Naglalakad ako sa hallway ng School. Masyado akong maaga sa pag gising kanina. Ewan ko ba. Mukhang nasanay na yung sarili ko na magising nang maaga. Kahit na wala akong masyadong tulog, dahil sa pag-iisip ng nangyari kagabi, maaga parin talaga ako nagigising.
Paikot-ikot lang ako dito, hindi ko alam kung saan pupunta. Hanggang sa nakita ko ang logo ng School namin. Bakit 'S'? Bakit 'S University' lang ang pangalan ne'tong iskwelahan na'to? Ngayon ko lang na-realize na hindi ko pa pala alam kung anung meaning nang 'S'. Napatigil ako sa pag-iisip ng biglang nag-ring yung phone ko. Agad ko naman itong kinuha mula sa bag ko, at tinignan kung sino ang tumatawag. Si lauren pala, agad ko naman itong sinagot.
"Hello, Lau?" bungad ko.
"Alley! Na m-miss na kita! Huhuhu. Ba't ba hindi kana nag papakita sa'kin ha? Mag katabi nga ang room natin, hindi naman kita makausap kasi umaalis ka agad. Nagtatampo ka parin ba sa'kin? Huhuhu. Sorry na, Al. Hindi ko naman sinasadya na mabanggit yun eh. Wah! Naiiyak na'ko, sorry na Alley!" sabi na parang naiiyak na talaga. Natawa naman ako, baliw talaga 'tong kaibigan ko.
"Ba't naman ako magtatampo? 'Tsaka wag ka nga diyan, na m-miss din kita! At, paano naman tayo magkikita eh palagi kang late sa mga classes mo." Saad ko, habang nag lalakad patungo sa garden ng School. Doon na muna ako tatambay, wala rin naman akong magawa.
"Ay basta! Dapat magkita tayo ngayon, sa ayaw man o sa gusto mo." Saad niya, tumawa na lang ako. "Nasa apartment mo parin kaba ngayon?" she asked.
"Nope. Andito na'ko sa school." Sabi ko at umupo na sa isang chair dito sa garden. Kaunti pa lang ang mga tao na nandito. Marami kasing pumunta dito, ang ganda kasi.
"Argh! Ba't ba ang aga-aga mong pumasok? 9:30 pa ang class mo." Sabi niya.
"Eh anu naman ang gagawin ko sa apartment ko? Tutunganga?" I asked.
"Whatever. Asan kaba ngayon? Magbibihis na lang ako." Sabi niya.
"Nasa garden ako ngayo—"
"Okay. Okay. I'll be there in a minute." Sabi niya at pinatay na ang tawag. Napatawa naman ako habang binabalik ang cellphone ko sa bag. Ang aga naman ata gumising ni Lauren ngayon?
Pagkalipas ng ilang minuto, dumating na siya. Malapit lang kasi ang bahay nila sa School namin. Agad siyang pumunta sa direksyon ko at umupo sa tabi ko. "Oh myy! I miss you!" she said and hug me. Ang higpit higpit ng yakap niya, na nagsasabing miss na miss niya nga talaga ako. Niyakap ko rin siya pabalik.
"I miss you too." Sabi ko. Kumalas siya sa yakap at tinignan ako.
"Now, tell me everything that I have been missing." She said. Sumilay ang isang pilyong ngiti, na nag pataka sa'kin.
"What's with the smile, Lau?" tanong ko.
"Wala lang. Bakit, masama na bang ngumiti ngayon?" sabi niya.
"Hindi naman." Saad ko.
"So anu na nga? Mag kwento kana!" sabi niya na parang excited.
Humugot ako ng malalim na hininga bago nagsalita, "Alex is back." Sabi ko. Bigla namang bumilog ang kanyang mga mata at napa nganga.
"What the? Wait.. totoo?" hindi maka paniwalang tanong niya.
"Yes." Sabi ko at tumingin sa ibang direksyon. "Nabigla nga din ako, pero paulit ulit siyang bumabalik sa apartment. Ang unang beses na pagkikita namin, ay dito sa school. Tapos sa apartment ko." Pag k-kwento ko sakanya.
"Sinaktan ka ba niya, Al?" nag-aalalang tanong niya. Bigla ko naman naalala ang nangyari noong isang gabi. Muntikan na niya ulit akong gahasain. Umiling na lang ako kay Lauren. "Napatawad mo na ba siya,Al?" tanong niya. Napatingin naman ako sakanya.
Napatawad ko na nga ba si Alex? Pagkatapos nang lahat na kanyang ginawa, kaya ko na nga ba siyang patawin? Kaya ko na bang kalimutan ang mga nangyari noon, at patawarin siya?
"Alam mo Alley, hindi mo pa mapapatawad ang isang tao kung ang mismong sarili mo, eh hindi mo kayang patawarin." She caress my back, "You should forgive yourself first,Al. Before forgiving other people. That's also one way to at least move on, from everything." She said and smile at me. Napangiti naman ako. Tama nga si Lauren. Dapat ko munang patawarin ang sarili ko, bago ko patawarin ang ibang tao.
Napaangat naman ang ulo naming dalawa, nang may biglang tumikham. Pag tingin ko, si Nathan. "Oh, Hi Nathan." Sabi ko at binigyan siya ng tipid na ngiti.
"Hi! Pwede bang maki-upo?" tanong niya. Tumango naman ako. "Wait, naistorbo ko ba ang pag-uusap niyo?" tanong niya.
"Hindi. Okay lang." saad ko, "Ay by the way, this is my Bestfriend, Lauren. Lau, this is Nathan." Sabi ko. Nathan offer his hand to Lauren. Napatingin naman ako kay Lauren na mukhang gulat na gulat.
"Hi, Lauren." Sabi ni Nathan. Mukhang hindi pa ata na proseso ni Lauren ang mga nangyayari, dahil nakatulala lang it okay Nathan. Siniko ko naman siya, na nag pabalik sa kanya sa kasalukuyan.
"Hmm.. H-Hi.." nahihiya niyang sabi. Teka, nahihiya? Hmmm.. I smell something fishy here..
Nagkwentuhan lang kami ni Nathan. Oo, kami lang ni Nathan dahil parang wala sa katinuan 'tong Bestfriend ko. Nahuhuli ko pang napapa sulyap kay Nathan. At minsan, nahuhuli ko ring sinusulyapan siya ni Nathan. Mukhang merong mag kaka-love life ah?
"Ahh. Guys, una na'ko ha." Paalam ko at tumayo na. Mukhang nagulat naman silang dalawa.
"S-Saan ka pupunta?" nauutal na tanong ng Bestfriend ko. Nginitian ko naman siya.
"May nakalimutan kasi akong Bilhin. Kaya una na'ko, okay? Bye Nathan and Lauren!" sigaw ko at nag madaling umalis.
Napangiti naman ako ng wala sa oras, habang nag lalakad. Mukhang mag kakakulay na ang lovelife ng Bestfriend ko. Teka, saan na ako ngayon pupunta?
BINABASA MO ANG
Unforgettable(COMPLETED)
RomanceWhy is it so hard to forget something so painful? (RED HEART SERIES) [UNEDITED]