Gulat na gulat si Dom sa nangyari kagabi, pero... sa tingin niyo ba hindi niya talaga alam ang mga naganap? Malay ba natin, eh sobrang lasing na lasing silang dalawa. Banatan ba naman nila nang sila lang, yung isang bote ng tequila? Anu sila immortal?
Hindi na halos makapagsalita si Dom, sa binulong sa kaniya ng girlfriend niya. Napa iling na lang siya at hindi talaga maipinta ang kaniyang muka. Bumangnon siya sa kaniyang pagkakahiga sa kama at daliang inayos ang mga gamit.
"Beb! Hindi na ba natin kakainin tong dala kong food?" Tanong ni Celine.
Ngunit, hindi pa din nagsasalita si Dom, at tuloy pa din ang pagliligpit ng gamit. Hindi siya mukang galit, hindi din siya natuwa. Poker face lang siya sa mga oras na yon. Napakalalim ng iniisip.
"Beb? May problema ba? Hindi ka ba masaya?" Tanong ni Celine.
Hindi sumagot ng diretso si Dom sa mga tanong ni Celine. Instead...
"Beb, uwi na tayo, ihahatid na kita sa inyo, tapos uwi na din muna ako. Nakalimutan ko may mga aasikasuhin pa pala ako." Sagot ni Dom.
"Ok, beb..." malungkot na sagot ni Celine.
Tumayo na din si Celine sa kama at pumunta sa closet para ayusin ang mga damit, ngunit mga ilang step pa ay, napansin si Dom na hindi ito makalakad ng maayos. At bigla itong napaupo.
"Beb?!" Wika ni Dom, habang mabilis na pumunta sa kinalalagyan ni Celine.
"Beb?! Anu nangyari sayo? Beb? Ayos ka lang ba beb?" Tanong ni Dom.
"Beb! Masakit eh, hindi ako makalakad ng maayos beb, ang laki kasi eh." Sagot naman ni Celine.
"Beb naman, nagbibiro ka pa ng ganyan eh, ano ayos ka lang ba?" Sabi naman ni Dom.
Ang lakas ng kabog ng dibdib ni Dom, alam niya na kahit anu pa ang mangyari, siya pa din ang sisisihin ng lahat. Napansin ni Dom na may spots ng dugo sa may lapag kung saan natumba si Celine. Lalo na siyang kinabahan at pinagpawisan ng malaming.
"Beb, kasi naman eh, anu ba yan?" Sabi ni Dom.
"Beb, ok lang ako beb, medyo nanghihina lang ako beb. Wag ka mag-panic, ikaw talag si mister panic ka eh, normal daw yan sabi sakin nung mga friends kong girl." Sabi ni Celine ng nakangiti ngunit nanghihinang boses.
Sa mga oras na iyon, alam ni Dom na hindi normal yung nangyayari, nag-aaral siya ng medicina, kaya alam niya na hindi pwedeng magkaganon ang isang babae kung dahil lang sa first time sex. Alam niya na pwedeng mangyari ang ganyang sitwasyon kung may ugat na tinamaan sa loob at pumutok ito. Napansin niyang namumutla na si Celine at nakita niya din na may excessive bleeding na ito. Kahit na takot na takot siya sa maaring sabihin ng mga tao, at kahit alam niyang sobrang in trouble na siya. Dali niyang binuhat si Celine at ang kanilang mga gamit. Tumakbo siya sa sasakyang buhat buhat niya si Celine, isinakay niya ito sa backseat, at daling nagmaneho patungo sa ospital.
Yung ospital na pinuntahan nila sa kasamaang palad, ay pag-aari ng dad niya. Pero anu pa ang magagawa ni Dom, syempre ang iligtas muna ang buhay ni Celine, mukang nauubusan na ito ng dugo.
BINABASA MO ANG
False Perception
RomanceSi Dominic ay isang simpleng probinsyano na pumunta ng Maynila para mag-aral ng medisina. Sa hindi inaasahang pagkakataon, makakatagpo siya ng mga taong magpapabago ng kaniyang buhay. Isa sa mga ito ay ang isang babaeng magiging dahilan ng pagpapaki...