Chapter 4

560 40 20
                                    

(A/N: This update is purely TAGALOG.)

Hindi maka paniwalang tinignan ko ang likuran nito habang naglalakad palayo sa'kin. Hindi ko parin ma proseso and mga nangyari. Ngunit isang tanong lang ang tumatakbo sa'king isipan, Bakit? Bakit siya mubalik? Akala ko ba Klaro ang lahat ng pinag-usapan namin? Sumang-ayon siya sa sinabi ko, pinakiggan niya ang hiling ko. Pero bakit ganito? Bakit siya bumalik?

Akala ko kanina, hihimatayin na'ko. Akala ko kanina ng nilapitan niya ako, sasaktan niya ako. Katulad ng ginagawa niya dati...katulad ng ginawa niya sa'kin nung gabing sinabi ko sakanya na aalis na'ko sa pamamahay niya.

(Flashback)

"A-Alex..." nanginginig kong sabi sakanya. Hindi ko alam kung tama ba ang gagawin ko. Pero hindi ko na kasi kaya. Masyado ng masakit. Hindi pala masyado, Sobra. Sobrang sakit na, na parang gusto ko na lang mag pakamatay. Oo, mas pipiliin kong mag pakamatay kaysa makasama itong demonyo na'to.

"What?!" galit na sagot neto, napatalon naman ako sa gulat. Kahit na parati niya akong sinisigawan o sinasaktan. Hindi ko parin kayang sanayin yung sarili ko sa ganito. At wala akong balak na isanay ang sarili ko.

"H-Hmmm.. a-anu kasi..ahh—"

"Anu?!" inis na sabi neto, pero hindi parin inaalis yung tingin niya sa TV.

"H-Hmm.. K-Kasi—"

"Dammit it Alley! Wala akong panahon sa kaartehan mo." Putol niya sakin habang tinitignan ako, parang nagliliyab ang mga mata niya. Hindi ko naman napigilan ang hindi matakot, kapag kasi ganito ang itsura niya galit na siya. At ayokong magalit siya, pero kailangan ko 'tong sabihin.

"Aalis na ko sa bahay mo." Diretsong sabi ko. Salamat sa Diyos dahil hindi ako paputol-putol habang sinabi ko 'yun. Ngunit nawala naman ang pag-gaan ng dibdib ko ng bigla siyang tumayo at naglakad papunta sa'kin. Hinawakan niya ang baba ko ng mahigpit at idiniin ako sa pader.

"You will never leave this house." Sabi niya at tinulak ako ng marahas. Napahiga ako sa sahig. Ramdam ko naman ang sakit ng katawan ko dahil sa pagtulak niya sa'kin. Agad akong tumayo at hinabol siya.

"Pero Alex ayoko ko na. Pakawalan mo na'ko. Sige na naman. Hindi pa ba sapat ang mga taon pina mukha mo sa'kin na isa akon—"

"Pag sinabi kong wag kang umalis. HINDI KA AALIS!" sigaw niya sa'kin.

"Pero ayoko ko na! Parang awa mo na! Ayoko ko na alex..ayoko ko na.." sabi ko sakanya. Ramdam ko naman na nanggigilid ang mga luha sa'king mata. Humarap siya sa'kin at tinignan ako. "Please Alex.. pakawalan mo na'ko.." hindi ko napigilan ang mga tubig sa'king mata, yumuko na lamang ako para hindi niya makita ang mukha ko. Hinayaan ko na lamang silang umagos sa'king mukha.

"Pakakawalan kita.." nag angat agad ako ng tingin sakanya. "Sa isang kondisyon.." nag tatakang tinignan ko siya. "Makipagtalik ka sa'kin." Gulat na tinignan ko siya. Kahit na sa isang bahay kami nakatira, kailanman ay hindi kami nagtalik.

"A-Anu?" hindi maka paniwalang tanong ko sakanya.

"Bakit? Ayaw mo? Okay lang naman—"

"Bakit mo naman gagawin sa'kin yun?" hindi maka paniwalang tanong ko sakanya.

"Kasi gusto ko." Sabi neto.

"P-pero.."

"Pumili ka na lang Alley. Ang paglaya mo o ang pagiging bilanggo mo?"

(End of Flashback)

Naramdaman ko ulit yung sakit. Hindi ko inakalang ganong tao si Alex. Ang laki ng tiwala ko sa kanya, pero nawala lahat ng iyon nang kinuha niya sa'kin ang isang bagay na pinaka iniingatan ko. Bigla na lamang tumulo ang luha galing sa'king mga mata. Ngunit agad ko 'tong pinahiran.

Hindi na ako yung dating Alley na nakilala mo Alex. Magiging matatag ako. Ipapa mukha ko sa'yo ngayon na hindi ako ang dating kasambahay mo.

Unforgettable(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon