Chapter 8

10K 198 16
                                    

HABANG bumababa ng hagdanan ay pansin naman ni Lahynna ang di magkandaugaga sa pagtakbo palabas ng bahay ang kapatid na si Lanryd. Galing ito sa kusina at humahangos na para bang hinahabol ng sampung demonyo. Kunot-noong dumeretso siya sa kusina. Nagluluto ang kanyang Mama. Humingi siya rito ng hot apple tea.
"Ma? Bakit nagmamadali sa pag-alis si Lanryd? Nakita ko siyang pumapatikad palabas ng bahay." Hindi niya napigil ang magtanong sa ina habang nakapangalumbaba sa mesa.
"Ah, oo. Nasa ospital daw kasi si Rubick. Kagabi pa. Ngayong umaga lang nabasa ng kapatid mo ang text ni Simon."
Sa narinig ay bigla siyang napatayo. "Ano po?! Bakit nasa ospital? Anong nangyari sa kanya? Naaksidente ba si Rubick?" Napatutop din siya ng marahan sa dibdib. Kung minsan ay di talaga maganda sa kanya ang binibigla ng mga nakakapag-alalang balita.
"Anong nangyari sayo?" Bigla ang paglapit sa kanya ng ina at pinaupo siya. "Bakit ka ba ganyan mag-react? Parang ako ang aatakihin sa pag-aalala sa reaksyon mo." Tila nai-stress ang kanyang ina. Kinuha ang gamot niya at iniabot sa kanya kasabay ng baso ng tubig.
Iinom din naman siya noon kaya kinuha na din niya sa ina.
"Sorry, Ma. Nagulat lang talaga ako. Ano bang nangyari?"
Napailing nalang ang ina. "Kung alam ko lang na magiging ganyan ang impact sayo, hindi ko nalang sinabi. Malay ko bang close na pala kayo ni Rubick e dati naman na wala kang pakialam sa kanya."
Bumalik ito sa counter top nang mapansin na kumakalma na siya. Inasikaso ang hinihingi niyang hot tea. "Mag-relax ka diyan at baka mamaya, ikaw naman ang mapasugod sa ospital."
"Ano pong nangyari kay Rubick, Mama?" Giit niya sa tanong.
Sandali itong bumaling sa kanya na tila may dumudungaw na ngiti sa labi. "Okay na naman daw. Wag ka nang mag-alala."
Sinimangutan niya ang ina. Nag-aalala ba siya? Hindi naman a? Curious lang siya.
Paano, isang linggo na magmula nang may mangyari sa kanila. Isinuko niya ang kanyang Bataan kay Rubick pero pagkatapos noon ay parang walang nangyari. Hindi ito nagpaparamdam sa kanya habang siya ay halos mabaliw na sa kakaisip rito. Mas lumalala siya ngayon dahil basta nalang sumasalit sa isip niya ang naganap. At sa tuwing mangyayari iyon, hindi niya mapigilan ang sarili sa matinding pananabik kay Rubick. Kusang nagliliyab ang kanyang katawan kapag naaalala niya ang binata.
And how dare him to make her feel that way?! Samantalang ito, parang walang pakialam sa nangyari. Sabagay, ano bang inaasahan niya gayong kasunduan lang naman ang lahat ng naganap sa pagitan nila. Isang dare.
Minsan ay gusto na niyang maniwala na fuck boy nga ang binata. Pero siya naman ang may kasalanan kung bakit nangyari ang ganoon. Hindi ba at siya ang malakas ang loob na biruin ito? May pagkakataon siyang itama ang maling assumption ni Rubick sa biro niya pero di niya ginawa. Sa halip ay pinanindigan niya ang mali nitong akala.
Malaking bahagi niya ang gusto ang naging takbo ng mga pangyayari at di niya iyon maikakakaila.
Minsan nalang ito tumambay sa kanila kasama sina Simon. May pakiramdam siya na sinasadya nitong dumistansya sa kanya.
Ganoon nalang ba talaga ang lahat? Matapos siya nitong patikimin ng bawal ay kinalimutan na siya nito? Kung nalalaman lang nito kung gaano kahirap supilin ang pananabik niya rito at kung gaano kasakit sa kaalamang wala naman itong pakialam.
Maraming beses din siyang umiyak at kamuntik atakihin ng sakit niya. Kung bakit ba naman kasi kailangan niyang maapektuhan ng ganoon?
At para naman hindi siya tuluyang madurog ay hindi nalang din siya lumalabas ng bahay. Nagkukulong siya sa silid at nagta-trabaho online. Mas maigi iyon. Kumikita na siya, nadi-distract pa siya ng pag-iisip ng mga patungkol kay Rubick.
"Sumali daw sa drag race ang batang iyon kagabi. Ayon, minalas at naaksidente. Maigi nga at hindi malala ang naging pinsala niya. Diosko! Talaga naman ang batang iyon!" Ang tinig ng ina ang muling nagpabalik kay Lahynna sa kasalukuyan mula sa malalim na pag-iisip. Umiiling-iling ito. "Minsan gusto ko nalang siyang ampunin para may gumagabay sa kanya."
"Saan daw ospital dinala?"
Lumapit ang kanyang ina sa kanya dala ang mainit na apple tea. "Bakit? Balak mong bumisita?"
Hindi niya alam kung paano sasagot sa ina. Lalo pa at may nakikita siyang panunukso sa mga ngiti nito. Binalingan nalang niya ang kanyang mainit na tsa.
"Well, tama lang naman na dumalaw ka. Nung huli kang maospital, halos doon na din iyon sa ospital makatira-tira. Karamay namin siya sa pagdadasal para sayo."
Napabilis ang paghigop ni Lahynna sa mainit na tsokolate. Nakalimutang mainit pala iyon kaya bigla siyang napaso.
"Dahan-dahan kasi!" sita ng kanyang ina.
"Sabi niyo, Ma, nasa ospital din siya noon? Bakit parang di ko naman siya nakikita?"
"Kasi hindi siya pumapasok sa kwarto mo kapag gising ka. Ewan ko ba. Pero mas matagal pa siyang nagbantay kay Lanryd sayo sa ICU. Halos ayaw na ngang umalis." Ngumiti ng malapad ang kanyang ina. "Noon ko napatunayan na di siya tulad ng sinasabi ng iba na walang pakialam sa mundo at iresponsable. Dahil kahit di naman kayo close at kapatid ka lang naman ng kaibigan niya, nakikita ko naman sa kanya na genuine ang concern at pagdamay na pinapakita niya ng mga panahon na iyon." Naghila ng silya ang kanyang ina at naupo sa tapat niya. "Mabait si Rubick, anak. At sana, hindi maapektuhan ng mga naririnig mo kung paano mo siya huhusgahan sa isip mo. Kung may mga pagkakamali siyang nagawa, may malalim na pinaghugutan ang mga iyon. Sana makilala mo siya ng husto, anak."
Tinapik-tapik nito ang isang kamay niyang nakapatong sa ibabaw ng mesa saka tumayo at lumabas ng kitchen. Deretso sa labahan.
Naiwan naman siyang nakatunganga roon mag-isa. Napapaisip. It was so obvious her mother was so fond of Rubick. Konti nalang at iisipin na niyang nagtatangka ang kanyang ina na itulak siyang mapalapit sa binata.
'Kung nalalaman mo lang, Ma. Kung nalalaman mo lang kung saan na kami nakarating ni Rubick...'
Napapailing nalang siya. Pagkuway natigilan nang muling balikan ang sinabi ng ina.
Genuine concern daw ang pinakita ni Rubick sa kanya noon? To think na hindi naman sila close.
Ah, bakit siya magtataka? Nung una nga niya itong makilala ay tinulungan rin siya nito ng walang pag-aalinlangan. Rubick was such a good man. Bulag lang ang mga tao kaya di nila nakikita iyon. Dahil mas pokus ang mga ito sa masamang nagawa ni Rubick. Pero ano nga bang dahilan at gumawa ng hindi magagandang bagay si Rubick? Ang pamilya ba nito? Marahil.
He felt like he was lost. Walang mga magulang na gumagabay ng tama rito. Kaya nga ito naliligaw ng landas, hindi ba?
Sa isang sandali ay umiral ang pagkapilantropo ni Lahynna. Gusto niyang tulungang makaahon si Rubick sa lungkot at sakit ng buhay nito. Gusto niyang magising na ito sa madilim na bangungot at harapin ang totoong buhay.
Nagmadali na siya sa pag-inom ng mainit na tsa. May pupuntahan pa siya.

Love, Trust And Brokenhearts (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon