EPILOGUE

11.8K 314 17
                                    


PABALIk na sa dining si Lahynna dahil doon niya iniwan ang mag-amang Rubick at si baby Aion—ang kanilang nine month old baby boy. Yes! They got a baby!

Hindi iyon plinano. Hindi niya rin alam kung paanong nabuntis siya samantalang gumagamit sila ng proteksyon. At hindi rin naman niya binutas ang proteksyon nila tulad ng ginawa niya noon. Pero may hinala siyang nabuo iyon nung gabi bago sila nagkasundong mag-asawa. Dahil mag-iisang buwan magmula noon ay nakaramdam siya ng kakaiba mula sa katawan. Hindi biro ang naging takot ni Rubick para sa kanya. Nagkasundo naman na sila na kahit walang anak ay magiging masaya sila. Pero kapag nga pala plinano ng nasa Itaas ay walang pwedeng makakontra pa.

Isang malaking himala na hindi nagdeteriorate ang kalusugan niya. Hindi katulad noong una niyang pagbubuntis. Naging malusog siya at ang baby. Isa lang ang matigas na dinesisyunan ni Rubick. Hindi siya manganganak in a normal delivery. Sila ang pumili ng date kung kailan ipapanganak ang bata na inaprobahan naman ng OB-Gyne. Birthday ni Rubick ang date na napili nila at date na pwede na ring magpa-ceasarian siya. Suggestion iyon ng bago niyang OB-Gyne at hindi nila alam na posible pala ang ganoong panganganak.

Hindi na raw kasi kaya ni Rubick na mangyari ang nangyari noon na pinilit niyang mag-normal delivery. Kaya nang mag-suggest ang doctor niya ng ibang paraan ng panganganak na less complication ay napapayag agad sila. Hindi na nila kailangang hintayin ang pagla-labor niya at hindi na rin kailangang dumaan sa labor pain.

Ganoon nalang ang tuwa ni Rubick nang malusog ang kanilang baby nang ipanganak niya iyon. At maging siya ay hindi nagkaroon ng complications. Hindi na mapantayan ang kanilang kaligayahan. Every hardships and pain were requited. Aion is the living evidence of their love.

Kanina ay pinapakain ni Lahynna ang anak nang sabihin ni Sally na nasa telepono ang kanyang ina. Ipinasa muna niya kay Rubick ang bata para kausapin ang ina. Gusto lang namang itanong ng kanyang ina kung nasabi na ba niya ang dapat sabihin sa asawa.

At siyempre ay hindi pa. Humahanap pa siya ng bwelo.

"I'll tell you a story. Then, you'll eat your foods, okay?"

Gusto niyang mapailing sa kalokohan ng asawa. Inuuto nito si Baby Aion para mapakain. And as if the little creature understood his father, tiningala nito si Rubick, with open mouth.

Napangiti siya sa sarili nang marinig ang hagikhik ng anak. Just every giggle of this little creature and her heart had been full of warmth, joy and wonderful feelings. Isa pang ipinagpapasalamat nila na hindi rin nito namana ang sakit niya.

"Okay..." Nagsimula si Rubick magkwento. "Once, there was a beautiful maiden who met a beast."

Aion giggled as if he understood every word his father was saying. At tila ba lalong ikinaaliw iyon ni Rubick.

"Yes, son. An awfully cursed beast that was living in a dark world. Guess what! He looks like your Dad." Natatawang sambit nito na sinubuan ng pagkain ang anak nilang humahagikhik sa high chair sa tabi ng asawa.

Ilang beses na ba niyang narinig ang kwentong iyon? Libong beses na yata. At hindi nagsasawa si Rubick na ikwento iyon sa wala pa namang malay sa mundo na anak nila. Parati itong may iba-ibang version pero iisa ang theme ng kwento nito. The beauty and the beast. Tanging fairy tale na alam ng kanyang asawa.

Natutukso na siyang pumasok sa kitchen pero mas pinili niyang pakinggan ang kwento ni Rubick. Maski napakadaming beses na niyang narinig iyon, hindi pa din siya nagsasawang pakinggan. At hindi siya magsasawang pakinggan ang kwento nila—

"The beast and the beautiful maiden decided to made love."

"Anak ng tinapa!" Pasugod at nanlalaki ang mga matang lumapit siya sa kanyang mag-ama.

Love, Trust And Brokenhearts (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon