Chapter Forty Eight

589 11 0
                                    

Laking gulat ni Niks na imbis na lumayo si Dom ay lumapit pa ito, at sinalubong ang bessy niya na papalapit. Sa di inaasahang pangyayari ay aksidenteng, nagdikit ang kanilang mga lips. Hindi nila ito naialis dahil parehas silang natulala, mga 3 seconds din. Tapos bigla silang naghiwalay.

"Bes?! Bakit moko kiniss?" Nang gigigil na tanong ni Niks.

"Anong kiniss? Ikaw yong papalapit sakin eh." Sabi naman ni Dom, habang palihim na natatawa.

"Bes! Ikaw ah!? Bes!!!!" Sabi ni Niks.

"Oi, di ko kasalanan yan bes, tsaka isa pa, aksidente yon. Mag bestfriend naman tayo, so wala yon, walang bilang wag na alalahanin, kalimutan! Period no erase!" Sabi ni Dom.

"Ok! Sige, walang makaka alam nito bes ha! Aksidente lang naman to, mag bestfriend tayo ok?" Sabi naman ni Niks.

Ngunit sa mga sandaling yon, alam ni Niks, na may konting spark sa nangyari. Pero hindi na niya ito pinansin pa ng sobra, kasi nga mag bestfriend sila.

"Sige bes! Promise! Satin lang! Pero in fairness ha, ang lambot ng lips mo!" Pabirong sabi ni Dom.

"Leche! Manyakis ka bes!" Sabi naman ni Niks.

"Oi! Hindi ako manyakis ah, kasalanan mo yan, ikaw ang lumapit!" Sabi naman ni Dom.

"Ok! Fine... Whatever..." Sabi naman ni Niks.

Pinatay na ni Dom yung laptop, tutal wala naman na yatang gana si Niks manood ng "The ring". Tumayo si Dom at pumunta sa kusina.

"Bes, san ka pupunta? Ano gagawin mo?" Tanong ni Niks.

"Sa kusina, magluluto, 1:00 pm na hindi pa din tayo kumakain." Sabi naman ni Dom.

"Bes! Maupo ka dyan! Ako magluluto para sayo." Sabi naman ni Niks.

"Siguraduhin mong masarap yan ah..." Sabi naman ni Dom.

Hinatak ni Dom si Niks sa damit nang pagkalakas lakas at pinaupo niya si Dom.

"Diyan ka lang! Ako ang bahala! Pag di to masarap, edi hindi nako magluluto para sayo, tsaka hindi mo nako bes!" Sabi ni Niks, na may pagyayabang!

"Ok sige, impress me!" Sabi naman ni Dom.

Tumungo na si Niks sa kusina at pinagluto na si Dom. Habang nasa kusina si Niks ay mapapansin mo na laging nakatitig si Dom sa kanya.

Sabi ni Dom sa isip niya...

"Grabe Niks! Nako, kung hindi lang talaga tayo bestfriend! Tsaka grabe ang lambot ng lips mo tapos ang init ng yakap mo, grabe talaga! Kaya ako tinatamaan sayo eh... Tsaka kung tratuhin moko, grabe! Mababaliw na ata ako sayo... Pano kaya kita liligawan? Bessy tingin mo sakin. Pero malay mo naman Dom!"

Makalipas ang 30 minutes ay tinawag na ni Niks si Dom.

"Bes! Tara na kain na tayo!" Sabi ni Niks sa malayo.

"Ok, bes andiyan na..." Sabi naman ni Dom.

Tumayo na si Dom mula sa kaniyang pagkakaupo sa kama, at pumunta na sa kusina. Tinulungan niyang maghain ng gamit si Niks at sabay na silang umupo sa harap ng maliit na dining table ni Dom. Nagharap sila at nagsimula nang kumain.

Habang kumakain ay kapansin pansin pa din ang pag titig ni Dom kay Niks. Grabe pa naman makatitig tong si Dom, akala mo si "Lee min ho" yung nakatitig. Pero syempre, hindi naman na naiilang si Niks sa kaniya kasi sanay na siya dito. Simula ata ng tawaging niyang bes si Dom, ay ganon na siya makatingin, masyadong malagkit.

"Bes! Masarap ba luto ko?" Tanong ni Niks.

"Oo naman bes! Ang lupit mo pala magluto ng Kaldereta." Sabi naman ni Dom.

"Syempre, ako pa! Kunyari lang naman akong hindi marunong non, kasi tinatamad ako." Sabi ni Niks.

"Alam ko naman yon, pero gusto lang din talaga kita pagsilbihan. Pero alam mo, mas masarap yang luto mo pag sinubuan moko." Sabi ni Dom, sabay tingin kay Niks ng malagkit at bahagyang ngumiti.

"Ok bes! Yun lang pala eh..." Sabi ni Niks.

Kumuha si Niks nagpagkalaki laking piraso ng karne at pinuno niya ng kanin yung kutsara, sabay isinubo ang lahat ng ito kay Dom.

"Oi, bes, grabe ka naman, mabubulunan ako eh, gusto mo bako patayin" Sabi ni Dom, na hindi maintindihan halos ang salita sa dami ng pagkain.

"Bagay yan sayo, ang landi mo kasi!" Sabi naman ni Niks habang natatawa.

"Si bes, talaga oh!" Sabi naman ni Doms.

Ang saya nilang dalawa habang kumakain, hindi mo na makikita sa muka ni Doms yung problemang dinadala niya, ang bilis niya mag move on, sa bagay kung ganyan naman ang kaharap mo, siguro kahit sinu, mabilis na mag momove on. Tsaka isa pa, wala naman mangyayari sa kaniya kung hindi siya mag momove on eh...

Nang matapos kumain ang dalawang mag bestfriend ay nagpaalamanan na din silang dalawa.

"Bes, alis nako, baka andun na sila Art. Magluluto pako sa dorm." Sabi ni Niks.

"Ganon ba?" Sabi ni Dom, na bahagyang nalungkot.

'Uh... Nalungkot ang bes ko... Wag ka mag alala, magkikita pa naman tayo ano ka ba, halos lahat ng subjects ngayon, mag classmate na tayo. Hindi kasi ako nagsembreak, kasi diba medyo malakas si dad sa school kaya ayon, nakapag special class ako ng 1 week tapos pumasa naman ako, kaya yung iba ko pang delay na subject, natapos ko na." Sabi naman ni Niks.

"Talaga?" Sabi naman ni Dom.

"Oo! Promise, kaya wag ka nang malungkot ok?" Sabi naman ni Niks.

"Ok..." Sabi naman ni Dom, na halatang ayaw pang paalisin si Niks.

"Pano, bes, alis nako ha." Paalam ni Niks.

Hinatid ni Dom si Niks sa labas ng dorm at tuluyan na silang nagpaalam sa isa't isa.

Habang papauwi naman si Niks, ay kitang kita ang kasiyahan din sa kaniyang muka. Naiinlove na kaya siya kay Dom? Or masaya lang talaga siya kasi nakita niya na kahit papano, napagaan niya ang loob ng bestfriend niya, hindi man niya alam ang problema nito?


False PerceptionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon