"Good evening sir and ma'am, welcome to blue bay resort, anu pong maipaglilingkod namin sa inyo?" Salubong ng receptionist sa dalawa.
"Uhm... Beb, dahil kadarating mo lang, sagot ko na to, ako na bahala." Sabi naman ni Celine.
"Sige beb, ikaw bahala." Sabi ni Dom, na mukang malalim pa din ang iniisip.
"Ate, yung pinakamalaki niyo pong suite room, tapos gusto ko ate yung nakaharap sa dapat, tapos lahat ng VIP treatment bigay nyo samin." Sabi ni Celine sa receptionist.
"Iha, taong ko lang, ilang taon ka na?" Tanong ng receptionist.
"Ate... 18 na po ako, eto po ID ko oh, si ate naman eh, tsaka isa pa, boyfriend ko po tong kasama ko, tsaka magsasaya lang kami walang ibang gagawin, tapos magdi-disco bar kami dyan mamaya." Sagot naman ni Celine.
Hindi na sumagot pa ang receptionist dahil mukang susungitan na sila ni Celine kapag nagtanong pa sila ulit. Kinuha ng receptionist ang kaniyang radyo at pinahanda na lahat ng request ng dalaga.
"Ma'am, pakisundan na lang po yung bell boy natin." Sabi ng receptionist.
"Ok ate! Thank you... Mwah!" Sabi ni Celine.
At tumungo na nga ang dalawa sa kanilang suite room. Mga ilang sandali pa ay nagbihis na si Celine. Lumabas ito sa walk in closet at biglang namilog ang mata ni Dom sa nakita.
"Beb! Tingnan mo tong suot ko, ok ba?" Tanong ni Celine.
"Be-, Beb! Ah... Oo naman!"Tila naputulan ng dila si Dom.
Panu ba namang hindi, nagpalit lang naman si Celine ng pang night swimming niya. "two piece" and napaka sexy. Ang kutis ni Celine ay pwede mo nang ikumpara sa porcelana, napakakinis, walang peklat, wala kang makikitang itim sa katawan nito.
"Beb! Nalaglag na yang panga mo!" Sabi ni Celine, habang piniflirt ang boyfriend.
Wala nang nagawa pa si Dom, kung hindi ang umayon na lang, tutal gusto din naman niya yung nakikita niya. Wag mo sabihing ayaw pa niya ng sitwasyon niya ng mga oras na yon?
"Beb, nga pala, wag na tayo pumunta ng bar, mas gusto ko masolo kita ngayon, tara swimming tayo oh. Tsaka nag order nako ng Tequila para sating dalawa beb. Wag ka mag-alala hindi naman tyo maglalasing. Celebrate ko lang kasi andito ka na at ang saya saya ko." Sabi ni Celine.
"Sige beb, bahala ka, kung anu ang gusto mo, basta beb hinay hinay lang ah, baka mapatay ako ng dad mo." Sabi naman ni Dom.
"Naku beb hindi yan, ako bahala!" Sabi ni Celine.
Talaga nga namang bakasyon grande ang nangyari kay Dom. Pinakamahal na suite, lahat ng VIP service, at pinakamagandang babae sa isla. Anu pa hahanapin mo? Panu ka na niyan Dom? Makapagsabi ka pa kaya ng totoo niyan?
Lumalalim na ang gabi at unti unti hindi napapansin si Dom na nalalasing na siya. Actually, pati si Celine, medyo may tama na, at mukang hindi na sila makakauwi, pero ok lang, suite room naman yung nakuha nila eh.
Habang nagkakasiyahan ang dalawa, ay biglang bumaling si Celine kay Dom, inilapit niya ang kaniyang mga labi sa labi ni Dom, at konting distansya pa ay hinalikan na niya ito. Lasing na din si Dom nun, kaya wala na siyang nagawa, hindi na siya nakapalag (Wooo hindi nakapalag? Baka hindi pumalag). Maya maya pa ay unti unting yumayakap na si Celine kay Dom, at ang mga kamay naman ni Dom ay nasa likod na ni Celine. Tinanggal niya ang lock ng bra nito, at naganap na nga ang masarap ngunit hindi inaasahang pangyayari.
BINABASA MO ANG
False Perception
RomanceSi Dominic ay isang simpleng probinsyano na pumunta ng Maynila para mag-aral ng medisina. Sa hindi inaasahang pagkakataon, makakatagpo siya ng mga taong magpapabago ng kaniyang buhay. Isa sa mga ito ay ang isang babaeng magiging dahilan ng pagpapaki...