Sa hindi inaasahang pagkakataon, biglaang tumunog nang tumunog ang cellphone ni Dom. Tila hindi ito isang text message. Isa itong tawag na galing sa kung sinuman. Kinuha ni Dom ang kaniyang cellphone sa bulsa, laking gulat niya sa pangalang lumabas sa screen nito.
"Sino yung tumatawag?" Tanong ni Niks.
"Ay! Wait lang, sagutin ko lang to." Sagot naman ni Dom.
Binaba ni Dom ang mga gamit ni Niks panandali, at tuluyang pumunta sa isang tabi na medyo malayo kay Niks. Kaya pala, "Celine" pala ang pangalang lumabas sa cellphone screen niya. Si Celine, ang babaeng kinababaliwan ng lahat sa kanilang probinsya, si Celine ang kasintahan ni Dom.
Sinagot ni Dom ang cellphone.
"Hello..." Sabi ni Dom.
"Hi, beb, kamusta ka na? Hindi mo nako kinokontak, kaya ako na yung tumawag; alam kong binilin mo sakin na ikaw na lang ang tatawag, kaso ang tagal mo nakong hindi tinatawagan, kahit nga text lang wala. Siguro may iba ka nang beb diyan no?" Sabi naman ni Celine.
"Wala noh, busy lang talaga ako." Sagot ni Dom sa mariin ngunit mahinang boses.
"Bakit ang hina ng boses mo nasan ka ba?" Tanong ni Celine.
"Nasa class ako, baka mapagalitan ako ng prof. ko." Sagot naman ni Dom.
"Ay ganun ba beb?! Naku sorry... Naistorbo kita... sige bye na! Tawag ka mamaya ha..." Sabi naman ni Celine.
"Ok sige, bye!" Sabi naman ni Dom.
"I love you beb!" Sabi ni Celine na may paglalambing.
"Ok, bye..." sagot naman ni Dom, isang malamig na sagot na hindi mo aasahang manggagaling sa isang kasintahan.
Mabilis na ibinaba ni Dom ang tawag at hindi na nagpaalam ng maayos sa kasintahan. Bakas na bakas sa kaniyang mukha ang pagkainis, na may halong pagkakonsensya.
"Sinu yun Dom?" Tanong ni Niks, na may pagtataka. "Bakit parang badtrip ka?"
"Ahh, yung ano- Si, celine, pinsan ko, nanghihiram ng pera, kaso wala ako mapapahiram." Sagot naman ni Dom.
"Ahh... ok." Sabi naman ni Niks.
Sa totoo lang, hindi kailangan ni Celine ng pera. Mayaman sila, haciendera ang mga magulang, at nag-iisang tagapag-mana.
BINABASA MO ANG
False Perception
RomanceSi Dominic ay isang simpleng probinsyano na pumunta ng Maynila para mag-aral ng medisina. Sa hindi inaasahang pagkakataon, makakatagpo siya ng mga taong magpapabago ng kaniyang buhay. Isa sa mga ito ay ang isang babaeng magiging dahilan ng pagpapaki...