Chapter Two

2.4K 48 18
                                    

Nang makarating sa classroom, laking gulat ni Dominic na hindi pa nagsisimula ang klase. Nagtataka siya, dahil sa kanyang orasan ay late na siya ng 5 minutes. Tumabi si Dominic sa isang lalake na pawang student din.

"Pwede ba ako makiupo?" Tanong ni Dominic.

"Sige ok lang, wala naman nakaupo diyan." Sagot sa kaniya nung lalaki.

"Ako nga pala si Dominic" Pakilala ni Dominic, habang iniaabot ang kamay, "Ikaw anu pangalan mo pre?"

"Ako nga pala si Arturo, Art na lang for short" Sagot ni Art, habang nakikipag shake hands. "Ang korny kasi pag buo eh hehe."

"Bakit kaya wala pang teacher?" Tanung ulit ni Dominic, habang inilalapag ang bag.

"Naku, ganon talaga dito, laging late ang mga teacher, welcome sa Fatima." Sagot ni Art.

"Ahh... hehe, buti na lang, akala ko kasi late nako eh." Sabi naman ni Dominic.

Biglang napabaling si Dominic sa pinto ng classroom. At sa hindi maipaliwanag na dahilan, para siyang namutla na hindi makahinga o makagalaw man lang.

"Ate, andyan ka na pala, kasama mo ba si Janey?" Sabi ni Art.

"Uhm, hindi eh, pero nakita ko siya kanina sa labas, kasama niya si Jena, bakit?" Sagot ng ate ni Art.

"Wala naman, loko talaga yun, sabi niya kasi sabay na kami papasok" Sagot ni Art.

Tulala pa din si Dominic, na kalaunan ay napansin na ni Art. "Ui, klasmeyt, anu nangyari sayo?" Tanung ni Art.

"Haa?! Eh-Ano... ah." Sagot ni Dominic

"Hala para kang namaligno diyan hahaha." Sabi ni Art habang pinagtatawanan si Dominic. "Nga pala ate ko si Nikita" Pakilala ni Art kay Dominic sa ate niya.

"Ahh, ako nga pala si, ah..." Sabi ni Dominic

"Siya si Dominic, ate" Sabi ni Art. Tila inunahan na niyang magsalita si Dominic, kasi naman, parang naputol na dila nito at hindi na makapag salita.

Nakakatawa mang isipin pero, sa karakter ni Dominic, siya pala yung mahiyain sa mga magagandang babae, sa madaling salita, TORPE! Sa bagay, sino ba naman ang hindi matutulala kay Nikita, eh isa siyang model at napaka sexy, at napakaganda pa niya talaga.

"Hi! nice meeting you." Sabi ni Nikita, habang inaabot niya ang kaniyang kamay kay Dominic para makipag shake hands. (Habang nakangiti)

Kahit nanlalamig, at pinagpapawisan nang malamig ang buo niyang katawan hanggang singit ng kanyang mga palad, inabot niya pa din ang kaniyang kamay at nag hello.

"Hello!" Wika ni Dominic.

Sa sobrang pagka torpe, yun na lang ang nasabi niya.

Mga ilang sandali pa ay, unti-unti nang nagdadatingan ang lahat ng classmate nila, pati na rin ang buong barkada nila Art at Nikita. Pagkaraan ng ilang minuto, dumating na din yung professor nila. At nag simula na ang klase.

False PerceptionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon