Kinaumagahan...
Ang ganda ng araw, at ang ganda din ng gising ni Dom, sinu ba naman diba? Pero alam niyo sa totoo lang sa kalasingan niya, hindi niya alam ang nangyari. Nagtaka siya bakit wala siyang damit ni isa. Kahit brief wala. Medyo kinabahan na siya pero huminga siya ng malalim at inisip na baka naman dahil lang sa kalasingan kaya siya nakahubad.
Maya maya pa ay lumapit na sa kanya si Celine, sexy pa din ang suot nito, ang kaibahan lang ngayon ay puti na. May dala itong pagkain para sa kaniya. Sobrang saya nito at hindi maipaliwanag ang ngiti. Sympre, sa tagal ba naman na di niya nakasama si Celine eh. Kagat labi pa itong papalapit sa kaniya na animoy nang aakit pa.
Tumabi si Celine sa kaniya sa higaan. Binulungan siya nito at sinabing...
"Beb! Congrats! Hindi nako virgin!" Pabulong na sinabi ni Celine!.
OMG! O NO! O Wow! Patay! Edi wow! Nanlaki ang mga mata ni Dom at hindi ito nakapagsalita, na para bang nakakita ng multo o nakuryente. Para na siyang pinagsakluban ng langit at lupa...
PATAY! Kang bata ka...
BINABASA MO ANG
False Perception
RomanceSi Dominic ay isang simpleng probinsyano na pumunta ng Maynila para mag-aral ng medisina. Sa hindi inaasahang pagkakataon, makakatagpo siya ng mga taong magpapabago ng kaniyang buhay. Isa sa mga ito ay ang isang babaeng magiging dahilan ng pagpapaki...