Chapter 16

316 15 3
                                    

Agad niya akong niyakap na ikinagulat ko. Hindi ko alam kung yayakapin ko rin ba siya o anu. "Kahit ngayon lang, Al. Kalimutan muna natin ang lahat. I need a friend right now. " sabi niya. Naramdaman ko naman ang lungkot sa boses niya. Hindi ko alam pero niyakap ko rin siya pabalik.

I hug him like it was the first time I saw him again, after a long long years. Naramdaman ko naman na mas lalo niyang hinigpitan ang yakap niya sa'kin. Yung parang ayaw niyang mawala ako. Yung parang anytime, mawawala ako sakanyang tabi kaya hinihigpitan niya yung yakap niya.

Pag kalipas ng ilang sandali, humiwalay siya sa yakap namin. He look at me in the eyes and I swear to God, my heart is not beating normally. Agad kong iniwas ang mga tingin ko. Ayokong mahulog ulit sa mga tingin ni Alex.

"A-Anu bang ginagawa mo dito?" tanong ko bago umupo sa Sofa. Sumunod naman siya pag katapos niyang isira ang pinto, at umupo siya sa tabi ko.

"I'm going to the states tomorrow." Sabi niya na ikinagulat ko. Tinignan ko siya, pero nakatingin lang siya sa harap niya. "We need to go there. Kailangan naming ipagamot si mommy.." he said at naramdaman ko ang panginginig ng kanyang boses. "Melanoma, it is a type of Skin Cancer. Kumalat na ito sa katawan ni mommy a-and... there's a very small chance for her to survive..." hindi niya na napigilan ang sarili niya at umiyak na ito.

All I could do is to comfort him. "She'll be okay, Alex. She'll be fine.." I try to tell him everything that I can think of to make him feel better. Sa unang pag kakataon, nakita ko ang isang Alexander Gabriel na umiiyak. Kaya ginawa ko ang lahat para maging okay siya. Para maramdaman niya na may kasama siya.

"Hindi ko alam kung hanggang kailan kami 'dun. She'll have to take some treatment.." sabi niya pagkatapos niyang umiyak. Hindi ko alam pero nakaramdam ako ng lungkot. Hindi ko man aminin, pero ma mi-miss ko rin naman si Alex.

"Hey," napatingin naman ako sakanya ng bigla itong nag salita. "Let's watch some movies." Sabi niya at ngumiti. Napunasan niya na pala yung mga luha niya, di ko man lang napansin. Napatingin naman ako sakanya, bago tumango. Tumayo siya at tumingin ng mga DVDs. "Hmmm.. anu kaya ang magandang panuorin?" he said with his hand on his chin.

"Diba may Flight ka pa bukas? Baka hinahanap ka na sa inyo.." sabi ko, kahit labag sa luob ko ang mga salitang binitawan ko.

"I want to spend my remaining hours here in the Philippines with you. So just sit there, and stay with me. Okay?" sabi niya. Hindi ko naman maiwasang ngumiti ng palihim. "Wala ka bang action movies dito? Puro love stories naman ang mga movies mo." Reklamo niya.

"Meron akong John Wick diyan" I told him. Hinanap niya naman iyon at nang nahanap niya yung Tape, agad niya itong isinalang. Umupo siya sa tabi ko at tahimik na nanunuod. Hindi ko mapigilan ang sarili ko na tignan siya. Walang pinagbago ang kanyang mukha. Naging matured lang siyang tignan pero nandoon pa din ang lalakeng minahal ko at minamahal pa rin. 

"Don't look at me. Baka hindi ako makaalis dito sa Pilipinas." Sabi niya na ikinagulat ko. Agad ko naman iniwas ang tingin ko.

"A-Anung pinag sasabi mo diyan... I'm not looking at you." Deny ko.

"If you say so." He said and chuckled.

Nang natapos na namin ang movie, we decided to bake some cupcakes. Alam ko na ang weird dahil mag be-bake kami ng cupcake, in the middle of the night. But if this is the only way that I can be with him, I really don't care about the criticism. 

We decided to bake a Red Velvet Cupcakes, he still remembers that it's my favorite. I just can't help but smile. Hindi ko rin mapigilang matuwa dahil nag effort siyang mag stay sa'kin kahit na may flight pa siya early in the morning. Just the thought of him making some efforts,really melts my heart.

Nang na-bake na ang ginawa naming cupcakes at nalagyan na ito ng icing. Agad kaming bumalik sa Sala at umupo sa sofa para kainin ito. Kumakain ako ng bigla niyang nilagyan ng icing ang ilong ko, na nag pagulat sa'kin. Gulat na tinignan ko siya, and he just laugh. Kumuha rin ako ng icing at nilagyan ang kanyang ilong, at tinawaan ko rin siya. Tumigil naman siya sa kakatawa at tinignan ako.

"What? You started it!" I said to him.

"Ang dami ng nilagay mo." Reklamo niya. Mas lalo akong natawa dahil ang dami ngang icing sa ilong niya. Pero nagulat ako ng bigla niya akong kiniliti sa tagilirin ko. Dahilan para mabitawan ko ang cupcake na hawak ko. Kinuha niya naman iyon at nilagay sa center table ng sala ko, kasabay ng cupcake niya.

"Alex hahaha.." hindi ako maka pag salita dahil patuloy niya akong kiniliti. "Alex.. hahahaha s-stop!" nahihirapan kong sabi.

"That's what you get when you're laughing at me." Sabi niya, pero mararamdaman mo din ang pagtawa niya.

"Okay okay. I'm..hahaha.. I'm sorry!" sabi ko pero tumatawa parin ako. Tumigil din naman siya ng nag-sorry ako. Umupo ako ng maayos dahil napahiga na pala ako dahil sa kakatawa ko kanina, and trying to shield myself from him.

"Look at you, may icing kapa sa mukha." Sabi niya sabay hawak sa mukha ko at tinanggal ang mga icing sa ilong ko gamit ng panyo niya.

"Well, thanks to someone." I said at tumawa. Napatawa rin naman siya. Tinignan ko ang mukha niya na wala na palang icing. I really find him cute whenever he smile or laugh.

"Al," tawag niya sa'kin.

"Bakit?" I asked. Kumuha ulit ako ng bagong cupcake at kinain ito.

"Thank you." He said. Napatingin naman ako sakanya, at nakitang seryosong nakatingin siya sa'kin. Iniwas ko naman ang mga tingin ko sakanya.

"Para naman saan?" tanong ko.

"Thank you for letting me be with you, kahit ngayong gabi lang..." sabi niya. Nakaramdam naman ako ng lungkot.

After this night, wala kasiguraduhan kung kailan babalik si Alex. I'm not even sure kung babalik pa siya. Alam kong wala akong karapatan, pero parang gusto ko siyang pigilan. I want him to stay with me here. I want him at my side. Ayokong mawala siya sa paningin ko o sa tabi ko.

Pero ayokong maging selfish. Lalo na kailangan siya ng pamilya niya, lalong lalo na ang mommy niya. Kaya kahit wala akong karapatan na sabihin ito,

Okay lang sa'kin na umalis ka, Alex. Okay lang sa'kin na iwan mo 'ko. Okay lang sa'kin na mag hintay ako sa'yo, Alex..

Kahit hindi niya man sabihin, I'll still wait for him to comeback. I'll wait for him no matter what...

Unforgettable(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon