Habang nasa duty; lumapit si Dom sa tabi ni Niks sa may reception area, dun kasi na assign si Niks para sa araw na yun.
Paglapit niya ay tinabihan niya si Niks sa upuan, at dahil wala naman masyadong pasyente sa araw na ito, ay nakipag kwentuhan na lang siya sa bestfriend.
"Bes, pano kaya ang magandang setup natin sa Acquaintance party? Yung sa Christmas party kasi, madali na yu eh, pero yung theme sa Acquaintance, parang ang hirap isipin." Tanong ni Dom.
"Bakit mo naman iniintindi yun, eh, hindi naman ikaw ang persidente, si Art naman." Sagot ni Niks.
"Hindi mo ba na aalala, nagprisinta ako sa music committee? Tsaka isa pa, tayong dalawa may ari nung DomiNiks, kaya concern na nating dalawa yun. Di mo man lang ba tutulungan kapatid mo?" Sabi ni Dom.
"Sabagay, may point, ka! Alam mo, ang best na theme niyan, hollywood, red carpet. Kasi yang yung sa pag kakaalam kong hindi pa nagagawa ng college." Sabi ni Niks.
"Aba, mukang maganda yan ah?" Sabi ni Dom.
May dumating na pasyente at hindi na nakausap pa ulit ni Dom si Niks.
"Sige bes, balik nako." Pabulong na sabi ni Dom.
Tumayo na si Dom mula sa upuan ng reception area at pumunta na sa central supply, dahil dun siya naka assign.
Habang naglalakad ay nag-iisip na siya ng mga bagay na gagawin niya sa nasabing party. Panigurado, may mga naiisip nanaman siyang kakaiba at pasabog.
BINABASA MO ANG
False Perception
RomanceSi Dominic ay isang simpleng probinsyano na pumunta ng Maynila para mag-aral ng medisina. Sa hindi inaasahang pagkakataon, makakatagpo siya ng mga taong magpapabago ng kaniyang buhay. Isa sa mga ito ay ang isang babaeng magiging dahilan ng pagpapaki...