Chapter Eight

1K 29 0
                                    

Habang nag-aayos ng kaniyang mga gamit na nabasa sa ulan, inabotan si Dom ng damit ni Niks para siya ay makapagpalit na. Tumayo si Dom at kinuha na ang damit na inaabot ng kanyang bes.

"Sige nga sukat mo nga." Sabi ni Niks. "Sa tingin ko kasya naman sayo yan eh."

Hinubad ni Dom ang kanyang uniporme at pati na din ang t-shirt na nakapaloob dito. Biglang napatitig si Niks sa katawan ni Dom at kulang na lang ay tumulo ang kaniyang laway habang nagpapalit ng damit ang kaibigan. Matipuno kasi ang pangangatawan nito at meron siyang 6 pack abs, dahil kadalasan naman ng mga lalake sa probinsya ay maganda ang pangangatawan. Batak kasi sila sa trabahong bahay at bukirin.

Nang matapos nang magpalit ng damit, ay natuwa naman si Dom dahil nagkasya ito sa kanya na para bang sinukat.

"Tamang tama lang pala sayo yan." Sabi ni Niks na biglang napayuko ang kanyang ulo at tumingin sa lapag habang kausap niya si Dom.

"Oo nga bes, salamat ha" wika ni Dom, habang medyo inaayos-ayos ng konti ang damit na nahiram.

"Oh pano ako naman magpapalit, wait lang ha." Sabi ni Niks.

"Ok sige, upo muna ako dito." Sabi ni Dom. Sa inakala ni niya na sa c.r. na magpapalit si Niks, walang pag-aalinlangan siyang umupo sa harap ng laptop. Laki na lamang niyang gulat nang, unti-unting nagtatanggal ng damit si Niks. "Oi! Anu ginagawa mo?" Tanung ni Dom ng may pagkagulat.

"Edi nagbibihis anu pala?" Sagot ni Niks habang tinatanggal ang pang itaas na uniporme. "Bakit? Bawal ba?"

" Hala! Hindi ka ba naiilang? Tsaka ano ka ba? Lalake ako, di ka dapat nagbibihis sa harap ko." Sabi ni Dom.

"Diba bes naman tayo? Kaya walang malisya." Sabi ni Niks, habang papalapit na unti-unti niyang inaalis ang kanyang pang intaas na uniporme na tila inaasar pa si Dom.

" Oi! lumayo ka sakin, tigilan moko, di ako sanay sa ganyan, conservative ako. Lalabas na lang ako at dun maghihintay. Pagtapos mo, tawagin mo na lamang ako." Sabi ni Dom.

Gustuhin man ni Dom na magtake advantage ay mas pinili niya pa din magpaka gentleman. Unang una, iyon ang tinuro sa kaniya ng kaniyang mga magulang, lalong lalo na ng kaniyang mapagmahal na Ina. Pangalawa, may kasintahan siya sa probinsya at ayaw niyang lokohin ito.

i.net/"b�R��H�

False PerceptionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon