Nakarating na din sa harap ng dorm ni Dom sila Art. Lumapit si Niks sa guard at tinanong kung pwede ba sila pumasok.
"Guard pwede po ba kaming pumasok na?" Tanong ni Niks sa guard.
"Niks, ikaw pala, sige, pupuntahan niyo si Dominic?" Tanong ng guard.
"Opo sana, hindi po kasi pumasok eh, hindi din sumasagot sa tawag or text." Sabi ni Niks.
"Ahhh... Ganon ba? Ay sige, akyatin niyo na, hindi ko pa din siya nakita lumabas, kanina pako 7:00 am dito." Sabi ng guard.
Lalong bumilis ang tibok ng puso ni Niks sa sinabi ng guard. Dali dali itong umakyat at kinatok ang kwarto ni Dom.
Tok! Tok! Tok! Tok! Tok! Tok! "Ate, walang sumasagot, baka naman wala si Dom diyan." Sabi ni Art.
Tok! Tok! Tok! Patuloy pa din sa pagkatok si Niks. "Bes! Buksan mo ang pinto, si Niks to!" Sabi ni Niks, habang patuloy sa pagkatok.
Tok! Tok! Tok! "Sis, baka wala si Dom diyan." Sabi ni Jena.
Bumaba si Niks sa guard at nagtanong kung pwede bang buksan na nila ang pinto, tutal naman may duplicate ng pinto admin ng dorm.
"Manong, pwede kaya natin, ipakiusap sa admin kung pwede nang buksan yung pinto? Nag-aalala na kasi talaga kami eh." Pakiusap ni Niks sa guard.
"Sige, ganito na lang, bubuksan natin, tutal kilala naman kita, pero wag na kayo maingay sa admin, baka mapagalitan ako." Sabi ng guard.
"Nako, manong maraming salamat po talaga!" Sabi naman ni Niks.
Umakyat na ang guard at si Niks sa kwarto ni Dom. Kinuha ng guard ang duplicate ng susi ng kwarto ni Dom, sa mga susing magkakasama na nasa pangangalaga niya. Nang makita niya ang susi, ay agad niya itong ipinasok sa door knob ng kwarto ni Dom.
Sa pagbukas ng pinto ay laking gulat nila, ng tumambad sa kanila ang kwarto na walang laman.
"Nyak! Wala nga si Dom." Sabi ni Mon.
"Nako, nasan naman kaya yon?" Sabi ni Art.
"Pagdating talaga niya, lagot talaga siya sakin! As in! Pinag-aalala niya tayong lahat eh." Sabi ni Niks.
"Anong tayo? Ikaw lang!" Sabi ni Jena.
"Ikaw ate ah, nahahalata ka na namin ah." Sabi naman ni Art.
"Hay nako tigilan niyo nga ako. Tara umuwi na tayo." Sabi naman ni Niks.
"Salamat po, manong, pasensya na sa istorbo." Sabi naman ni Art.
"Nako, wala yon, sige kapag dumating si Dom, papagalitan ko, hehehe, parang anak ko na din kasi yon. Hindi nagpaalam sa girlfriend niya eh." Sabi ng guard.
"Nako, manong hindi ko po siya boyfriend." Sabi ni Niks.
"Sinabi bang ikaw? Masyado kang defensive eh. May sinabing bang Niks?" Sabi ni Jena.
Nagtawanan si Mon, Art at ang guard.
"Hay! Nako, ewan ko sa inyo! Umalis na tayo!" Sabi naman ni Niks, na pikon na pikon sa mga kasamang nagtatawanan.
Pagkalabas ng dorm ni Dom ay umuwi na nang diretso ang magkakaibigan.
BINABASA MO ANG
False Perception
RomanceSi Dominic ay isang simpleng probinsyano na pumunta ng Maynila para mag-aral ng medisina. Sa hindi inaasahang pagkakataon, makakatagpo siya ng mga taong magpapabago ng kaniyang buhay. Isa sa mga ito ay ang isang babaeng magiging dahilan ng pagpapaki...