Chapter Ten

1K 16 0
                                    

Makaraan ang 30 minutes, "Luto na!" lumabas na nang kusina si Dom at naghain na siya. "Bes tara na, kain na!" Sabi ni Dom, na may kalakasan ang boses dahil tinatawag nya si Niks.

"Sa wakas luto na, gutom na talaga ako eh." Sabi ni Niks. Umupo na ang dalawa sa maliit na mesa at kinain na nga nila ang adobong niluto ni Dom.

"Uy... In fairness... masarap ha! San ka natuto magluto?" Wika ni Niks.

"Sa mama ko!" Proud na proud na pagkakasabi ni Dom. "Sa probinsya kasi hindi pwedeng hindi marunong sa bahay ang mga tao dun mapababae man o lalake. Dapat lahat ng gawaing bahay alam mo. Kung hindi mapapagalitan ka ng matatanda."

"Ay ang galing naman, sarap siguro magluto ng mga tao sa inyo no? Tsaka wala ka bang hindi kayang gawin? Parang lahat naman ata alam mo na. Swerte ko naman, ang bestfriend ko ay superman." Sabi ni Niks.

"Puro ka pangbobola, sige na ubusin na natin yan at kailangan ko nang umuwi pagabi na din, maaga pa tayo bukas." Sabi naman ni Dom.

"Ok pero, thanks talaga bes superman ha!" Sabi ni Niks na kitang kita ang saya sa kanyang mukha.

"Ok walang anuman." Sagot naman ni Dom na proud sa sarili at masaya naman dahil napasaya niya si Niks. "Ikaw pa!" habang titig na titig kay Niks.

Nang matapos na silang kumain ay dali na ding nagpaalam si Dom. "Bes alis nako, maaga pa tayo bukas." Sabi ni Dom, habang nag-aayos ng gamit. "Ikaw na magligpit nyan, tutal naman ako na nagluto." Ngunit tila ata ayaw nya pang umalis. "Aalis na ba ako?" Sabi sa sarili.

"Ok sige bes!" Habang nililigpit paunti-unti ang kinainan. "Salamat ulit." Sagot naman ni Niks. "Bye bes!" nagpapaalam sa kaibigan na may magandang ngiti.

"Bye..." Sagot ni Dom, habang papalabas ng pinto.

At tuluyan na ngang umalis si Dom. Sa totoo lang, ayaw pa talaga nya umalis sa mga oras na iyon, kung wala lang talagang pasok baka inabot pa siya ng madaling araw. Tila gustong-gusto niya ang company ni Niks, ang saya kasi nito kasama.

Nang nasa may gate na ay nakasalubong naman ni Dom si Mon, si Art, at pati na din si Josh. " Uy andito na pala kayo, tamang tama paalis nako." Habang nakikipag-apir sa mga kaibigan. "Walang kasama ate mo sa taas."

"Uy concern..." Sabi naman ni Jena, na may mapang-asar na ngiti.

"Timang! Malamang bes kami eh, tsaka kawawa naman nag-iisa siyang babae dun." Sagot naman ni Dom.

"Nako! Wag mo alalahanin yun, kaya nya sarili nya" habang napapa-iling "Pero salamat na din." Sabi naman ni Art.

"Sige... Pano? Alis nako?" Habang mabagal na naglalakad papalayo "Maaga pa tayo bukas." Sabi ni Dom, at tuluyan na nga siyang umalis.Makaraan ang 30 minutes, "Luto na!" lumabas na nang kusina si Dom at naghain na siya. "Bes tara na, kain na!" Sabi ni Dom, na may kalakasan ang boses dahil tinatawag nya si Niks.

"Sa wakas luto na, gutom na talaga ako eh." Sabi ni Niks. Umupo na ang dalawa sa maliit na mesa at kinain na nga nila ang adobong niluto ni Dom.

"Uy... In fairness... masarap ha! San ka natuto magluto?" Wika ni Niks.

"Sa mama ko!" Proud na proud na pagkakasabi ni Dom. "Sa probinsya kasi hindi pwedeng hindi marunong sa bahay ang mga tao dun mapababae man o lalake. Dapat lahat ng gawaing bahay alam mo. Kung hindi mapapagalitan ka ng matatanda."

"Ay ang galing naman, sarap siguro magluto ng mga tao sa inyo no? Tsaka wala ka bang hindi kayang gawin? Parang lahat naman ata alam mo na. Swerte ko naman, ang bestfriend ko ay superman." Sabi ni Niks.

"Puro ka pangbobola, sige na ubusin na natin yan at kailangan ko nang umuwi pagabi na din, maaga pa tayo bukas." Sabi naman ni Dom.

"Ok pero, thanks talaga bes superman ha!" Sabi ni Niks na kitang kita ang saya sa kanyang mukha.

"Ok walang anuman." Sagot naman ni Dom na proud sa sarili at masaya naman dahil napasaya niya si Niks. "Ikaw pa!" habang titig na titig kay Niks.

Nang matapos na silang kumain ay dali na ding nagpaalam si Dom. "Bes alis nako, maaga pa tayo bukas." Sabi ni Dom, habang nag-aayos ng gamit. "Ikaw na magligpit nyan, tutal naman ako na nagluto." Ngunit tila ata ayaw nya pang umalis. "Aalis na ba ako?" Sabi sa sarili.

"Ok sige bes!" Habang nililigpit paunti-unti ang kinainan. "Salamat ulit." Sagot naman ni Niks. "Bye bes!" nagpapaalam sa kaibigan na may magandang ngiti.

"Bye..." Sagot ni Dom, habang papalabas ng pinto.

At tuluyan na ngang umalis si Dom. Sa totoo lang, ayaw pa talaga nya umalis sa mga oras na iyon, kung wala lang talagang pasok baka inabot pa siya ng madaling araw. Tila gustong-gusto niya ang company ni Niks, ang saya kasi nito kasama.

Nang nasa may gate na ay nakasalubong naman ni Dom si Mon, si Art, at pati na din si Josh. " Uy andito na pala kayo, tamang tama paalis nako." Habang nakikipag-apir sa mga kaibigan. "Walang kasama ate mo sa taas."

"Uy concern..." Sabi naman ni Jena, na may mapang-asar na ngiti.

"Timang! Malamang bes kami eh, tsaka kawawa naman nag-iisa siyang babae dun." Sagot naman ni Dom.

"Nako! Wag mo alalahanin yun, kaya nya sarili nya" habang napapa-iling "Pero salamat na din." Sabi naman ni Art.

"Sige... Pano? Alis nako?" Habang mabagal na naglalakad papalayo "Maaga pa tayo bukas." Sabi ni Dom, at tuluyan na nga siyang umalis.

False PerceptionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon