Friday ngayon at masaya ako dahil makaka pag pahinga ako nang mas matagal mamaya. Civilian day rin namin ngayon. I just wear simple loose shirt, black skinny jeans, and a pair of my favorite shoes, converse. Kinuha ko ang bag ko at agad na lumabas ng apartment ko.
Nang nakarating na ako sa School, dumiretso ako sa library. Naghanap muna ako ng librong mababasa, nang nakahanap na'ko. Pumunta agad ako sa isang table na vacant. Umupo ako dun at nag simula ng magbasa. Kung hindi sa Garden ng School, dito ako nag papalipas ng oras.
I texted Lauren if she's already here. Pero hindi ito sumagot. I'm sure, tulog pa 'yun. Ti-next ko rin si Khacy kung andito na siya, sabi niya naman hindi pa. Dahil stuck siya sa pagpili ng susuotin niya. Napatawa naman ako at sinabing pumili na lang siya sa mga pinamili namin kahapon, at sabi naman niya, hindi nga siya maka pag-decide kasi ang dami niyang pag pipilian.
Nagbasa na lang ako ng libro. Maya-maya, chineck ko ang time. Almost 1 hour na pala akong nagbabasa. Ang ganda kasi, parang ayaw mong huminto sa pagbasa. it's about a girl na nagmahal sa isang taong hindi pa nakaka move on sa past niya. Gustong-gusto kong tapusin ang pagbabasa para malaman kung anu ba talaga ang nangyari sa lalake. Pero kailangan ko nang umalis dahil mag sisimula na ang klase ko.
Binalik ko na ang libro sa kung saan ko ito kinuha. At agad akong lumabas at dumiretso na sa Classroom namin. Umupo na ako sa silya ko, at hinintay ang aming guro. Maya-maya nakita ko si Khacy na papunta na sa direksyon ko. Nang nakarating na ito, agad siyang umupo sa tabi ko. At tinignan ako na parang maiiyak, "Oh my. I know, Al. I look terrible." Sabi niya.
Tinignan ko naman ang suot niya, at nagtaka. Okay lang naman ang suot niya ah? Isa itong simpleng dress. Lace design yung top niya na color white, meron pa itong belt sa gitna. "It's not terrible Khacy. You look beautiful." I honestly said.
"Really?" tanong niya. Tumango ako at binigyan siya ng ngiti. Nginitian niya naman ako pabalik. "Wait, bakit ni-isa sa mga binili ko sa'yo, eh hindi mo man lang sinuot?" she asked.
"Ang formal naman lahat ng 'yun. 'Tsaka uuwi naman agad ako after ng class." Sabi ko. Totoo naman. Ang formal nang mga 'yun, ni-reserve ko 'yun na suotin para sa mga special occasion lang.
BINABASA MO ANG
Unforgettable(COMPLETED)
RomanceWhy is it so hard to forget something so painful? (RED HEART SERIES) [UNEDITED]