Agad akong pumunta sa imbestegador. Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko, pero mas nakakaramdam ako ng kaba, ng takot.
Handa naba ako na harapin siya? Paano kung saktan niya ulit ako?
Mas lalo akong kinabahan dahil sa naisip ko. Pero kailangan ko siyang harapin. Kailangan kong harapin siya. Kailangan kong malaman kung bakit nagawa niya iyon sa mama ko. Kailangan kong malaman kung bakit niya nakayang saktan ang babaeng minahal lang naman siya.
Minsan talaga napapaisip ako kung bakit kailan masaktan ng mga taong nag mamahal. Nag mamahal lang naman sila. Pero bakit kailangan nilang masaktan?
Minsan hindi ko pa din gaano matanggap ang sinapit ng mga magulang ko. Sobrang bait nila. Pero bakit nangyari iyun sa kanila?
Lalo na si mama. Alam ko na sobrang nasaktan siya nung namatay si papa. Pero alang alang sakin, tinibayan niya ang kanyang loob. Alam ko, at ramdam ko na sobrang mahal ako ng mama ko. Hindi lamang ni mama kundi ang papa ko din. Ngunit biglang dumating ang stepfather ko. Akala ko liligaya ulit si mama. Pero mali pala ako. Mas dinagdangan niya lang ang sakit na dinaramdam ni mama.
Agad akong bumaba sa taxi na sinakyan ko ng dumating ako sa office ng imbestegador ko. Kinakabahan man ako, pero di ko pa din matatago na medyo masaya ako. Sa wakas, mabibigyan ko ng hustisya si mama.
Pinapasok ako ng parang secretary sa iaang opisina. Pag pasok ko nakita ko agad ang imbestegador.
"Anu pong balita?" agad kong tanong pag ka pasok ko.
"Ma upo ka muna Ms.Cruz." sabi niya at umupo naman ako sa tapat neto. "Medyo nahirapan ako sa pag hahanap sa stepfather mo" pag sisimula niya. "Pero pag katapos ng ilang buwan, nahanap na namin si Fernando Roman" sabi niya. Bigla naman akong nakaramdam ng kaba.
"Where is he?" tanong ko.Kahit kinakabahan ako, Kailangan kong maging matatag. Para sa mama ko to, and para na din sakin.
"Patay na siya Ms.Cruz. Nag pakamatay siya pag kalipas ng ilang buwan after niyang pinatay ang mama mo."
I was shock. Hindi ko alam kung anu ang magiging reaction ko.
He's dead.
Ang taong pumatay sa mama ko, at ang taong gusto din akong patayin, ay patay na.
Pero... Paano?
"Nalaman din namin na isa siyang baliw. Nakatakas pala siya sa mental nung nakilala siya ng mama mo. Nalaman din namin na ang nag papasok sa kanya sa Mental Hospital ay ang sarili niyang asawa." dugtong nito.
Hindi naman ako maka paniwala sa mga nalaman ko. Kaya pala medyo aka ramdam na ako ng kakaiba noon sa kanya. Kahit bata pa ako, tinuro na sakin ni papa ang kahalagahan ng pag bibigay ng tiwala.
"M-May asawa siya?" gulat kong sabi. Hindi ko aakalain na may asawa pala si Fernando. Buong akala ko, wala siyang pamilya, kasi yun yung sabi niya samin ni mama.
"Oo. Sa katunayan, nag pakamatay din ang asawa niya dahil hindi niya natanggap ang ginawa niya sa anak nila." he said.
Kinakabahan man, nag tanong pa din ako. "Anu ba ang ginawa niya?" I asked.
"Ibenenta niya ang sarili niyang anak." Yun lang ang sinabi neto.
Grabe. Hindi ko inaakala na magagawa yun ng isang magulang sa kanyang anak.
Pero bat ko ba qquestion yun? Kaya nga niya pumatay ng tao, mag benta pa kaya ng anak?
"Nalaman niyo din ba kung kung anu ang pangalan ng anak niya?" tanong ko.
"Nung una nahirapan kami. Dahil ang nakasulat ay Nathaniel Roman, pero nag palit ito ng pangalan... Ang bago niyang pangalan ay, Nathan Tan"
Hindi ko alam kung anu ang sasabihin ko.
Si Nathan ang anak ni Fernando?
Gulat na gulat ako sa mga nalaman ko.
So,
Kapatid ko si Nathan?
BINABASA MO ANG
Unforgettable(COMPLETED)
RomanceWhy is it so hard to forget something so painful? (RED HEART SERIES) [UNEDITED]