Chapter 11

389 20 10
                                    

I blink my eyes for the 5th time. Is this true? Is Alex really standing in front of my apartment? Napahinto ako sa pag tingin sakanya ng bigla akong nakaramdam nang sakit galing sa'king ulo, agad ko itong hinawakan gamit ng kamay ko. Napaatras naman ako ng kaunti at napasandal sa pader na sa gilid, nang mas lalo itong sumakit.

Bigla naman akong nakaramdam ng mga kamay na humawak sa magkabilang braso ko. Sa amoy pa lang ng kanyang pabango, ay agad ko na siyang nakilala. Totoo nga. Nandito nga siya. Bakit siya nandito? "Are you drunk?" tanong ne'to, na parang nag-aalala. Wait, anu? Nag-aalala siya sa'kin? Hindi. Hindi totoo 'yan Alley...

"Wag mo 'kong hawakan!" sabi ko at tinaboy ang kanyang mga kamay. Nag lakad ako patungo sa pinto ng apartment ko. Ginawa ko ang makakaya ko para makuha ko ang susi sa'king Pouch, ngunit pilitin ko man hindi na talaga kaya nang katawan ko dahil hindi na klaro ang paningin ko. Naramdaman ko naman ang pag sunod ne'to sa'kin at pagtingin. Tinignan ko ito ng masama, "A-Anu bang g-ginagawa mo d-dito?! Umalish kana nga!" sabi ko. Lasing na ata ako, dahil miske ako hindi ko maintindihan ang mga sinasabi ko. Hindi. Hindi ako lasing, hindi ko kailangan nang tulong ng lalakeng 'to.

Bigla niyang kinuha ang Pouch ko. Nagulat naman ako nang kinuha niya ang susi ng apartment ko. "A-Anung ginagawa mo?!" tanong ko. Ngunit hindi niya lang ako pinansin at patuloy lang ito sa pag bukas ng apartment ko. Nang tuluyan niya na itong mabuksan, agad kong kinuha ang susi at ang Pouch ko sakanyang mga kamay. "A-Akin na nga! Diba sabi kong u-umalish kana?!" sigaw ko. Maglalakad na sana ako ngunit na tapilok ako. Ba't ba ang taas taas ne'tong heels ko?! Ngunit mas nagulat ako ng na-realize ko na mag kadikit ang aming mga katawan. Sinalo niya ko? Agad akong tumayo at hinarap siya, "Ang tigash-tigash talaga ng ulo mo! Sabing umalish kana eh!" sigaw ko ulit.

Ngunit nagulat ako ng bigla niya akonbinuhat na  parang bridal style, "A-Anung ginagawa mo?! Ibaba mo ko!" sigaw ko at nag pumiglas.

"Tsk. Still stubborn as always. Wag kang magulo Alley." Sabi niya. Tumigil naman ako nang mapagod na'ko sa pag p-pumiglas sa kanyang mga braso. Inaantok na'ko.. gusto ko nang matulog..Hanggang sa maramdaman ko ang malambot kong higaan. "Now sleep.. sleep well my love." Rinig kong sabi niya at tumayo na, ngunit tinignan niya lamang ako na parang binabantayan. Sleep well my love? Tama ba ang narinig ko? Hindi. Hindi totoo ang narinig mo Alley, dahil nanggaling ito sa sinungaling na tao. Wag ka ng maniwala sakanya.

Hindi ko alam ngunit bigla ako nakaramdam ng sakit. Bigla na lamang bumalik mga alaala..ang alaala na pilit kong kinakalimutan...

"Minahal kita Alex.. ngunit anung ginawa mo? Sinayang mo lang ang pagmamahal na inalay ko.." sabi ko at tuluyan ng pinikit ang aking mga mata.



*********

Nagising ako na masakit ang ulo. Teka, anung nangyari kagabi? Pinikit ko ang aking mata, pilit na inaalala ang nangyari kagabi. Oo nga pala, nag party pala kami nila Khacy at Lauren. At nalasing ako dahil sa dami nang ininom kong Alcohol, na akala ko ay juice. Umupo ako at tinignan ang palagid ko. Nakahinga naman ako ng maluwag nang makitang nasa kwarto ko, ako ngayon.

Nagulat naman ako ng biglang bumukas ang pinto at bumungad sa'kin ay si.....Alex. Alex? Anung ginagawa niya dito? At pano siya naka pasok? T-Teka.. may nangyari ba kagabi sa'min?! Tinignan ko ang katawan ko sa ilalim nang comforter. Nakahinga naman ako ng maluwag nang nakitang naka shorts at t-shirt ako. T-Teka..SINONG NAG BIHIS SA'KIN KAGABI?!

"Okay, I know you're a bit shock to see me in your apartment, specifically in your room. But yo—"

"WHAT THE HELL ARE YOU DOING HERE?!" sigaw ko at mas tinago ang katawan ko sa comforter. Shit. Did he really change my clothes? Pakiramdam ko iiyak ako. My goodness! Naiiyak na'ko! Nakakahiya!

Unforgettable(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon