Chapter 7

496 31 13
                                    

Diretso lang ang lakad ko papunta sa pinto ng Apartment ko. Nang mabuksan ko na ang pinto, agad na akong pumasok. Ngunit napatigil ako ng bigla niyang hawakan ang braso ko, "Alley..." saad niya.

Agad ko siyang hinarap at binawi ang braso ko, "Wag mo kong hawakan!" sigaw ko. Napayuko ito. "Anung ginagawa mo dito? At paano mo nalaman na dito ako nakatira? At bakit ka may Cellphone number ko?" tanong ko. Tinignan niya lamang ako, at biglang yumuko ulit. Bigla naman akong nakaramdam ng inis. Bakit ka ba ganyan Alex? Ang hirap hirap mong intindihin.

"I'm..Hmm..I-I'm.." mukhang meron siyang sasabihin pero hindi niya masabi. Nag hintay ako ng ilang Segundo.

"Umalis ka na lang Alex." Sabi ko at akmang isasara na ang pinto ng bigla niya itong harangin gamit ang kanyang kamay.

"Alley can we t-talk?" he asked.

"Tunggol saan?" tanong ko.

"About the past." Sabi niya.

Biglang nag-init ang ulo ko. "Why would you even want to talk about that? Kinalimutan ko na ang lahat na nangyari noon Alex. Kaya please. Wag mo na akong guluhin, dahil yun naman ang napag-usapan natin diba?" sabi ko.

"No Alley. We need to talk about something." He insists.

"No." sabi ko ulit at marahang tinanggal ang kamay neto na naka harang.

"Alley just let me explain!" sigaw niya. Tinignan ko naman siya ng masama. Siya pa ang may ganang magalit ngayon? Siya ang may kasalanan, hindi ako.

"At ikaw pa ang galit?! Pwede ba Alex, sawang-sawa na'ko sa'yo. Kaya please, umalis kana." Sabi ko at isasara na ang pinto nang bigla siyang nag salita.

"Bakit? Pupunta pa ba dito yung lalake mo?" galit na sabi niya. Now he's mad. Why would he? I should be the one getting mad here, not him.

I unbelievably look at him, "anung pinag sasabi mo Alex? Wala akong lalake. Kaya kung pwede umalis kana. Mag papahinga na'ko." Saad ko.

"Bakit? Pinagod ka ba niya? Ha? Yun ba yung nag papaaral sa'yo?" he said. Nagtatakang tinignan ko siya. "Yung nag hatid sayo, siya ba yung bago mo?" sabi niya.

Kumirot naman agad ang puso ko sa narinig ko. Nangilid agad ang luha ko. Si Nathan, Alex? Si Nathan ang bago ko? Kung alam mo lang Alex..kung alam mo lang..

"Can you please stop acting as if you know everything that is going on in my life? Hindi kana parte ng buhay ko ngayon, Alex." Sabi ko. Kahit na ang bigat bigat na nang nadarama ko, kailangan ko paring lumaban. Hindi ako pwedeng mag patalo lang.

"Yeah? But guess what? I'm still part of your past, deal with it." Saad niya. Tama nga ako, hindi ka pa nga nagbago. Hindi kana talaga mag babago, Alex.

Humugot ako nang hininga, "Aalis ka o tatawag ako ng guard?" I said to him. Hindi siya natinig. Tinignan niya lamang ako, at sa mga tingin niya ay mas lalo akong nagagalit sa sarili ko. Bakit hindi kita kayang kalimutan Alex? Bakit hindi ko kayang magalit sa'yo? Bakit hindi kita kayang alisin sa puso ko? Kahit na paulit-ulit mo itong dinudurog at sinasaktan, bakit ikaw parin ang sigaw ne'to?

Humakbang siya paatras, "Aalis na'ko. Baka maka-isturbo ako sa trabaho mo." Saad niya at umalis. Agad kong sinara ang pinto at napasandal dito. Tama na ang mga salitang binitawan niya upang tumulo ang luha ko.

Ang sakit. Ang sakit sakit na, Alex.

*********

Nakahiga ako ngayon sa kama ko. Alas dose na pero hindi parin ako dinadalaw nang antok. Paulit ulit na lamang bumabalik sa'kin ang mga mararahas na salita ni Alex kanina sa'kin. Hindi ko maintindihan kung bakit ganun ang tingin niya sa'kin. Sa tuwing sasabihan niya ako ng masasakit na salita parang tinutusok ang puso ko. Sa hindi malaman na dahilan, biglang naging ganun ang pag trato niya sa'kin noon. Paulit-ulit kong tinatanong ang sarili ko kung, bakit? Bakit siya naging ganun? Bakit bigla siyang nagbago?

Unforgettable(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon