Chapter Sixty Three

474 8 0
                                    

Pagdating nila Art, Mon at Jena sa school ay si Dom na naghihintay na sa quadrangle. Tumayo si Dom sa kaniyang pagkakaupo at lumapit sa mga kaibigan.

"Guys, asan si Niks?" Tanong ni Dom.

"Nasa dorm, may sakit, ang taas nga nang lagnat eh, hindi sana kami papasok kaso ayaw naman magpaalaga." Sabi ni Art.

"Ahhh, ganon ba?" Sabi naman ni Dom.

Sumabay na si Dom sa mga kaibigan sa pagpasok sa classroom, ngunit hindi pa man sila nakakalapit sa room ay bigla itong humiwalay sa kanila.

"Dom, san ka pupunta?" Tanong ni Jena.

"May naiwan lang ako sa dorm ko, babalik ako agad promise!" Sagot ni Dom.

Nagmamadaling lumabas si Dom sa eskwelahan, katunayan nga tumakbo na siya ng sobrang bilis papalabas dito.

Hingal na hinga si Dom sa kaniyang pagtakbo ng bigla siyang huminto sa isang convenient store.

"Ate, magkano per kilo nitong malagkit nyo?" Tanong ni Dom sa tindera.

"40 pesos per kilo yan." Sagot ng tindera.

"Pagbilan po ako ng isang kilo. Pakisamahan na po ng bawang, sibuyas at calamansi." Sani naman ni Dom.

"100 pesos lahat yan..." Sabi ng tindera.

Iniabit agad ni Dom ang bayad sa tindera.

"Eto po ate..." Sabi ni Dom habang iniaabot ang pera.

Pagkakuha ni Dom ng mga pinamili ay agad nanaman itong tumakbo, ng mabilis, halos matapon na nga yung mga pinamili niya. At halatang halata din sa mukha ni Dom ang labis na pag aalala.

Humintong muli si Dom mula sa kaniyang pagtakbo, at sa pagkakataong ito naman, ay pumasok siya sa isang botika.

"Ate pagbilan naman po ako ng coolfever at ng bioflu." Sabi ni Dom sa tindera.

"Ilan po sir?" Tanong ng tindera.

"Tatlong coolfever ate tsaka dalawang bioflu." Sabi ni Dom.

"Oh eto, 89 pesos po lahat sir." Sabi ng tindera, habang iniaabot kay Dom ang mga gamot.

"eto po bayad ate" Sabi naman ni Dom, habang iniaabot ang pera sa tindera.

Pagkakuhang pagkakuha ay agad nang umalis si Dom at kumaripas na ulit ng takbo.

False PerceptionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon