Chapter Thirty Six

770 20 0
                                    

Pagdating ni Dom sa lugar, nakita niyang napakaraming tao at tila isang grande na kasiyahan talaga ang ihinanda para kay Celine. Huminto siya sa harap ng bahay at may lumapit sa kaniyang lalake.

"Ang susi po ng sasakyan sir?" Tanong ng manong, na nakasuot ng chaleko na may necktie.

Bumaba si Dom sa sasakyan at iniabot ang susi.

"Ingatan mo yan ha!" Sabi ni Dom sa vallet parking boy ng mansion nila Celine.

"Opo sir!" Sagot ng manong.

Naglakad na papasok si Dom sa mansion nila Celine at dun na siya nakita ng kaniyang girlfriend. Agad itong lumapit sa kaniya, at kitang kita dito ang pagkasabik; Kaya naman pala, siya lang ang hinihintay nito.

"Beb! Akala ko di ka na darating eh." Sabi ni Celine.

"Birthday mo Celine, bakit naman hindi ako darating." Sabi ni Dom, sa napakapormal na paraan.

"Tara beb, pasok na tayo, papakilala sa mga new friends ko sa college." Sabi naman ni Celine, habang hawak ang kamay ni Dom at hinihila siya papasok ng mansion.

May nilapitan si Celine na dalawang girl habang hawak hawak niya si Dom.

"Beb, si Macey at Brenda nga pala, sila ang bago kong mga sis sa school." Pakilala ni Celine.

"Hi! Nice meeting you!" Sabi naman ni Dom.

"Celine, ang gwapo naman pala ng BF mo?!" Sabi ni Brenda.

"Syempre! Ako pa ba?" Sabi ni Celine.

"Siya ba yung?!" Tanong ni Macey, nang pabiro habang tumingin pababa sa katawan ni Dom at tumingin ulit pabalik kay Celine, na palihim na tumatawa.

"Oi! Shut up! Macey... Ano ka ba, nakakahiya..." Sagot naman ni Celine na nanlalaki ang mata ngunit nakangiti.

"Ikaw talaga Macey!" Sabi naman ni Brenda.

"Ok lang yun hehe, sanay nako sa mga ganyang biro, sa Manila kasi, yung mga bago kong friends dun, ganyan din kalala magbiro." Sabi naman ni Dom, para hindi mapahiya ang babaeng kaibigan ni Celine, kahit na ba kita sa kaniyang mga mata na medyo na offend siya.

"Anyway, beb, tara kumain na tayo, namiss talaga kita, ano ba nangyari sayo, after nung?... Alam mo na! Hindi mo man lang ako tinext or tinawagan, daig mo pa yung nasa Manila ka. Ang lapit mo pero halos 1 week moko hindi kinokontak." Sabi ni Celine.

"Wala lang beb, nagpahinga lang talaga ako, kasi ineenjoy ko na yung kama ko, after that kasi wala nanaman pahinga sa school. Alam mo na..." Sagot naman ni Dom.

"Ok beb, ako ayaw mo bako i enjoy?" Pabirong tanong ni Celine habang natatawa sa bf niya.

"Celine?!..." Sabi naman ni Dom, na parang napipikon na.

"Joke lang beb, ikaw talaga, ang hirap mo biruin." Sabi naman ni Celine.

"Kasi naman eh... Wag natin gawing biro yung nangyari..." Sabi naman ni Dom, na halatang inis na.

"Ok beb... Sorry na.. Wag ka na magalit..." Sabi naman ni Celine sa malambing at pabulong na boses.

"Ok..." sagot naman ni Dom.

"Yehey, di na siya galit." Sabi naman ni Celine.

Pagkatapos kumuha ng pagkain ay pumunta na sila sa mesa nilang dalawa, isang area na espesyal na pinahanda ni Celine para masolo ang kasintahan.

False PerceptionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon