Apat na araw na walang pasok gawa ng preparation for ISO accreditation. Nasa airport si Dom, at naghihintay ng oras ng flight. Ang alam ng mga kaibigan, sa probinsya ang punta ni Dom, pero ang totoo ay patungo siya sa Japan.
Habang naghihintay nang flight ay umupo muna si Dom sa isang tabi at kinuha niya ang kaniyang cellphone.
"Niks, malapit na flight ko, baka last text ko muna to, try na lang kita itext kapag nakauwi nako samin. Pero di ko mapromise ha! Tulad ng sabi ko sayo." Sabi ni Doms sa txt niya kay Niks.
Makalipas ang dalawang minuto. May nag-appear na message sa screen ng cellphone ni Dom.
"Ok, sige! Ingat ka bes!" Agad na reply ni Niks.
Ilang sandali pa ay tinawag na ang mga pasaherong papunta na Japan. Tumayo na si Dom at tumungo na sa eroplano na kaniyang sasakyan.
Sa loob ng eroplano ay si Dom, na nag-aayos ng gamit at excited na sa pagpunta sa Japan.
"To all passengers, we would like to request to put your phones off or in airplane mode. Our flight attendants will roam around to check if you follow our instructions. This is for the safety of all passengers. Thank you..." Sabi ng boses na galing sa mga speaker ng eroplano.
Inilagay muna ni Dom ang kaniyang cellphone sa airplane mode, at ibinulsa niya muna ito. Tutal naman sandali lang ang biyahe.
Umupo si Dom sa pinaka komportableng posisyon at may kinuha siya sa kabila niyang bulsa. Isang mapa ng lugar na kaniyang pupuntahan. Nakasulat na din dito ang address ng hote na kaniyang tutuluyan at pangalan ng mga tao na kaniyang kikitain.
Hindi naman kasi mga pure Japansee yung kikitain niya sa Japan. Isang American Japanese na nangangalaga sa isang lumang museum sa isang probinsya sa Japan. Habang inaaral ni Dom, yung mapa ay nakaramdam siya ng antok. Tiniklop niyang muli ang mapa at inilagay ito ulit sa kaniyang bulsa, at pagkatapos ay natulog muna si Dom.
Makalipas ang apat na oras ay lumapag na ang sinasakyang eroplano ni Dom sa Japan International Airport. Kung saan naman ay naghihintay sa kaniya ang pinsan niya na naninirahan na doon.
BINABASA MO ANG
False Perception
RomanceSi Dominic ay isang simpleng probinsyano na pumunta ng Maynila para mag-aral ng medisina. Sa hindi inaasahang pagkakataon, makakatagpo siya ng mga taong magpapabago ng kaniyang buhay. Isa sa mga ito ay ang isang babaeng magiging dahilan ng pagpapaki...