Nakaupo kami ngayon sa sofa ditto sa sala. Nag lagay ulit si Alex ng isa pang movie pagka tapos naming kumain ng Cupcakes. Kanina pa kami ditto at ramdam ko naman na sobrang tutok na tutok siya sa pinapanuod niya. Oo, siya lang. Kasi imbes na sa TV ko itutok yung attensyon ko, di ko mapigilan tumingin sa oras na katabi lang ng TV. It's already 2:47 am, tapos yung flight ni Alex 5:00 am. Alam ko kailangan niya ng umalis by 3:00 kasi uuwi pa siya at kukunin yung mga gamit niya at pupunta na sa Airport. Bigla naman tuloy ako nakaramdam ng lungkot. Bakit ba palaging malungkot yung alaala ko sayo Alex? Bilang ko lang yung masasayang Alaala ko sayo.
"Hala! Bakit ganun? Bakit namatay si Captain Barbossa?" natigil ang pag iisip ko ng nag salita si Alex. Nanonod kasi kami ng Pirates of the Caribbean yung Dead Men Tell No Tales. "Bayan. Di man lang nakapiling ng matagal ni Carina yung Papa niya." Reklamo niya pa.
Napangiti naman ako dahil naalala ko na ganitong ganito si Alex noon. Dinaramdam niya talaga yung mga movies na napapanood niya. Lalo na yung pag may namamatay, ayaw na ayaw niya nun. Naalala ko pa na medyo naiyak siya nung nanood kami ng Titanic. Kahit nag rereklamo siya na puro Love Stories yung mga movies ko, pero pag pinilit ko siyang manood, manonood din naman yan. At siya pa yung unang naiiyak saming dalawa.
"Why are you smiling?" nabaling naman ang attensyon ko ng kinausap ako ni Alex. Umiling na lamang ako at tumingin sa TV. "Asus. Nakita kitang nakangiti eh." Sabi pa niya ulit.
"Anu ba ang gagawin mo pag na mmiss mo yung taong namatay na?" tanong ko.
"Dalawin sa sementeryo." Casual niyang sagot.
"Anu pa?" tanong ko ulit.
"Hmm.. Anu paba?" tanong niya.
"Alalahanin mo yung mga masasayang alaala mo na kasama siya." Sabi ko.
"Eh mas lalo mo lang siyang ma mmiss." Sabi niya naman at tumingin sa TV. "Mas mabuti na lang na dalawin mo siya sa sementeryo. Tas bigyan mo ng bulalak. Natuwa na siya, di kappa mumultohin." Sabi niya.
Natawa naman ako. Siraulo talaga to, kahit kalian. "Pero pag inalala mo yung masasayang alaala niyo. Diba ngingiti ka? Diba sasaya ka? Kahit sandal lang parang nakasama mo na din siya." Sabi ko ng seryoso. Tumingin naman siya sakin ng seryoso, and God knows kung gaano ko gusting pigilan ang sarili ko na hindi tumingin sa mga mata niya. Pero hindi. Sobrang napaka ganda neto na kahit sarili ko, di ko napigilan.
"Paano naman pag na mmiss mo yung taong buhay?" seryosong tanong niya habang nakatingin pa din sa mga mata ko.
"P-Paano.." nauutal na sabi ko. Bakit ba ako nauutal? Kasalanan mo to Alex eh. Kasalanan ng mga mata mo, ng mga titig mo, ng labi mo, basta, kasalanan mo to.
"Babalikan mo siya." Sabi niya. Di ko alam pero biglang bumilis ang tibok ng puso ko. Teka, kanina pa pala mabilis ang tibok neto, mas lalo lang bumilis ng sinabi niya iyun. Gusto kong mag salita. Gusto ko siyang tanungin kung anung ibig sabihin niya. Pero wala. Walang mag lumalabas saking bibig. "Hintayin mo ako Al. I promise. I will make it up to you. I will prove to you na nag bago na ako. I will prove to you that I am worthy of your love. Please Alley, promise me you'll wait for me." Sabi niya na ikinagulat ko.
Worthy Of my love? Hindi ko alam kung anu ang sasabihin ko. Wala akong masabi. Ang dami kong gusting itanong, pero wala. Walang may lumalabas.
"I know na nabigla ka sa mga sinabi ko. Hinid naman kita minamadali Al. My intention is only to let you know about my feelings towards you. At sana sa pag balik ko, pwede mo na akong bigyan ng pagkakataon para ipakita sayo kung gaano kita ka mahal."
Sapat na yung mga sinabi niya para malaman ko ang dinaramdam niya. Mahal ako ni Alex. Gustong gusto ko siyang yakapin ngayon. Pero hindi. Hindi pwede. Hindi pa pwede. Masyado pang malalim yung sugat ko para mag mahal at mag tiwala ulit. Oo mahal ko si Alex. Hindi naman nawala yun eh. Pero kailangan ko munang mahalin yung sarili ko bago iba.
"It's okay Al. Kahit sa pag balik ko at hindi ka pa rin handa. I will still wait for you. Pero sana Al, bigyan mo ako ng pag kakataong mag paliwanag, at maka pag-usap tayo tungkol sa mga nangyari noon." Sabi niya. Hindi naman ako umimik. Iniwas ko na lamang ang mga tingin ko sakanya. Sana din Alex, sa pag balik mo handa na akong pag usapan yung nakaraan. Kasi hanggang ngayon, sobrang nasasaktan pa rin ako sa mga nangyari noon.
Tumayo siya at tinignan ako, "I have to go Al. Alam ko wala akong karapatan but please, take care of yourself." Sabi niya bago umalis.
Hindi ko alam kung paano ko ipproseso ang mga sinabi ni Alex sakin. He just told me that he Love me and he will wait for me. Hindi ko alam ang mararamdaman ko. Siguro mas mabuting wag ko na lang munang isipin. Mag ffocus na lang muna ako sa pag-aaral ko.
*********
Isang linggo na ang nakalipas nung pumunta si Alex sa States. Hindi ko naman maitatago na nammiss ko siya. Hindi ko alam kung parusa bas akin to dahil hindi ko siya hinayaang mag paliwanag nung mga pag kakataong gusto niya akong kausapin. Pero hindi ko na lang iniisip iyun kasi hindi naman makakatulong sakin yun, lalo na sa pag aaral ko.
Andito ako ngayon sa Garden ng school. Nakaupo lang, nagbabasa ng libro, at nag hihintay ng susunod ko na class. Hindi ko nakita si Khacey kaninang umaga, baka absent yun. Si Lauren naman mukhang busy kasi di ako tinetext o tinatawagan man lang. Kahapon tumawag ako pero not reachable, mukhang busy talaga yung bestfriend kong yun.
Nakaramdam naman ako ng gutom. Hindi pala ako nakakain ng breakfast kanina. Medyo late na din ako nagising kaya di na ako nakakain. Ewan ko ba. Simula nung umalis si Alex. Parang di ako nakakatulog ng maayos. Palagi ko siyang iniisip. Nag-aalala ako na baka hindi pa siya naka kain dun, tsaka yung sa mama niya din. Baka nahihirapan na siya dun.
*kringk king*
Napatigil naman ang pag iisip ko ng biglang nag ring yung phone ko. Kinuha ko iyun at agad na tinignan kung sino. Nung nakita ko kung sino ang tumatawag agad ko itong siangot.
"Hello? May balita naba?" Bungad ko.
"Yes Ms. Cruz. Nahanap na po naman ang Step Father niyo"
BINABASA MO ANG
Unforgettable(COMPLETED)
RomanceWhy is it so hard to forget something so painful? (RED HEART SERIES) [UNEDITED]