Chapter Seventy Six

459 9 0
                                    

7:30 na ng gabi; unti-unti ng nagdadatingan ang mga tao na makikisaya sa acquaintance party. Punong puno ang parking nang restaurant, at kinukulang na ito. Yung ibang students ay nag-papark na sa katabing gasolinahan, at ang iba naman ay nakipark na sa malaking open parking ng ospital.

Sa may entrance ng DomiNiks, ay si Niks, Jena, Josh at Janey, na abala sa registration table.

"Jena, mukang madaming aatten ngayon, compare sa nakaraang party." Sabi ni Niks.

"Oo nga eh, wala na nga din maparkingan, grabe mga student dito satin, halos lahat may car." Sabi ni Jena.

"Ano pa nga ba? Hello! Medicine ang course natin..." Sabi ni Janey.

"Guys, nasa 150 na yung nasa list ko, kakasya kaya tayo sa loob?" Sabi naman ni Josh.

"Oo naman Josh, diba nung pinarenovate ni Dom yan, pinalakihan na din niya." Sabi naman ni Jena.

"Oo nga! Wag ka mag-alala, kakasya yan." Sabi naman ni Niks.

Habang busy sa registration area ang mga kababaihan, ay sobrang busy naman ang mga lalake sa dorm ni Dom na nag-aayos. Ngayon lang kasi talaga sila nakapag ayos ng mga sarili, dahil sila halos yung nagtrabaho sa loob ng gaganapan ng party.

"Art, ok na ba tong suot ko?" Tanong ni Dom.

"Bro, ayos na ayos! Gwapings na dude!" Sagot ni Art.

"Ako ba tol ok na?" Tanong ni Rj.

"Oo naman, ikaw pa ba?" Sagot ni Art.

"Ako tol?" Tanong naman ni Mon.

"Tol, masyadong pormal ka naman, para kang bibigyan ng award sa grammys." Sabi ni Rj.

At nagtawanan ang magbabarkada. "Loko kayo ah! At least ayos na ayos." Sabi ni Mon.

"Joke lang! To naman di mabiro." Sabi ni Rj.

"Hehe, ok lang... Sanay nako sa inyo." Sabi naman ni Mon.

Mga ilang sandali pa ay binuksan na ni Dom yung pinto. "Pano guys? Ready na ba kayo?" Tanong ni Dom.

"Game!" Sabi ni Art.

"Tara, tara! Excited nako sa alak." Sabi ni Rj.

"Tara game! Sabi ni Mon.

Lumabas na ang apat sa dorm, at nilock na ni Dom ang pinto at isinara ng konti ang bintana. "Ay tol, teka! Yung mga fratmen ba ok na?" Tanong ni Dom.

"Rj, ok na ba?" Tanong din ni Art.

"Oo tol! Ok na, ako bahala sa mga yon." Sagot naman ni Rj.

"Ok! Nice! Tara baba na tayo!"

Bumaba na ang tatlo sa hagdan at bumaba na papunta sa DomiNiks. Hindi pa man din nakakalapit sa venue, ay napahinto bigla si Dom. Nakita niya kasi si Niks, napakaganda at napaka elegante ng suot nitong gown. Tila ba parang lalahok sa isang beauty pageant.

"Tol! Oi! Anung nangyari sayo?" Sabi ni Art, habang inaalog ng bahagya si Dom.

"Ah! Tol! Hehe, si Niks kasi." Sabi ni Dom.

"Sows! Ayan ka nanaman! Tara na!" Sabi ni Rj.

At nagpatuloy na lumakad ang tatlo patungo sa kinaroroonan nila Niks.


False PerceptionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon