Popular na ngayon si Dom sa kanilang college dahil sa nakaraang acquaintance party, kung saan, kumanta siya kasama ang isa sa pinakasikat na banda sa bansa sa kasalukuyan. Siya pala ang original na vocalist ng banda. Pero syempre, para sa kanya, wala lang ang mga ganung bagay. Isa pa, ayaw naman talaga ni Dom ang sumikat. Isa lang ang gusto niya sa buhay ngayon, ang mahalin si Niks, nang walang hinihinging kapalit.
Ber months na ngayon! Ramdam na ang lamig ng hangin, at makikita na din sa labas ang dami ng mga christmas lights and decor sa iba't ibang lugar at mga bahay. Isang patunay na malapit nang dumating ang araw ng kapaskuhan.
Araw ng linggo ngayon, nagpapahinga lang ang mga studyante. Kakatapos lang din ng midterm examination. Tulad ng iba, pa chill chill lang si Dom sa kaniyang Dorm. Kinuha niya ang kaniyang guitara na nakasabit sa pader ng kaniyang dorm, at umupo siya sa kaniyang kama. Hindi pa man din nakakatugtog si Dom ay may narinig siyang kumakatok na galing sa labas.
Tok! Tok! Tok!
"Sino yan?" Tanong ni Dom.
"Dom! Ako to si Art." Sagot naman ni Art, na naghihintay sa labas.
Binaba muna ni Dom ang kaniyang guitara sa kama, at agad siyang tumungo sa pinto para pagbuksan si Art.
"Oh tol! Napadalaw ka?" Tanong ni Art.
"Wala ako magawa sa dorm eh, wala kasi si Mon, umuwi sandali sa kanila. Puro babae yung andun kaya, umalis muna ako." Sabi ni Art.
"Ah, ganon ba? Edi dito ka muna." Sabi ni Dom.
"Nice! Sige, salamat!" Sabi ni Art.
Tuluyan nang pumasok si Art sa dorm at sinara na ni Dom ang pinto.
"Uy! Ganda naman ng guitara mo tol!" Sabi ni Art.
"Yan ba? Bigay sakin yan nung lead guitarist namin na si Jun, para naman daw hindi ko makalimutan yung pagiging musician ko, kahit na iba na yung career na meron ako ngayon." Sabi ni Dom.
"Nice! Astig talaga! Wala ba tayo iba magagawa diyan?" Tanong ni Art.
"Maraming movies diyan sa laptop, sige lang nood ka lang diyan." Sabi ni Dom.
"Wow, nice... Thank you tol." Sabi ni Art.
Habang naghahanap ng movie ay bumalik naman si Dom sa kama at kinuha na niyang muli yung guitara.
"Nga pala Art, pano nga pala gagawin natin sa Christmas party, malapit na yun ah?" Tanong ni Dom.
"Ah, yun ba? Hindi ko nga din alam eh, nakakapagod kasi mag-asikaso ng party." Sabi naman ni Art.
"Sa bagay, tama ka, nakakapagod talaga... Yun nga lang, wala naman tayo magagawa, naka Oo tayo kay dean." Sabi naman ni Dom.
"Yun na nga eh, bwisit naman kasi tong si dean eh." Sabi naman ni Art.
"Nako, bayaan mo na, ok lang yun, kesa naman mapahamak tayo parepareho." Sabi ni Dom.
"Sa bagay..." Sabi naman ni Art.
Habang tumutgtog ng guitara si Dom at si Art naman ay nanonood ng movie sa laptop ni Dom, ay mayroon nanamang kumatok sa pinto.
Tok! Tok! Tok! "Dom, may kumakatok." Sabi ni Art.
Binitawan ni Dom, ang kaniyang guitara at agad na pumunta sa pinto. "Wait lang... Sino yan?" Tanong ni Dom.
"Dom! Si Niks to..."
"Ui! Bes!" Sabi ni Dom, na kitang kita ang pananabik sa kaniyang mga mata.
Agad na binuksan ni Dom ang pinto at pinapasok si Niks. "Tara bes, pasok! Andito si Art." Sabi ni Dom.
"Yes! I know... Iniwan nga kami niyan eh." Sabi ni Niks.
"Eh pano naman, puro kayo babae sa dorm." Sabi naman ni Art.
"Ok! Fine..." Sabi naman ni Niks.
"Eh teka, bakit nga pala andito ka? San si Jena at Josh?" Tanong ni Art.
"Nagpunta ng mall, may bibilin lang daw." Sagot naman ni Niks.
"Ah, ok... Tara ate, nood tayo, horror oh!" Sabi ni Art.
"Hay! Nako! Ayaw ko niyan, nakakatakot yan!" Sabi ni Niks.
Palihim na natatawa si Dom, dahil naalala niya ang nangyari nung sila lang ni Niks ang nanonood ng horror movie. "Hoy! Anong ngini-ngiti ngiti mo dyan?" Tanong ni Niks kay Dom.
"Wala! Namiss lang kita, tapos andito ka na, kaya happy nako..." Sagot naman ni Dom.
"Che! Nambola ka pa! Alam ko naman kung bakit ka natatawa." Sabi ni Niks.
"Weh? Di nga?!" Sabi ni Dom.
"Hay nako! Tigilan moko!" Sabi Niks.
Umupo si Niks sa tabi ni Art, at si Dom naman ay kinuha ang guitara na nasa kama at isinabit na itong muli sa pader.
BINABASA MO ANG
False Perception
RomanceSi Dominic ay isang simpleng probinsyano na pumunta ng Maynila para mag-aral ng medisina. Sa hindi inaasahang pagkakataon, makakatagpo siya ng mga taong magpapabago ng kaniyang buhay. Isa sa mga ito ay ang isang babaeng magiging dahilan ng pagpapaki...