Nagising ako ng makaramdam ako ng mga kamay na niyu-yugyog ako. Pag dilat ko ng mga mata ko, nakita ko agad si Mama na umiiyak. Napaupo agad ako ng wala sa oras.
"Bakit ma? Bakit ka umiiyak?" nag tatakang tanong ko. Pero hindi siya sumagot, umiyak lang siya ng umiyak. Nakaramdam tuloy ako ng kaba. "M-Mama? Bakit ka umiiyak?" tanong ko ulit. Bigla niyang kinulong ang mga pisnge ko sa mga palad niya.
"A-Alley listen to me carefully, you have to get out from this house. You have to save yourself. You have to run, anak. Just run.. never look back.. just run.." sabi niya. Hindi ko siya maintindihan. Bigla siyang tumayo at kinuha ang backpack ko, nilagyan niya ito ng mga damit ko. Nag tatakang tinignan ko siya habang ginagawa niya iyon.
"Ma what are you doing?" tanong ko, pero hindi parin niya ako sinagot. Napa bangon ako sa kama ko at pinuntahan siya. "Ma, anung nangyayari?" tanong ko ulit.
Humarap siya sa'kin at binigay niya ang backpack, "S-Sige na anak, umalis k-kana.." umiiyak na saad niya.
"M-Ma paano ka? H-Hindi ka ba sasama?" nauutal kong tanong, nangingilid na ang luha sa'king mata.
"Wala na tayong oras anak. Umalis kana!" sigaw niya. Pero hindi parin ako natinag. Tinignan ko lamang siya. "Umalis kana anak. Iligtas mo ang sarili mo. Sige na..." sabi niya at tumalikod na.
"M-Ma.." naiiyak kong sabi. Wala akong alam sa mga nagyayari, ngunit nararamdam ko na nasa panganib kami. Bigla siyang humarap at niyakap ako ng mahigpit. Sinuklian ko rin ito ng yakap. Nasa ganun lang kaming posisyon ng makarinig kami ng sasakyan papalapit sa bahay namin. Agad kumalas si mama sa yakap ko.
"Sige na anak! Dito ka dumaan sa bintana mo.Wala ng oras. Mag-iingat ka anak, mahal na mahal ka ni mama" sabi niya at hinalikan ako sa'king noo.
"M-Mahal na mahal ko din po kayo M-Mama.." at hindi ko na napigilan ang luha na kanina pang gusto makawala. Agad na akong umalis at dumaan sa bintana ng kwarto ko.
Takbo ako ng takbo sa madilim na gubat. Hindi ako lumingon sa bahay namin, takbo lang ako ng takbo. Hindi ko alam kung saan ako pupunta. Napatigil ako ng makarinig ako ng isang putok ng baril.
"WAG!" sigaw ko at napabangon ako sa kama ko. Isang panaginip. Isang napaka samang panaginip. Ramdam ko ang pawis sa'king mukha at ang luha sa'king pisnge. Napapikit ako at sumandal sa headboard ng kama ko. Shit. That dream again. That freakin' dream.
Akala ko okay na eh. Akala ko naka move-on nako. Pero hindi.. hindi.. hindi parin mawala sa'kin yang alaalang yun.
Tumayo na lamang ako at kumuha ng tubig sa Ref. Napatingin naman ako sa wall clock, it's 11:00 pm. Maaga kasi natapos yung class ko kanina, at hindi narin kami nagkita ni Lauren. Ti-next niya ko kung gusto ko ba daw sumama sa kanya na gumimik with her new friends, ang sabi ko naman ayaw ko at marami akong gagawin. Nag pumilit siya pero nanalo parin ako, sabi ko kasi gusto kung mag pahinga. Kaya ayun, um-oo na lang siya.
Babalik na sana ako sa kwarto ko ng biglang may nag doorbell. Nagtatakang tinignan ko lamang ang pintuan ng apartment ko, 'Really? Sa ganitong oras?' sabi ko naman sa sarili. Nag doorbell ulit yung tao sa labas. Bigla naman akong kinabahan, baka kung sino yung nandun. Nag doorbell ulit and I swear, mas lalo akong kinabahan.
Tatawag na sana ako ng pulis ng may nag text sa'kin,tinignan ko kung sino pero unknown number,
'Open this damn door or I'm gonna break this!'
Sino kaya 'to? At pano niya nakuha ang number ko? Kada pag lipas ng mga segundo ay mas lalo akong kinakabahan.
There's only one way to find out kung sino ang nasa labas at kung sino ang nag-text sa'kin. Lumapit ako sa pinto ng apartment ko at dahan-dahang binuksan iyon. Pero pinag sisihan ko naman na binuksan ko 'yun nang nakita ko kung sino.
"Hi cold hearted" sabi ni alex at ngumiti. Sisirado ko na sana ang pinto ng apartment ko ng bigla niya ito hinarang gamit ang mga paa niya, "What's with the rush? Bakit? May kasama kaba diyan? Ha? May lalake kaba na tinatago?" galit na sabi niya.
Nagtatakang tinignan ko naman siya, "Anu bang kailangan mo Alex?" matapang na tanong ko. Kahit na ang sakit ng mga sinabi niya, kailangan ko pa ding maging matapang. Hindi na ako ang dating Alley na nakilala mo Alex. Hindi na.
"Matapang kana ata? Bakit? Sino nanaman yung pinu-puta mo?" parang ilang kutsilyo ang tumusok sa'king puso. Nangingilid na ang luha sa'king mga mata. So all this time, ganito ang tingin niya sa'kin? Isang puta? Ang sakit. Sobrang sakit...
"Wala kang karapatan na sabihan ako ng ganyan! Hindi mo ko kilala!" Naiiyak kong sabi. Tumawa naman ito ng malakas.
"Oh right, hindi pala kita kilala. But the thing is, I fucked you. I fucked you Alley!" hindi ko napigilan ang sarili ko, agad ko siyang sinampal. Mukhang nagulat naman siya sa ginawa ko.
Tama na'to. I've heard enough.
"I-I t-trusted you.. I trusted you Alex! Pero anung ginawa mo sa'kin? You treat me like a w-whore..like a s-slut..." hindi ko napigilan ang luha na kanina ko pa iniinda.
I feel so weak. Akala ko kaya ko na siyang harapin. Akala ko, kaya ko ng ipa-mukha sakanya na nagbago na'ko. Akala ko magiging okay na ang lahat.. Akala ko kaya ko na..Pero mali ako.
Mali nanaman ako..
Dahil kahit na anung gawin ko, ako parin yung babaeng mahina.
At kahit na anung gawin ko, kahit na yun na kasama ang ginawa niya sa'kin noon. Hindi ko parin mabura sa'king puso't isipan na siya parin ang mahal ko.
BINABASA MO ANG
Unforgettable(COMPLETED)
Lãng mạnWhy is it so hard to forget something so painful? (RED HEART SERIES) [UNEDITED]