"P-Paano?" nauutal na tanong ni Nathan.
"Pinaimbestigahan ko siya like months ago. Nahirapan ang nag imbestiga kasi ang buong akala namin ay buhay pa siya. Pero laking gulat ko ng sinabi sakin na matagal na itong patay." sabi ko. Hindi pa rin nawawala ang pag ka gulat ni Nathan.
"Paano?" ulit niyang tanong.
"Ang sabi sakin nag suicide daw ito after niyang patayin si mama." sabi ko.
Tinignan ko naman si Nathan. Alam kong hindi pa masyadong nag ssink-in sa utak niya ang mga sinabi ko. I can't blame him. Kahit ako, hindi pa rin ako makapaniwala.
"I'm sorry Al." sabi ni Nathan. Nag tataka ko naman siyang tinignan. "Im sorry kasi dahil sa ama ko, nag hirap ang mama mo. Dahil sa ama ko, nabalot ng takot at sakit ang puso mo." sabi ni Nathan.
Hindi ko naman kayang sabihin kay Nathan na hindi totoo ang sinabi niya. Totoo naman kasi ang kanyang sinabi.
Isa si Fernando sa mga rason kung bakit nahirapan akong mag tiwala. Kung bakit nabalot ng takot, sakit, at pag kamuhi ang puso ko. Pero, hindi lang naman siya ang rason. Meron pang iba.
"Hindi ko alam kung bakit ako humihinge ng tawad, pero meron kasing nag sasabi sakin na hingi-an ko ng tawad ang mga taong nasaktan ng ama ko, after all, ama ko pa din naman siya. Masakit ang ginawa niya sakin, pero hindi naman nawala ang pag mamahal ko para sa kanya. Hindi ko man masabi na mabuting ama siya, pero parti siya ng pag ka tao ko. Wala ako sa mundong 'to kung hindi dahil sa kanya." sabi ni Nathan.
I smiled. "Mabuti kang tao Nate. Napaka busilak ng puso mo." sabi ko, nginitian niya naman ako.
"Hmm Al? Gusto ko sanang malaman kung saan siya nakalibing." sabi ni Nathan.
Tinignan ko naman siya, "Sigurado kaba?" saad ko. Tumango ito. Agad ko namang tinawagan ang imbestigador na hinire ko. Sinabi ko ang gusto kong malaman, at agad niya naman iyung binigay sakin.
"But nate, how about Lau?" I asked.
"I will tell her everything. Ayokong nag tatago sa kanya" he said na naka pag pangiti sakin. Masasabi ko na nasa tamang kamay si Lauren. I am very happy na nakita niya na ang taong para sa kanya. Ang taong mag papasaya sa kanya.
Nag lakad naman kami Nathan palabas ng Garden. Nakita namin si Lau na nasa parking lot na ng school. Agad naman siyang pinuntahan ni Nathan at hinalikan sa pisnge.
"Is everything okay?" she asked.
"It is now." I said na naka pag bigay naman ng ngiti sa kanya.
"But I have to tell you something love." Nathan said. Aba, may tawagan na agad sila. Kanina lang naman naging sila diba? Nakita ko naman na namula ang pisnge ni Lau. Kinikilig ang beatfriend ko.
"Anu yun?" she asked.
"Sa biyahe na lang. We have to go somewhere" Nathan said. Tumango naman si Lau.
Sumakay na kami sa kotse. Nasa likod ako. Habang kinikwento ni Nathan ang lahat na pinag usapan namin kanina, ay di ko mapigilan na di siya isipin.
Kamusta na kaya yun?
=========
Tinignan ko naman ang lapidang nasa harap ko.
Fernando Roman
Hindi ko mapigilang hindi isipin ang mga nangyari noon. Marami akong tanong sa kanya.
Bakit niya nagawa yun sa mama ko?
Bakit niya nagawa yun sa Anak niya?
Bakit niya nagawang saktan ang asawa niya?
Bakit niya nagagawang saktan ang mga taong nag mamahal sa kanya?
Sapat ba na dahilan ang pagiging Baliw para gawin ang lahat ng yun? Diba, kahit Baliw ay nakakaramdam din?
Napahinga ako ng malalim. Sana pag dating ng panahon, mapatawad kita. Kasi ayoko na ng ganitong pakiramdam. Ayoko ng ibalot ang puso ko sa takot at sa sakit. Ayoko na. Pagod na pagod na ako.
"Hussh love..." papatahan naman ni Lau kay Nathan.
He is crying again.
I can't blame him. Kahit naman pag balik baliktarin mo ang mundo, ay ama niya pa rin si Fernando.
Alam kong masakit kay Nathan ang mawalan ng Nanay. But just imagine losing both of your parents. Alam kong masakit yun. Dahil yun yung nararamdaman ko.
Hinayaan lang namin si Nathan na umiyak. Nang tumahan ito napag naisipan na naming umuwi. Dumidilim naman na kasi.
"Kain na muna tayo?" tanong ni Lau samin.
"Pwede din" sabi ni Nathan. "Sama ka Al." sabi ni Nathan sakin.
"Syempre naman nu. Madaming utang na kwento sakin yang si Lau" saad ko.
Tumawa naman sila ng bahagya "Oo na po" sabi ni Lau.
=========
"Thank you guys, sa dinner at sa pag hatid." sabi ko sa kanila. Andito na kami sa tapat ng building ng apartment ko.
"Anytime Al." saad ni Nathan.
"Sige na. Umuwi na kayo. I mean, iuwi mo na si Lau. " natatawang sabi ko, tumawa naman sila. "Sige na. Bye!" sabi ko. BumaBye naman sila at umalis na.
Nag lalakad na ako papunta sa apartment ko ng may nakita akong pamilyar na tao.
I can't believe this.
"A-Alex?" Di makapaniwalang sabi ko.
BINABASA MO ANG
Unforgettable(COMPLETED)
RomanceWhy is it so hard to forget something so painful? (RED HEART SERIES) [UNEDITED]