(A/N: Narration of Alley)
"Masayang Pamilya kami noon. Kaming tatlo ni mama at ni papa. Ngunit bigla itong nawala, nung namatay si papa. Sobrang nasaktan si mama noon, alam ko. Saksi ako sa lahat ng pag hihirap ni mama. Alam ko kung gaano siya nasaktan, at alam ko kung gaano niya kinakaya araw araw na bumangon para sakin.
Hanggang isang araw may nakilala siya isang lalake. Biglang bumalik ang ngiti na nawala kay mama nung araw na, nawala din si papa. Araw araw na pumupunta dun ang lalake na halos dun na tumira. Kahit ayoko sa lalake, wala akong magawa kundi ang tanggap siya.
Bakit ko naman ipag kakait ang isang bagay na makaka pag paligaya sa ina ko, diba?
Kaya kahit masakit. Kahit ayoko. Tinanggap ko siya. Si Roman ang tumayo na ama ko. Pero habang tumatagal, nag babago ito. Kung dati ay pala ngiti siya, naging palaging galit. Hanggang sa sinasaktan na niya si Mama.
Akala ko makikita ko na si mama na ngumiti ulit, araw araw. Ngunit nag kamali ako. Nakita ko ulit si mama na umiiyak, na nag dudusa dahil kay Roman.
Hanggang magising ako dahil sa iyak ni mama. Pinapatakas niya ako. Pinipilit kong tanungin kung anu yung rason niya pero hindi niya sinabi. Hanggang sa nakarinig kami ng isang sasakyan, kaya wala akong nagawa kundi ang tumakas.
Takbo ako ng takbo sa liblib na gubat. Takbo lang ako ng takbo pero napatigil ako ng bigla akong nakarinig ng isang putok ng baril. Kaya bumalik ako, at nakita ko ang step father ko na nilalagyan ng gas ang buong bahay namin at sinunog ito. Sa kasamaang palad, nakita niya ako. Kaya tumakbo ako pabalik sa gubat. Hindi ko na alam ang gagawin ko. Hanggang sa mawalan ako ng malay, at nagising ako sa kwarto mo" pag kkwento ko kay Alex.
BINABASA MO ANG
Unforgettable(COMPLETED)
RomanceWhy is it so hard to forget something so painful? (RED HEART SERIES) [UNEDITED]