Takbo ako ng takbo sa madilim na gubat. Hindi ako lumingon sa bahay namin, takbo lang ako ng takbo. Hindi ko alam kung saan ako pupunta. Napatigil ako ng makarinig ako ng isang putok ng baril. Agad akong napalingon. "M-Mama.." ang tanging nasabi ko.
Hindi ko alam kung bakit ako tumakbo pabalik ng bahay. Ang tanging nasa isip ko lamang ay si Mama. Wala na akong pakialam kung anu ang mangyayari sa'kin. Ang makita siya, ang tanging gusto ko. Alam kong delikado, ngunit kailangan kong makita si Mama, para malaman kung okay lang ba siya. Hindi ko initindi ang putok ng Baril. Hindi nanggaling sa bahay 'yun, ang tanging paulit-ulit na sinasabi ko sa'king sarili.
Bigla na lamang akong natapilok at napahiga. Ramdam ko ang sakit sa'king paa. Pero hindi ko iyon inisip. Pinilit kong tumayo at nag lakad. Nang makarating ako sa likod ng bahay namin, agad akong nagtago sa likod nang kapoy malapit sa'ming doon. Bigla kong nakita ang Stepfather ko na parang may tinatapun sa aming bahay. Wala akong nagawa kundi ang tignan siya habang ginagawa niya iyon.
Nang naubos na ang tinatapon niya, agad niyang kinuha ang pusporo sakanyang bulsa. Agad siyang nag sindi at nagulat ako nang bigla niya itong tinapon sa gilid nang bahay namin. Bigla na lamang sumilyab ang apoy. Napatakip ako sa'king baba nang tumawa ito ng malakas. Tumatawa ito habang tinitignan na kinakain nang apoy ang aming bahay. Ang bahay na pinagawa pa ni Papa. Ang bahay kung saan ako lumaki at nag kaisip. Ang bahay kung saan nabuo ang masasayang alaala naming pamilya.
Napasigaw ako sa takot ng bigla itong napaharap sa direksyon ko. Agad siyang tumakbo papunta sa'kin. Tumakbo agad ako pabalik sa gubat. Naiiyak na'ko dahil sa sobrang sakit ng paa ko. Ngunit hindi dapat ako tumigil. Naririnig ko ang tawag niya sa'kin, na mas lalong nag pakaba sa'kin. Mas dinalian ko ang Pagtakbo. Hindi ako lumilingon, pero ramdam ko parin ang pag habol niya.
"Sa tingin mo makakatakas ka sa'kin?! Tumakbo ka lang Alley! Takbo ka lang! Mahahabol parin kita!" sigaw nito. Umiiyak na'ko, habang tumatakbo dito sa madilim na gubat. Lumiko ako at tumakbo, nagbabaka sakaling, maligaw ito. Tumigil ako ng maramdaman ko na wala nang may nakasunod sa'kin. Nagtago ako sa isang malaking puno at napasandal doon.
Hinahabol ko ang aking hininga. Agad kong pinahiran ang mga luha na kanina pa gumugulong sa'king pisnge. Napasigaw ako ng bigla siyang lumitaw sa gilid ko, "Akala mo makakatakas ka sa'kin?!" sigaw niya at hinablot ang buhok ko. Tinulak ko siya, pero sadyang malakas siya. "Wag mo nang tangkain na tumakas pa, Alley. Dahil hinding-hindi kana makakatakas sa'kin. Isasama kita kay Mama mo, sa impyerno!" saad niya at tumawa. Sinimulan niya na akong hatakin pabalik sa aming bahay.
Agad ko siyang sinipa ng isang paa ko, sa ibaba niya. Napasigaw naman ito sa sakit at nabitawan ang buhok ko. Sinipa ko ulit siya dun, at napahiga na siya. Sinipa ko siya sakanyang mukha, at tinapakan ang kanyang tiyan. Agad akong tumakbo. Narinig ko pa siyang sumigaw, ngunit ko na iyon pinansin. Dahil ang tanging nais ko ay ang mapalayo sa lugar na'yun. Takbo lang ako ng takbo, hanggang sa natanaw ko na ang highway. Mas dinaliaan ko ang takbo, at ininda ang sakit sa'king paa. Pero nang nakarating na ako sa highway, bigla akong nanghina. At bago ako mawalan ng malay, ang huli kong nakita ay ang ilaw na galing sa isang sasakyan.
Napabangon ako bigla. Bakit ba paulit-ulit na lamang bumabalik sa alaala ko 'yon? Bakit hindi ko kayang kalimutan ang napaka samang pangyayari na'yun sa buhay ko? I sighed. Kailangan mo nang kalimutan 'yun, Alley. Kailangan mo nang patawarin ang sarili mo. Walang ibang makaka tulong sa'yo, kundi ang sarili mo mismo..
*********
Umupo na'ko sa silya ko. Magsisimula na ang klase maya-maya. Napatingin naman ako sa babaeng tumabi sa'kin. Binigyan niya ako ng isang napaka ganda na ngiti. "Hi." Khacy said.
BINABASA MO ANG
Unforgettable(COMPLETED)
RomanceWhy is it so hard to forget something so painful? (RED HEART SERIES) [UNEDITED]