Chapter 4-SPG

9.9K 218 10
                                    

Cover credits to Marry Carry

"HERE."

Nilingon ni Lahynna ang narinig na nagsalita sa kanyang tabi. Nagulat pa siyang mabungaran ang isang goblet na may lamang red wine. Umarko tuloy ang kilay niya.

"Akala ko ba, bawal akong mag-inom?" pasupladang tanong niya.

"Red wine iyan. Mababa ang alcohol content. At kaunting-kaunti lang naman para hindi mo masabing napakasama kong nilalang na pinagdadamot ko sayo ang bagay na kinasasabikan mo."

Sa isip ni Lahynna ay may double connotation ang huling mga sinabi ni Rubick. Dahil bukod sa alak ay may mas higit siyang kinapapanabikan.

Ah!

The thoughts of him bring shivers down her spine. Igniting the fire inside her. She could feel her blood heated while it flow her veins. Napapikit nalang siya ng mariin. Gusto niyang sampalin ang sarili para magising mula sa mga makamundong nararamdaman.
At hindi nga ba naiinis pa siya rito?

Ito at ang pakikipaglampungan nito kay Eina ang dahilan kung bakit tinangka niyang tumikim ng alak. Gusto niyang maistorbo ang kanyang utak sa pag-iisip patungkol rito at ang kanyang mga mata na parating lumilipad papunta sa binata. Nafu-frustrate na siya ng sobra. Gusto niya itong lapitan at ilayo sa pinsan. Pero napipigilan siya ng isiping ano ba ang karapatan niyang gawin iyon?

"Kukunin mo, o... kukunin mo?" At inalog ni Rubick ang hawak na baso.

Nang ngumiti ito ay para bang nahawi ang lahat ng bagay at tao sa paligid nila. Hindi niya maunawaan ang sarili. Noon pa man, kahit ngumiti lang ito ay nagagawa na nitong pawiin ang lahat ng hindi magagandang damdaming pumapaikot sa kalooban niya.

At gusto na talaga niyang mapantastikuhan sa sarili.
Inabot ni Lahynna ang goblet. Inilapat sa labi ang glass rim at pinagsawa ang ilong sa mabangong amoy ng wine. Hindi nito nalalaman na sa ginagawa ay napapakagat-labi na si Rubick sa panonood rito. She was turning him on.

Sumimsim siya ng kaunti. Saka lumingon sa floor to ceiling na glass panel at kitang-kita ang loob. Naaabot pa ng kanyang tanaw ang mini bar na nakababa pa din ang bote ng red wine na siguro ay pinagkunan nito ng ibinigay sa kanya.

Tiningala niya si Rubick. "Pwedeng pumasok sa loob?"

Sandaling nangunot ang noo nito pero tumango rin naman. "Sure."
Nagpatiuna siya sa pagpasok, nakaalampay ang tuwalya sa kanyang balikat. Nakasunod naman sa likuran niya si Rubick. Tila inaalam kung saan ang puntirya ng mga paa niya. Iniisang lagok naman niya ang laman ng goblet na hawak habang dumederetso sa mini bar.

"Ang laki talaga ng bahay niyo, ano? Nasaan ang Mama mo?"

And she couldn't be mistaken. She really saw the unfathomable pain in his eyes. Na mabilis nitong naitago sa paggiging pockerfaced.

"Busy si Mommy... bihira siyang umuwi."

Gusto pa niyang magtanong pero pinigilan niya ang sarili. Mula sa mga usapan sa DJP ay may ideya na siya. At hindi maganda ang nabubuong eksena sa utak niya. And asking him private matters was like putting salts to his wounds. Hindi naman siya ganoon kasama para saktan pa ito lalo.

"Penge pa ha?"

Inabot niya ang bote ng red wine sa kawalan niya ng masasabi. Ngunit bago pa niya iyon mabuksan ay naagaw na iyon ni Rubick mula sa kanya.

Tila na dumoble ang bilis ng tibok ng puso niya nang magsimulang lumapit ang gwapong mukha ng binata sa kanya. May problema siya sa puso pero ang biglaang pag-palpitate noon ay para bang hindi masama ang epekto, kabaligtaran ng inaasahan. It was as if her heart became healthier than before. Raging with fire as it throbbed faster and harder. Hindi niya maramdaman ang paninikip ng dibdib sa halip, mainit na damdamin ang pumapalibot sa kanyang puso. It was so warm and so gentle sa kabila ng katotohanang gusto noong kumawala mula sa kanyang rib cage.

Love, Trust And Brokenhearts (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon