Chapter 27

320 16 0
                                    

Hindi ko na alam kung paano ako nakadating dito sa hospital. Basta bigla akong na istatwa kanina, at wala pang isang minuto ay agad na lumapit si Lauren sakin. Siya ang kumausap kay Khacy, at mabilis kaming pumunta sa hospital.

Nandito kami sa harap ng emergency room. Napaka tagal. Bakit napaka tagal. Nakailang subok na ako na lumapit at buksan ang pintuan ng ER, para puntahan si Alex. Pero lagi din ako pinipigilan ni Lauren.

Hindi ko na alam talaga ang gagawin ko. Feeling ko kada lipas ng mga minuto ay ganun din ang pag biyak ng puso ko. Nandito din si Khacy kanina, pero kinailangan niyang umalis kasi may susunduin pa daw ito.

"Love.." napatingin kami sa bagong dating na si Nathan. Agad siyang niyakap ni Lauren. Pag kawala nila sa yakap ay agad na umupo sa tabi ko si Nathan, at sa isang tabi ko naman ay umupo si Lauren. Nasa gitna nila akong dalawa. Pero hindi pa din ako nakatingin sa kanila.

Nasa pintuan lang ako ng ER nakatingin. Baka biglang lumabas ang doctor, at baka hanapin ako ni Alex. Hindi pwedeng di ako mag hintay, sigurado akong hahanapin niya ako.

"Al.." mahinahon na sambit ni Nathan. Hindi ko siya tinignan ko. Hindi ko na alam ang gagawin ko sa totoo lang. Sobrang daming pwedeng mangyari, at hindi ko alam ang gagawin ko pag nawala si Alex sakin.

"Al, please. Talk to us." sabi ni Lauren. Kaya agad akong tumingin sa kanya. At nakita ko nanaman ang tingin na ayaw na ayaw kong makita. Pity. She pity me.

Sa hindi malaman na dahilan, bigla ako nakaramdam ng galit. Bakit? Bakit nila ako kinakaawaan? Hindi naman nawala si Alex. Hindi siya mawawala.

"Stop that look, Lau. Hindi mamamatay si Alex." I said.

"Masyadong malala ang nangyaring aksidente, Al. Hindi ko sinasabi na mamamatay si Alex. Ang sinasabi ko lang ay ihanda mo ang sarili mo." Lauren said.

"No! Pate ba naman si Alex mawawala sakin? Grabe naman ata kung mangyayari yun. Hindi ko kaya.. Hindi ko kakayanin" I said. Para na akong baliw. Alam kong may sense yung sinabi ni Lauren. Pero kasi... Kakasimula pa lang namin... Kakabalik lang namin.. Hindi ko kayang di ko makasama si Alex. Mahal na mahal ko siya.

"Alley please..." lauren said. Then a tear fell from her eyes. "Please Al.. Ayokong masaktan ka ulit. Ayokong makita kang umiiyak." she said.

I know. Alam kong mahal na mahal ako ni Lauren. Pero mahal na mahal ko si Alex. Alam kong di niya ako iiwan.

"I love Alex." sagot ko.

Alam kong 50/50 yung buhay ni Alex. Alam kong sobrang lala ng pag kaka aksidente niya. Khacy told me, na pauwi na si Alex from the university. Pero sa hindi malaman na rason, biglang nawalan ng prino ang sasakyan ni Alex. At hindi na siya naka prino nung nag stop light na. Na bangga ang kotse niya ng isang malaking truck. To the point na parang isang laruan na lamang ang sinasakyan ni Alex, dahil sa pag kakagupi neto. Masyadong mabilis ang pag mamaneho ng truck, na hindi siya agad naka break ng nabangga niya ang sasakyan ni Alex.

"Al" napatingin ako kay khacy na kakadating lang. May kasama itong matandang lalake. "Tito, this is Alley." sabi ni Khacy.

Tumingin naman ang matandang lalake sakin at binigyan ako ng isang malungkot na ngiti. "I heared a lot about you." he said. Nagtaka naman ako. "He will be okay. My son will be okay.." he said.

Nawala agad ang mga tanong ko. Ito pala ang papa ni Alex. Nakaka intimated ang precensya niya. Dito din siguro namana ni Alex ang pagiging seryoso. Napaka seryoso kasi ng mukha. Hindi sila mag ka mukha. Sigurado ako na kay mama niya siya nag mana.

Bigla akong napatingin sa kakalabas lang na doctor. Agad akong tumayo, "Doc, kamusta po siya?" tanong ko.

"The patient is out of danger, however he is in coma. Masyadong malala ang pag kaka aksidente niya at ang impact ng pag kaka bangga ng truck. We need to monitor him. Mabuti na lang agad niyo siyang nadala sa hospital." He explained.

Coma...

Comatose si Alex. Hindi ko alam pero nag papa salamat pa din ako sa Panginoon dahil andito pa din si Alex. Hindi niya ako iniwan. Babalik naman siya e. Sigurado akong babalik siya...

=========
It's been 5 days. Ganun pa din. Hindi pa din gising si Alex.

Nakatingin lang ako sa ceiling ng kwarto ko. Nasa apartment ako ngayon, pinauwi ako ng daddy ni Alex para naman daw maka pag pahinga ako. Ayoko sana pero pinilit niya ako, at siya naman na daw ang mag babantay.

Miss na miss ko na si Alex. Kagabi na iyak nanaman ako pag pasok ko sa apartment, nasanay kasi akong may Alex na nag hihintay sakin. May Alex na nangungulit. May Alex na di ako tinitigilan kung di ko sinasabi na Mahal ko siya.

I miss him so much. Gustong gusto ko na siyang makausap. Gustong gusto ko ng marinig yung boses niya. Gustong gusto ko ng maramdaman ang yakap niya, and God knows how much I want to hear him say he loves me.

Hindi ko na napigilan ang umiyak muli. Akala ko wala na akong luhang mailalabas, pero madami pa pala. Meron pa pala.

Inalala ko yung mga araw bago na aksidente si Alex. Sobra ko siyang sinungitan, but he never fails to say that he loves me every single day. Hindi niya ako pinapatulan, lalo na pag sobrang naiinis na ako sa kanya. He would just be still and tell me, countless times, how much he loves me and that he will never leave me.

Please Alex. Be true to your words. Wag na wag mo kong iiwan...

Bigla akong napabangon at agad na pumunta sa CR ng makaramdam ako nang pagsusuka.

These past few days, nagiging weird na din ang pakiramdam ko. Nasusuka ako every morning, tas sobrang antukin ko na din. Pili na din ang mga kinakain ko, ewan ko ba. Noon hindi naman ako maarte sa pag kain, kung anu yung meron, yun na kakainin ko. Pero ngayong nag daang araw, napaka pihikan ko sa mga pag kain.

=========
"Tito, good morning po.." bati ko pag ka pasok ko sa kwarto ni Alex.

Umangat ito ng tingin sakin at ngumiti. "Naka pag pahinga kaba, hija??" tanong niya.

"Opo" I half smiled.

"Hija, nasabi ni Lauren sakin na palagi ka daw inaantok at nasusuka? Okay ka lang ba talaga?" He asked.

Medyo natuwa naman ako dahil sa concern ng Daddy ni Alex. "Opo. Okay na okay lang po ako." nakangiting sabi ko sa kanya.

"Pero mag pa check up ka kaya Hija, baka kung anu na yan.." nag-aalalang sabi niya.

"Wag na po, ok--" hindi ko na natuloy ang sasabihin ko dahil agad na nag salita si tito.

"Pag bukas na ganyan pa din ang pakiramdam mo, mag pa check kana hija. Ayoko lang na mag ka sakit ka. Ayaw ni Alex ng ganun, diba?" sabi niya. Tumango ako at ngumiti. Tama na nga si tito, hindi gusto ni Alex na pinapabayaan ko ang katawan ko. "Ma una na ako hija, kailangan ko pang pumunta sa university.." sabi niya.

"Opo tito, mag iingat po kayo" I said.

Alam na din nila na nag propose si Alex sakin. Khacy was so happy for me, as well as Nathan nung sinabi ko sa kanila. Ngumingiti lamang ang daddy ni Alex nung sinabi ko na engage na kami, dahil alam niya naman daw yun. Sobrang saya nila para samin ni Alex, lalong lalo na si Lauren.

Nang makaalis na si Tito ay agad akong lumapit kay Alex at inayos ang kumot niya. Hinawakan ko ang kamay niya at tinignan siya,

"Wag kang mag-alala, okay lang ako. Kaya gumising kana dyan para naman maka pag pahinga na ako ng mabuti.." sabi ko sabay tawa. "Ang panget mo pala pag naka pikit" natatawang sabi ko. Of course it was a lie. Kailan pa naging panget si Alex? Kahit anung gawin neto, gwapo pa din.

Napabuntog hininga na lang ako habang pinag mamasdan siya, "I miss you so much. I miss your voice. I miss your hugs. I miss your kiss. I-I miss y-you so m-much.." hindi ko nanaman napigilan ang luha ko.

I just miss Alex. I miss him so much.

Unforgettable(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon