wakas si Niks, at tila napawi lahat ng lungkot na nararamdaman, unang beses pa lamang niyang masilayan ang mga muka nito.
Dali dali siyang lumapit kay Niks na tila wala nang ibang tao pa sa paligid kung hindi silang dalawa lang. Pagkalapit na pagkalapit niya ay niyakap niya ito ng mahigpit habang maluha luha pa siya. Parang ang tagal nilang hindi nagkita, at parang sobrang namiss talaga niya si Niks, sa sobrang higpit ng yakap niya.
Niyakap din ni Niks si Dom pabalik, dahil namiss din naman niya ang kanyang bes, aba ilang linggo din silang hindi nagkita noh.
"Niks, namiss kita sobra." Sabi ni Dom, sa mahinang boses.
"Ako din bes, sobrang namiss kita. Tsaka ano ka ba, bakit ka ba umiiyak. Wag ka na umiyak magkakasama na tayong tropa oh." Sabi ni Niks.
"Oo nga grabe iyak pa? Drama mo brad, ang baduy!" Sabi naman ni Mon.
"Oo nga, para ka namang bata niyan eh, wag ka na umiyak!" Sabi naman ni Art.
Bumitaw na si Dom sa pagkakayakap kay Niks at pinunasan naman ni Niks ang kaniyang mga luha.
"De! namiss ko lang talaga kayong lahat." Sabi ni Dom.
"Kaming lahat? O si ate?" Sabi naman ni Art.
"Hoy! Art, loko ka talaga!" Sabi ni Niks.
"O sya tara na! Gutom nako eh" Sabi naman ni Mon.
"O sige tara, kain tayo, punta tayong "Sea Mall" gutom nako eh, tutal naman, ilang kilometro na lang yun from here." Sabi naman ni Dom.
At tuluyan na ngang umalis ang magbabarkada sa "MIA (Manila International Airport)", upang magtungo sa "SM (Sea Mall)" para kumain.
BINABASA MO ANG
False Perception
RomanceSi Dominic ay isang simpleng probinsyano na pumunta ng Maynila para mag-aral ng medisina. Sa hindi inaasahang pagkakataon, makakatagpo siya ng mga taong magpapabago ng kaniyang buhay. Isa sa mga ito ay ang isang babaeng magiging dahilan ng pagpapaki...