Chapter Thirty Seven

588 9 0
                                    

"Tara beb, upo tayo dito, satin lang yang area na yan. Pinaayos ko talaga yan para satin" wika ni Celine.

Kitang kita ang pagiging gentleman ni Dom, inusad niya ang upuan ni Celine at una muna niyang pinaupo ang girlfriend. Matapos ay pumunta na siya sa opposite side nito at umupo na din.

Sa pagkakaupo ay masayang masaya si Celine dahil kasama nanaman niya si Dom. Sinusubuan pa niya si Dom ng pagkain, kitang kita naman talaga ang pagiging sweet ng kaniyang girlfriend.

"Beb, mamaya may papakita ako sayo..." Sabi ni Celine.

"Sige, Celine, ako din may papakita ako sayo." Sabi naman ni Dom.

"Anu yun beb? Ha?" Tanong ni Celine.

"Maya na lang, pagtapos na yung party." Sabi ni Dom.

"Ok beb, sabi mo eh..." Sagot naman ni Celine.

Habang kumakain ay biglang tumunog ang isang love song na pamilyar kay Dom. Ang "bakit ngayon ka lang". Bigla siyang may naalala, tumahimik si Dom at biglang napaisip ng malalim.

Tumayo si Celine sa pagkakaupo at tinitigan ang kasintahan.

"Beb, sayaw tayo..." Sabi ni Celine kay Dom.

Walang nagawa si Dom kung hindi ang umayon na lang. Pero sa totoo lang, ang nasa isip niya ng mga oras na yon ay si Niks. Unfair diba? Pero wala tayong magagawa, tinamaan ng lintek eh.

Tumayo si Dom at inabot ang mga kamay ni Celine. Dahan dahan silang pumunta sa gitna ng dance floor, at doon ay sumayaw sila nang napaka sweet. Ang mga kamay ni Celine ay nakapatong sa balikat ni Dom, at ang mga kamay naman ni Dom ay nakayapos sa mga bewang ni Celine.

Kung pagmamasdan, parang bagong kasal yung sumasayaw sa gitna. Hindi mo mahahalatang may problema ang dalawa. Well, actually, wala naman talaga, si Dom lang talaga yung may problema eh.

Naaayon naman yung ayos nung dance floor; isipin mo, lahat ng flower decorations ay tulips. May magagarang ilaw, at ang tumutugtog ay ang pinakamagaling na orchestra sa buong bansa.

Tila isa itong fairytale para sa dalawa, pero para kay Dom, isa itong napakabigat na dilemma, naglalaban ang kaniyang puso. Naguguluhan ang isip. Pero pinipilit na pagmukaing normal ang lahat.

False PerceptionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon