Chapter 14

334 17 5
                                    

Andito ako ngayon sa Mini Canteen na malapit sa classroom namin. Bibili lang ako ng tubig. Nang makabili na'ko, agad akong umupo sa isang bench. Hindi ko alam, pero pakiramdam ko meron akong hinihintay. Si Lauren ba? Si Khacy? Si Nathan? Sige aaminin ko, wala ni-isa sa kanila ang hinihintay ko.


Si Alex? Oo, si Alex ang hinihintay ko. Hindi nga lang ako sigurado kung anu ba ang dahilan ko para hintayin siya. Para bang may gusto akong malaman. Para bang meron akong hinihintay na sasabihin niya. Na noon pa ay gustong-gusto ko ng marinig.


Napabalik ako sa realidad ng mag-ring na ang bell. Hudyat para bumalik na ako sa classroom namin. Agad naman akong tumayo at umakyat na sa aming silid. Umupo na ako at hinintay na ang professor namin. Bigla naman nag-vibrate yung phone ko, kaya tinignan ko 'to. It was a text from Lauren.


From: Lauren

Al, sabay tayong mag-lunch mamaya okay? Kasama nga pala si Nathan. Hehehe. ILoveYou! :* See you later!


Napangiti naman ako sa tinext niya. Mukhang nagiging makulay na nga ang Buhay ng Bestfriend ko. Mabuti pa siya, nag kakakulay na.


*********


"Al! I'm so sorry hindi na kita nahintay lumabas sa classroom mo. Dumiretso na 'ko dito kasi kanina pa naghihintay si Nathan, 'tsaka baka wala na tayong mauupuan." Sabi niya. Tinignan ko lang siya at si Nathan na napangiti.


"So, nag-alala ka nga sa'kin?" saad ni Nathan. Umiwas naman si Lauren ng tingin.


"H-Hindi ah! Asa ka naman na mag-aalala ako sa'yo! Hmmp!" she said. Napatawa naman si Nathan, at kinurot ang pisnge ni Lauren.


"You're blushing." He said. Napangiti naman ako sa kanilang dalawa. Sana sa susunod na main-love ako, ma experience ko rin 'to. Yung tipong pakikiligin ka niya. Papakita niya sa'yo na ikaw lang yung babaeng mamahalin niya. Yun bang, hindi siya mapakali na hindi ka pa nakakauwi. Napahinga naman ako ng malalim. Yan kasi Alley eh, ang aga mong nagmahal. Kaya maaga ka rin nasaktan.


"Al, okay ka lang?" napatingin naman ako kay Lauren.


"H-Ha? Ah, oo." Sabi ko na lang. Tumango naman ito, at tumingin na ulit sa cellphone niya. "Lauren ha, mukhang may dapat ka atang sabihin sa'kin?" sabi ko.


"B-Bumili na si Nathan ng pagkain." Sabi niya na tila iniiwasan ang tunay na tanong ko. Pero hindi ko na lang iyon pinansin. Nire-respeto ko naman yung desisyon ng kaibigan ko, kung ayaw niyang sabihin sa'kin. Okay lang. Alam ko naman na someday, she'll tell me.


*********


Pagod kong binagsak ang katawan ko sa kama ko, ng makarating ako sa apartment. Bakit ba pagod na pagod ako? Wala naman akong masyadong ginawa? Siguro, pagod ako sa kakaintay? Pero in the first place, bakit ko naman siya hinihintay? Hay naku Alley, ito ka nanaman. Umaasa ka nanaman. Palagi na lang, Al. Palagi mo na lang sinasaktan ang sarili mo.


Napahinga naman ako ng malalim. Hindi ko alam kung dapat ba akong magalit kay Alex, eh wala naman akong karapatan. Pero kasalanan niya naman. Mag papakita siya ng ilang araw tapos anu? Mawawala siya ng parang bula, ngayon? Ang hirap hirap mong intindihin Alex.


Bigla ko tuloy naalala ang mga nangyari noon. Alex was always there for me. Hindi niya ako pinabayaan. He never left me. He never missed a single day to show how much he cares for me...


(Flashback) [CONTINUATION-Chapter 9]

Takbo lang ako ng takbo, hanggang sa natanaw ko na ang highway. Mas dinaliaan ko ang takbo, at ininda ang sakit sa'king paa. Pero nang nakarating na ako sa highway, bigla akong nanghina. At bago ako mawalan ng malay, ang huli kong nakita ay ang ilaw na galing sa isang sasakyan.


Nakaramdam ako ng maginaw na bagay sa'king noo. Bumababa ito sa'king mga pisnge papunta sa'king leeg, at papunta sa'king mga braso. Napatigil ako ng mapagsanto ko, na may tao akong kasama. Agad kong minulat ang aking mga mata at nakita ang isang lalake na pinupunasan ang aking mga kamay. Mabilis kong kinuha ang aking mga kamay at napaupo sa kama.


Teka, Kama? Tinignan ko ang aking paligid at nakita ang sarili ko sa isang silid. Hindi pamilyar ang lugar na 'to sa'kin, at mas lalong hindi pamilyar ang lalake na'to sa'kin.


"Finally, nagising ka 'rin." Sabi ng lalake. "Okay ka lang ba? May masakit ba sa'yo?" tanong niya. Tinignan ko lamang siya. Hindi ko alam kung sasagot ba ako sakanya o anu. Hindi ko siya kilala kaya hindi ko alam kung mabuti siyang tao o hindi.


Bigla ko naman naalala ang Stepfather ko, at ang kahayupang ginawa niya sa mama ko. Hindi ko alam pero bigla akong umiyak. Patay na si mama... Iniwan niya na ako.. Iyak lang ako ng Iyak nang bigla akong makaramdam ng mga kamay sa'king likuran. Tinignan ko ang lalake, kaya tumigil agad ako. Masyado akong nadala sa emosyon ko, nakalimutan ko tuloy na may kasama pa pala ako.


"Okay ka lang?" tanong niya ulit. Ngunit tinignan ko lamang siya. "Nakita kita na walang malay sa daan kagabi. Tinignan ko kung meron kang sugat pero mukhang wala naman parang maliit lang na mga sugat pero kaya ko naman gamutin, kaya hindi na lang kita dinala sa Hospital." Sabi niya. Napagtanto ko naman na sasakyan niya siguro yung nakita ko kagabi bago ako mawalan ng malay. "By the way, I'm Alex." Sabi niya ulit at nilahad ang mga kamay niya. Ngunit tinignan ko lamang ito. Hindi ko alam kung mag titiwala ako sakanya. Natatakot akong mag tiwala ulit, lalo na dahil sa ginawa ng Step Father ko.


Binawi niya naman ang kanyang mga kamay at pilit na ngumiti. "Kumain ka muna para makainom kana ng gamot mo." Saad niya at kinuha ang sopas na nasa side table. Sinubukan niyang isubo sa'kin yung pagkain pero nilayo ko ang aking ulo. Hindi ko siya kilala, at hindi ko alam kung anu klase siyang tao. Higit pa 'dun, hindi ko alam kung pwede ko siyang pag katiwalaan. "Kumain kana. Don't worry I didn't put some poison here, and I know it's weird for me to say but you can trust me, okay?" sabi niya na nag patingin sa'kin sa direksyon niya.


Tinignan ko muna siya ng matagal bago binuka ang bibig ko. Sumilay naman ang isang ngiti sakanyang labi, "Finally. Nangangawit na ang kamay ko." He said and chuckled. Pinag patuloy niya lang ang kanyang ginagawa hanggang sa maubos ko ang sopas na pinakain niya. He then, handed me a medicine to drink. After drinking it, he let me rest.


I really don't know what will happen to me, I don't know if I can trust this guy. I mean, the only thing that I know about him was his name. Aside from that, I know nothing about him. But for now, I just want to rest. I want to rest my body, my mind, and my heart. I want this ache to stop, even just for an hour. But no matter I try to sleep, I can't. Parang ginigising ako ng takot ko. Hindi ko magawang ipikit ang aking mga mata dahil natatakot ako nab aka pag pumikit ako, pag dilat ko makikita ko ang lalaking pumatay sa mama ko. Ang lalakeng tinuring kong tatay. Ang lalakeng pinag katiwalan ko at ni mama. 


Unforgettable(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon