IYAK NG IYAK ang ina ni Lahynna sa labas ng delivery room habang pilit itong pinapakalma ng ina ni Rubick. Siya naman ay pilit pinatatatag ang sarili. Gusto siyang takasan ng kaluluwa pero patuloy na lumalaban ang loob. Naroong maya-maya siyang tumayo at maglakad ng paroo't-parito.
Paano siya kakalma?
Sinabi ng doktor na hindi maganda ang kondisyon ni Lahynna. Tumaas ang blood pressure at dahil may problema ito sa pumping organs ay hindi iyon kayanin. Nagkaroon ito ng hypertension at kinailangang maisailalim sa early delivery. May tsansa ring mag-eclampsia si Lahynna.
Lumalakad palang sa pitong buwan ang tiyan ng asawa. At maliit pa din ang umbok sa tiyan nito kumpara sa normal kaya may duda siya kung pupwede na itong manganak. Gaano lang kaliit ang sanggol sa sinapupunan nito?
Binalaan na sila ng doktor ng asawa na hindi advisable ang pagbubuntis sa kondisyon ng kalusugan nito pero tumuloy pa din sila. Naisip kasi niyang kung pipigilan niya si Lahynna, baka ma-depressed lang ito. Mas mahirap iyon dahil baka mas mag-detoriate ang kalusugan ni Lahynna.
Sinunod nalang nila ang alternate at advice ng OB-Gyne at physician nito. Akala niya ay maayos ang lahat. Wala naman kasing idinadaing si Lahynna. Ang tanging ipinag-alala niya rito ay nabawasan ang gana nito sa pagkain.
At ginagawa naman niya ang lahat para mapunan ang kakulangan nito sa nutrisyon. Sa huli nilang check up, bagaman may himig ng pag-aalala ang doktor ay na-assure pa din silang maayos ang lahat dahil wala namang problema kundi ang medyo mababang timbang ni Lahynna. Masigla naman ito maski ganoon.
Kaya ngayong nangyayari ito, bukod sa nagtataka ay higit na natatakot siya. Traydor ang sakit ng asawa. Bukod roon ay malapit ito sa mga complication dahil sa pagbubuntis.
Hindi niya maintindihan kung bakit kailangan pang mangyari ito ngayon. Bakit ngayon pa kung kailan maayos na ang lahat sa pagitan nila? Ngayon pa na masaya na sila at tanggap na niya ang desisyon ng asawa. Na-e-excite na natatakot siya nitong nakaraan pero ngayon. Higit na ang takot niya kesa sa excitement. He was so afraid she might not make it.
Sa tuwing magkakaaberya si Lahynna ang kapal-kapal ng mukha niyang lumapit sa Diyos. At kailanman ay di siya nabigong pagbibigyan siya nito. Pero ngayon, ngayon na binago na niya ang kanyang buhay, ngayon na nagpapakaayos na siya, ngayon na ba siya sisingilin ng nasa Itaas sa lahat ng mga naging kasalanan niya? Ang babaeng mahal ba niya ang magiging kabayaran ng lahat ng pagkakamali niya noon?
'Dios ko! Wag naman po! Ako nalang. Huwag siya. Huwag ang babaeng mahal ko... wag ang anak namin.'
Hindi kinaya ni Rubick ang tensyon. Lumayo muna siya roon at natagpuan ang sarili na naglalakad patungo sa chapel. Sa tahanan ng Diyos na kung tutuusin, wala naman siyang karapatang tumapak dahil napakadaming beses na siyang nagkamali. Pero hayun siya. Napaka-kapal ng mukha. Kailangan niyang humiling ulit. Alam naman niyang hindi niya deserve na maging masaya dahil sa mga naging kasalanan niya noon. Pero sana naman, hindi sa ganitong paraan siya bawian.
"Diyos ko!" Napaluhod siya sa gitna ng mismong altar habang nagsisimula na namang mag-init ang kanyang mga mata. Sumasakit ang lalamunan niya sa pagpipigil na umiyak. "Alam ko pong wala na akong ginawa kundi humiling. At sobrang nagpapasalamat po ako dahil parati Kang sumasagot sa mga kahilingan ko. Hindi Mo ako binibigo. Pero nagmamamakaawa ako Sayo..."
Bumulwak ang masaganang luha mula sa kanyang mga mata. Napakapit si Rubick sa mga hita habang buong pagkataong nakaluhod sa harap ng altar. Nakatingala sa hapis na imahe ng mukha ng Panginoong nakapako sa krus. Nakatunghay sa kanya. Tila ipinapaunawa kung gaano kahirap ang pinagdaanan nito para lang matubos siya sa kasalanan pero pinili niyang dagdagan pa ang paghihirap nito sa krus.
BINABASA MO ANG
Love, Trust And Brokenhearts (Completed)
RomanceRepublished; Written by Gazchela Aerienne For Rubick, Lahynna is different from the women that come and go into his life. She was special. He found it out from the very first time she smiled at him. She was never a flirt. So pure and clean-the words...